Monday, November 26, 2012

Mala-Freire na karanasan sa pagtuturo

Iba talaga yung ligaya kapag kita sa mga bagets na may AHA! moment sila.

Kanina sa klase sa Pagkamamamayan, sinimulan ko ang diskusyon sa pamamagitan ng pagpapasagot sa kanila ng ano ang gusto nila at ayaw nila mangyari sa kasalukuyan, sa susunod na limang taon, sa sampung taon, labing limang taon na lilipas, at matapos ang limampung taon.Ganundin kung ano ang hindi nila gustong mangyari sa timeframe na nabanggit.

Dahil karamihan sa bagets ko ay hindi morning person, medyo mabagal sila magwarm up. Paper and pencil activity muna. Sakto lang kasi medyo labinglimang minuto nila sinagot ang worksheet na binigay ko. Matapos noon, pinapunta ko sila na grupo nila para ibahagi sa iba yung mga sagot nila. Tatlumpu't anim ang bilang ng mga bagets at nahahati sa anim na grupo. Sakto lang para maging intimate sila at maging bukas sa pagbabahagi.

Diyan na nagsimula mag-ingay ang mga bagets. Mukhang maligaya silang magsalaysay ng mga pangarap nila sa buhay. Ang gaganda nga e. Napakasariwa ng idealismo nila. Hindi katulad ng mga kasama ko na nagtatrabaho na na nakalimutan nang mangarap.

Saturday, November 24, 2012

Wishing that the us never existed.

I asked a housemate if he can accompany me outside to buy some grilled street food. He declined and reasoned he has work to do. He didn't know I asked him to accompany me so I wouldn't stay out to drink TI from the sari-sari store nearby. He dislikes me drinking. His "faith" tells him so, or so he thought.

So I went out, bought ten sticks of grilled tofu and hanged out in the sari-sari store, with no one but TI to talk to. It's been like this since three years ago. I've been drinking to cool down and let my mind loose a bit, getting a temporary rest from thinking of how you left me.

It's like petting a serious wound. I've been removing the scab covering the open flesh. I can't help but remember you from time to time and think of what used to be us. It's been unhealthy sometimes. I have songs from Silent Sanctuary and Gavin deGraw and Graham Nash that fully describes how it feels like to be a junkie to you.

Friday, November 23, 2012

Pasintabi

Ito ay isang mabilisang sulat habang nagnanakaw ng pahinga sa pagtuturo sa unibersidad. Kasalukuyang:
  • nawawala ang powerpack ng laptop ko kaya hindi ako nakakapagsulat ng entry
  • haggang adam's apple ang stress bunga ng mga trabaho nitong mga nakaraan kaya hanggang mabilisang pagsilip lang ang nagagawa ko sa mga kapitbahay na blagero
  • may problema ang gamit kong makina sa pagpasok sa aking account sa blogspot. Sa proseso ng pagdiskubre kung paano gagamitin ang makinang ito, may mga nade-delete akong mga komento ng mga kaibigan. Pasintabi.
 Matatapos din naman ang araw na abala ako. At mahahanap ko rin (sana) ang charger ng laftaf.

Saturday, November 17, 2012

Kirin beer

Kirin Ichiban. Yan ang kompletong pangalan. Natikman ko nung kumain ako sa Kimono Ken sa Morato nung gabi na nakipagsapalaran ako sa warehouse sale ng National Bookstore sa may Quezon Avenue.

Ayan ang beer na swabe ang lasa, mas magaan pa sa malabnaw na San Miguel Light. Di katulad ng Red Horse natin, ang Kirin Ichiban ay walang sipa. Kung tutuusin, ito ang beer na mala-tubig. Hustong kapareha kung marami ang nakain na sushi na nasawsaw sa sauce na maraming wasabi.

Hindi ko siya irerekomenda sa mga naghahanap ng malalim na karansan ng serbesa. Ito yung tipong gagamitin mong pangbanlaw kapag masyado nang nagkakasiyahan ang mga tao at ayaw mong may mga lasing na nagwawala sa selebrasyon.

Friday, November 16, 2012

State of the art

Yan. Ganyang shiz ang mga nagpapaligaya ng araw ko. Kahapon habang nasa warehouse sale ng National Bookstore, nakita ko yang "calculator". Ako naman na namangha dahil kakaiba siya, sinubukan kong hanapin ang instructions. Nung nasigurado kong wala, sinubukan kong pindut-pindutin.

Bad day ng co-faculti, warehouse sale at konsumerismo

Masama ang araw para sa co-faculti ko. Rowdy yung mga bata niya sa preschool noong umaga. Hindi gumana yung LCD projector na tangan niya para sa klase sa kolehiyo noong hapon. Hindi rin engganyo ang mga undergrad na bagets sa diskusyon. (Isang struggle talaga sa isang instraktor na maging excited sa klase pero walang paki yung mga estudyante. Parang maya't maya ay binubuhusan ng malamig na tubig yung faculti na nagsusubok magbigay ng magandang lektyur sa unahan ng klase.) Sayang. Maganda pa naman ang kursong tinuturo niya -Malikhaing Karanasan para sa mga Bata, isang major sabjek. Tapos, habang naglalakad siya, bigla na lamang siya natapilok at nakita ng maraming tao.

