Sunday, June 17, 2012

Byahe blues

Araw-araw na akong nagkocommute. Oo, kabilang na ako sa mga taong naamoy ang mga kapwa pasahero kung nagdeodorant ba o hindi. Alam ko rin kung sardinas, tuyo o itlog na maalat ang huling kinain ni ate. Hahaha. Buti na lamang hindi mahabaan ang mga byahe ko. Kundi kapalit ko na ng mukha ang mga kapwa ko manggagawa.

Kung maaari lang magtaxi sana ako araw at gabi. Kaya lang mas mahal pa siya kesa sa bisyo ng paggamit ng shabu. Pareho lang naman nakakaadik. (Ay teka pala, hindi ako durogista, pilingero lang.)

Nagsisimula ang araw ko ng alas siyete sa pagbyahe. Natatapos ang araw ko ng alas nuebe sa pagbyahe din. Madami na akong pimple ngayon. Pambihirang kambing. Akala ko matatapos ang tagihawat ko nung natapos ang kasukdulan ng pagbibinata ko. Nasa edad na ako na ang lahat ng mga kabatch ko nag-aasawa na, ako namanay  nagsisimulang magsulputan ulit ang mga mina ng tigadigs sa mukha. Henaku.


Pero syempre, nag-eexpress lang naman ulit ako. Buti may maayos akong trabaho at may mga ilang raket na bumubuhay. Salamat Lord. Hihi. (Biglang bawi ng moda, baka mawalan ako bigla ng mapagkakaitaan).

O siya, sa lahat ng mga kaibigan kong mandurukot sa mg pampublikong sasakyan, naway magbago na kayo. Ang mga paseherong tulad ko ay mabigat ang isyu sa tagihawat, wag na sana kayong umepal pa. Peace out, kabayo-yo-yo!

2 comments:

  1. confirmed! hindi ka pala OFW.. haha!

    nagbackread pa ko just to make sure. :D

    ReplyDelete