Saturday, June 23, 2012

(sic) entry

I love this group of guys (sic) from FEU Fairview. I conducted a day-long cohesion activity with them so that they can be more prepared for the tasks they have to do this year.

Most of them came from well off family. I was a bit hesitant at first if they will go through the activities adopted from "Solving People Puzzle" and "Love Languages" from Dr. Garry Chapman.

But oh boy (sic), they are the most cooperative and most open guys (sic) I've hang out with. Facilitating team building activities with them is as easy as counting one, two, three. Hahaha.

-----------
If you notice, I've been fancying the adding of "sic" on my entries. It's because I'm being gender biased when it comes to words I'm using. Hahaha. I am patriarchal by default and by choice. LOL. Mabuhay ang mga kalalakihan! LOL. Kidding aside, I suddenly miss my professor in one of my graduate class who's very sensitive about gender bias words.

Sunday, June 17, 2012

Happy father's day!

Any man can be a father. It takes someone special to be a dad.

Byahe blues

Araw-araw na akong nagkocommute. Oo, kabilang na ako sa mga taong naamoy ang mga kapwa pasahero kung nagdeodorant ba o hindi. Alam ko rin kung sardinas, tuyo o itlog na maalat ang huling kinain ni ate. Hahaha. Buti na lamang hindi mahabaan ang mga byahe ko. Kundi kapalit ko na ng mukha ang mga kapwa ko manggagawa.

Kung maaari lang magtaxi sana ako araw at gabi. Kaya lang mas mahal pa siya kesa sa bisyo ng paggamit ng shabu. Pareho lang naman nakakaadik. (Ay teka pala, hindi ako durogista, pilingero lang.)

Nagsisimula ang araw ko ng alas siyete sa pagbyahe. Natatapos ang araw ko ng alas nuebe sa pagbyahe din. Madami na akong pimple ngayon. Pambihirang kambing. Akala ko matatapos ang tagihawat ko nung natapos ang kasukdulan ng pagbibinata ko. Nasa edad na ako na ang lahat ng mga kabatch ko nag-aasawa na, ako namanay  nagsisimulang magsulputan ulit ang mga mina ng tigadigs sa mukha. Henaku.

Haircut day


 This is my mum's way of saying I look ugly and I need her touch. She dragged me to a saloon and had my hair styled. The senior hairstylist happened to be my very distant cousin. Surprise, surprise! I got free hair cut! Haha! Kaya malakas ang loob ng ermats na kaladkarin ako. Pambihirang patis.

I didn't post the the after haircut. Surpresa na lang sa mga makakatingin. Hihi.

Bagamat sobra naman talaga na masaya ako sa gupit ko, at sa libreng kape na tinimpla mismo ng aking pinsan (love language ko ang kape, pakiramdam ko mahal niya ako kahit magpinsan kami sa talampakan), hindi pa rin ako nakatakas sa haba ng oras na hinintay ko sa paghihintay para sa pagpapakanda ng aking nanay at tita.

I spent 4 hours to wait them finally have their hair done.  Sulit naman at mas lalo silang gumanda. Yummy! Hihi!

Wednesday, June 13, 2012

Dog entry

That's my dog Tax, short for takaw.

Matakaw siya nung bata tuta pa siya. gahaman siya sa masabaw na kanin. Lahat ng mga buto, sinasamba niyang parang anito. Nung nagbinata na siya, ipapatuli dapat siya kaya lang hindi pala uso ang pagtuli sa aso. Ayon so nakalusot siya.

Hindi siya mahilig maligo. Kaya sandamakmak na pakiusap at pakikipaghabulan at pahirapan sa pagtali sa kanyang leeg bago siya masabunan ng heno de pravia. Sosyal. Hihi.

Ngayong tumanda na siya, hindi na siya mabilis kumain pero matakaw pa rin siya. Tatlo na silang mga aso namin at kahit mabagal siyang kumain, sinisigurado niyang simu't sarap lahat. Kundi alam niyang papagalitan siya ni mommy. Ahaha. Mapaanak ng nanay ko na tao, o aso, pareho lang ang table manners niya-- uubusin lahat ng naihain. Hihi. Ang problema lang, ang aso namin hindi tumataba, kami, hindi lang bumibigat, lumalapad din. Nanay kupo, pwede mag-unlearn ng nakasanayan na hindi dapat inuubos ang nasa lamesa lalo na kapag busog na?