Syempre, kapag ganyan na ang karanasan at pakiramdam ng co-faculti ko, niyayaya ko na yan na samahan gawin ang kung anuman ang gusto niyang gawin. Sabi niya punta daw kami sa National Bookstore sa may Quezon Avenue. Warehouse sale kasi ng mga bagay-bagay. Hanggang 80% ang discount. Shopping ang lunas sa masamang araw ni co-faculti. Ayun, alam kong magiging riot pero napasubo na e.

Ito ang tumambad sa amin sa ikaapat na palapag kung nasan ang warehouse sale ng NBS.

Wednesday, November 14, 2012

Sinisinok ang utak ko

Lumalala na ang pagiging makakalimutin ko. Nung isang araw gumawa ako ng account para internet monitoring ng bank account ko. Matapos ang isang araw, nakalimutan ko ang user name at password. At matapos ang halos sampung pagsusubok makapasok, ito ang lumabas:
Sinubukan kong tawagan yung numero na nakalagay pero hindi ako makapasok. Hanggang sa tuluyan ko na siyang nakalimutan. At tinamad na rin.

Nito ring mga nakaraang linggo, naiiwan ko ang selpon ko sa opisina. At kapag nakita ko na lamang siya sa sumunod na araw, saka ko na lang mapagtatanto na hindi ko nakasama ang gadget magdamag.

Kanina sa laboratory preschool, may dumaan na isang mas matanda sa akin na lalaki. Nginitian ako at nilampasan ko lamang.Medyo nasaliwaan ako kung ngingiti o hindi kaya nilampasan ko na lamang. Hinabol ako ng lalaki at tinawag ako sa una kong pangalan. Matapos madinig ang boses niya, doon ko lamang naisip na isa pala siyang magulang ng batang tangan ko sa klase. Nakakahiya. Buong oras na kausap ko siya, hindi ko maalala ang pangalan niya.

Sunday, November 11, 2012

Mga lumang libro ko sa probinsya

Nung umuwi ako sa bahay namin, nakita ko ulit yung regalo sa akin nung Grade 5 ako. Ayan, isang sakong mga librong klasiko. Galing Inglatera pa yan at pinadala ng mga kamag-anak na pakiramdam nila ay kaya ko nang i-digest ang mga ganyang shiz.

Ang mga natapos ko diyan sa mga librong yan sa panahon ng tagihawat at pagbibinata ko yung:
  • Pinocchio ni Carlo Collodi
  • The Happy Prince ni Oscar Wilde
  • Rip Van Winkle ni Washington Irving
  • The Prince and the Pauper ni Mark Twain
  •  Huckleberry Finn ni Mark Twain
  • Grimm's Fairy Tales ng magkapatid na Grimm
Yung iba, tinitigan ko lang. Hehe.  Mas naengganyo kasi ako sa mga tula at maiikling kwento sa Filipino.At nabaliw kina Francisco Balagtas, Nick Joaquin at Juan F. Lacaba. Tapos, nakalimutan ko na yang mga librong yan nung mas nakita ko ang yaman ng literaturang Filipino sa mga antolohiya ng Carlos Palanca.

Thursday, November 8, 2012

Balik normal na trabaho sa akademya



Unang araw ng pasukan ng mga bagets sa kolehiyo  ngayon. Maaga ang simula ng pasukan dahil mabilis ang enlistment ng mga subjects. Online na kasi lahat. Wala rin hassle ng mga clearance shiz dito. Kita na kasi lahat online kung legible o illegible ang isang estudyante.

Ngayong semestre, magtuturo ulit ako tungkol sa syensiya ng pagpapaunlad ng pamilya partikular sa relasyon at daynamiko ng tao sa loob ng pamilya, kasama na ang mga teorya na pumapalibot dito. Ayan ulit.

Binago ko ang syllabus. Isa na lamang ang exam. Pero nadagdagan ang ipapasang requirements. Mas maikli din ang ikalawang semestre kaya nabago ang eskedyul bagamat ang mga topic na tatalakayan ay halos pareho pa rin mula sa nakaraang semestre.

Mas mabigat bilang guro ang semestreng ito dahil may dalawa akong undergrad theses na uupuan bilang panel. Mahabahabang basahan at talakayan ito na kakain talaga ng oras.

Wednesday, November 7, 2012

Salapi

Ayan. Ganyan kadami ang pakiramdam ko na sinuweldo ko nung natanggap ko ang seleri ko para sa linggong ito.

1. Pakiramdam lang kasi maliit lang talaga ang sweldo ko. Pero laking paglalaway ko syempre nung nalaman ko na may sweldo ako sa linggong ito. Simula June, ngayon lang ako nakalasap ng sweldo.

2. Sa maliit na sweldo ko, aba , laking nganga ko syempre na malaki ang deduction sa akin para sa buwan nato. Nakita ko sa pay slip ko na halos 1/3 ng sweldo ko ay deduction. Zalamat gobyernoeWhZzZ!

3. Oo, lingguhan ang sweldo sa unibersidad namin.

4. Hindi ko pera ang nasa larawan. Wish ko lang. Pero ako kumuha niyan kaya may watermark ko. Aj3j3j3.

5. May utang pa rin sa akin ang gobyerno para sa isang semestre kong pagtratrabaho. Hindi ako boluntir ng bayan. Sisingilin ko pa rin sila sa naantala nilang pasweldo sa akin.

Monday, November 5, 2012

Waiter!

Nasan na yung
inorder kong pag-ibig?
Pa-follow up naman.