Sabi ng roommate ko, isa sa pinakaimportante niyang natutunan ay ang huwag magmakaawa sa pag-ibig ng iba. Sabi pa niya na kung nagmamakaawa sayo ang isang tao na mahalin siya, siguradong ikaw mismo ay may maling nagawa. Totoo daw yan sa kahit anong sitwasyon.
Yung roommate ko ay may naging karelasyon noong 2012. Umabot ng halos tatlong taon daw bago siya tuluyang nakamove on. Sabi niya, noong 2013, nagbroadcast siya sa mga kaibigan niya na nakamove on na siya. Pero may mga araw na narerealize niya na di pa pala.
Sabi niya sa akin last month, sigurado siya na sinaraduhan niya na ang chapter niya ng buhay patungkol sa ex niya ng 2015. Sa pagitan daw ng 2012 at 2015, dun siya may mga katangahang ginawa patungkol sa pagmamakaawa na mahalin siya ulit ng ex. Mula sa literal na makaawa, hanggang sa subtle papansin, o kaya palihim na pagdadasal sa simbahan na magkabalikan sila hanggang sa palihim na pagmonitor sa social media accounts (na may kasamang pagla-like o pagbibigay ng heart ng hindi madalas).
Na kahit daw may syota na siya ng 2014, may mga pagkakataon na iniisip niya pa rin ang ex niya.
Nakwento niya na nagising na lang daw siya minsan na, huling desisyon na niyang hindi na babalikan ang ex niya. Nagdesisyon din siya na hindi na gagawa ng moves. At kumpara sa ibang desisyon niyang magmomove on, hindi daw dahil sa sakit na nararamdaman o kaya sa sense ng kawalan o kakulangan.
Yung araw daw na yun ng 2015 ay may peace siya sa sarili na ito na talaga. Hindi dahil nasasaktan siya. Pero bilang respeto sa sarili niya at sa kasalukuyan at sa hinaharap niya.
Minsan, masarap kausap ang roommate ko. Para ngang relationship guru minsan. Itong usapan namin ng tungkol sa move on, walang serbesang kasama. Tinimplahan ko lang siya ng kapeng Benguet, isang sachet ng stevia powder, saka konting full cream milk.