Tuesday, June 12, 2012

Ode to sunken garden


That's Sunken Garden in UP Diliman. Taken last May.

Nakakatawa dahil kahit araw-araw ako sa detention center kung saan ako gumagawa, may mga pasundot sundot na pagkakataon na ang gwapong katulad ko ay nakakapunta ng unibersidad para magpakita sa aking mga fans. At sa mga pasundot-sundot na ito, nagkakakaroon ako ng medyo hindi nagmamadaling oras para tumanaw ng Sunken Garden. Para magmuni-muni at kung anek-anek.

Nakakatawa dahil wala na ako sa detention center. Gumagawa na ako sa unibersidad kung nasaan ang Sunken Garden. Pero hindi ako nakakapagmuni-muni at anek-anek dito. Mas masahol pa sa kaabalahan ng nag-aararong kalabaw sa bukid ang ginagawa kong preparasyon ngayon para sa trabaho. Hindi na ako nakakapaglakad ng mabagal. Sa totoo lang, nandun lang ako kalimitan sa cubicle ko (tingan dito ang larawan) at nakatingin sa monitor at mga libro, nagsusulat at nag-iisip kunwari (feeling intelekwal).

Gusto ko ng hindi abalang araw. Waiter, pa-follow up nga ng order..

Magastos mag-emote sa kapitalistang mundo.

Yehes! Kahit alam kong malayo pa ang swelduhan ng isang hapas lupang katulad ko, at alam kong sa mga susunod na araw at gabi ang kakainin ko ay walang kamatayang marathon ng sardinas o kaya naman ay itlog na maalat, pumunta ako sa isang kainan sa may Tomas Morato para tumikim ng overpriced nilang pagkain.

Ektweli, malungkot ako ng araw na yun dahil sa hindi magandang nangyari sa aking pinagtrabahuhan. Kaya ang aking nagpapawis na kilikili kasama ng aking halos walang laman na pera na pitaka ay tumakbo ng Tomas Morato para kumain ng pagkain ng mga nagmamataas na middle class. Isang kainan, tatlong daang piso. Kaching kaching kaching! Nadidinig ko na ang pagngiti sa akin ng mga lata ng sardinas sa mga susunod na araw.

E bihira lang naman na suyuin ko ang pabirito kong tao sa mundo, ehem ako yun. Oo, loser ako kaya ka-date ko ang sarili ko. Karomansa ko sarili ko kasama ang overpriced meal, ang aking journal at plumang pula.


Ay, oo nga pala. May kasama yang beer. Na overpriced din. Mahirap  Magastos mag-emote sa kapitalistang mundo.

Saturday, June 9, 2012

Condo near the detention center

Been dreaming since summer to have one of the condo units from this building. Oo, nangangarap ako magkaroon ng bachelor's pad. Some friends have been advising me to buy house and lot instead.Ngayon na kumikita na ako ng pera, gusto ko ng mas maayos na investment sa aking buhay lungsod.

This building is located beside the city hall where the youth detention center is located. Ayos!

Friday, June 8, 2012

Afterthought man has new work

Sorry for the late post lurkers!

I've been very busy adjusting to my new work in the university. It has a different level of stress that makes me sleep for longer hours at night. Really! After work, I just crawl in my bed to sleep. And voila, I find myself waking up the following day.

Anyway, there is no regret (yet) for this new job. Actually, I'm thankful for a new kind of work. I've been doing freelance for the past couple of years and salary isn't stable. I'm excited to earn lots of money. That's Regularly. Yes with the capital R. Wahahaha!

This is the photo of my new cubicle. Yey for my own little space! That picture was taken last June 4, the very first day of work. See all the files there. I've been reading those so I can ditch them when I'm done. Lol. Wish me luck here!

Tuesday, June 5, 2012

Cheers everyone!

A day before my birthday, I treated myself with lemon flavored beer matched with kalabasa soup which I, ehem, ehem, myself had prepared. I've tasted kalabasa soup in other resto and got largely disappointed so I decided to cook for myself.

I think I have also made my facebook account to not declare my birthday so people can just greet me when they remember and not flood me with birthday greetings on my wall. People also asked for my plan on my birthday. I said none because my initial preference is to celebrate birthday with my favorite person in the world, me.

However, despite my deterrence to celebrating my birthday, I find it nice when people remember my birthday. So for those who remembered me, thank you.