MAY tatlong pangalan ang ating bansa: “Filipinas,” “Philippines,” “Pilipinas”: lbinasbas sa atin ang una ng kolonyalismong Espanyol at siya nating opisyal na pangalan sa loob ng tatlong siglo. ltinatawag naman sa atin ang ikalawa ng imperyalismong Amerikano at opisyal nating pangalan ngayon sa Ingles. Bersiyong Tagalog ng una ang ikatlo at batay sa orihinal na titik ng lumang abakada.
Palagay ko, sintomas ng ating pambansang pagkalito ang pagkakaroon ng tatlong pangalan ng ating bansa. Hindi tayo magkaisa kahit sa pagtawag himang sa ating sarili.Ang panukala ko, panahon na para magkaroon tayo ng opisyal na pangalan para sa ating bansa’t republika, at tulad ng inumpisahan ng Diyaryong Filipino, dapat tayong kilalanin sa buong mundo bllang “Filipinas.”
Unang dapat burahin ang “Philippines”. Tatak ito ng patuloy na pag iral sa ating utak ng pananakop ng Amerikano. Hindi nila ito nagawa sa Puerto Rico, Cuba, Mexico, Chile, at ibang dating kolonya ng Espanya. Bukod pa, may mga bansang nakapagpipilit ng kanilang sariling pangalan sa UNO sa kabila ng lningles na tawag sa kanila.
Ngayon, bakit hindi “Pilipinas”?
Sunday, June 30, 2013
Thursday, June 27, 2013
Kanina sa may bandang Anonas
Maalinsangan ang gabi. Matapos natin paghatian ang mumurahing Twin Popsies na binili natin sa may tindahan sa may kanto, tinanong mo sa akin kung mahal ko pa rin ba siya?
Hindi ko kinagulat ang tanong mo kasi simula noong naging tayo, alam mong may hindi pa buo sa akin. Sabi mo pa nga, para akong 1000-piece puzzle na sinusubukan mong buuin ng paunti-unti. At kahit nakikita mo na ang halos kabuuan ng larawan, laging meron at meron pa ring parang nawawalang piraso.
Alam kong hindi patas para sayo ang pumasok sa relasyon na hindi pa ako nakakalaya sa ideya na minahal namin ang isa't isa. Ako at ang eks ko, yung karibal mo hanggang ngayon.
Hindi ako sumagot sa tanong mo. Tinitigan ko lang yung kalahati ng Twin Popsies na hawak ko. Natutunaw.

Wednesday, June 26, 2013
Wishlist # 2
- I wish that people will not die of hunger. I think that it's so unfair.
- I wish I can drink beer without having those extra calories. And beer belly.
- I wish people are more open to diversity. Being different doesn't necessarily mean being wrong.
- I wish more people can study and have access to quality, liberating education.
- I wish that education is really a right. And I wish that it's really true.
- I wish more people are other-centered.
- I wish that the check and balance system in our government really works.
- I wish I interact less with people that are dogmatic. That way, I'm less hateful.
- I wish I can love dogmatic people.
- I wish people can sleep long and soundly without feeling the guilt of "oversleeping".
Sunday, June 23, 2013
Thursday, June 20, 2013
Ang daming pagbabago.
- Hindi na binigay sa akin ngayong taon ang pagtuturo ng siyentipikong pag-aaral ng pag-ibig, relasyon at kasal. Gustoong gusto ko pa naman ang subjek na yun. At mukhang sa ebalwasyon ng mga mga estudyante noong nakaraang semestre, epektibo naman ako sa pagtuturo. Nagkataon lang na may mas mabigat na subjek na bakante at walang magtuturo kaya ibinigay sa akin itong bago.
- Sa semestreng ito, may isa akong subjek na walong oras kada linggo ang klase. Dahil kabibigay lang nitong nakaraang linggo, medyo tinatapos ko pa ang syllabus. Patungkol ang klase sa maayos na pamamahala ng mga tahanan partikular na sa wastong paggamit ng mga resources. Sa ngayon, ang alam ko, may inobasyon sa teknolohiya silang gagawin bilang final output. At magkakaexhibit sila sa pagtatapos ng semestre.
- Nag-enrol na rin ako sa crossfit training program. At nagbabayad para sa sariling trainer. Hindi ko na kasi kayang makitang nasasayang yung mga damit na binili ko matapos ang isang buwan dahil hindi na maganda ang fitting sa akin. May nareblog na article si Going Guderian. At siguro, anim o pitong beses ko na siyang binabalikan. Masyadong nag-eko sa akin yung "Keep fit." Eto yung huling kompirmasyon na kelangan ko na talaga magtunaw ng taba sa katawan. May kamahalan ang tunaw taba sa Metro Manila.
- Lilipat na rin ako ng faculty room. Doon na muna ako sa mas tahimik na cubicle kasama ang mas matatandang propesor dahil kailangan ko nang upuan ang akin thesis na isang taon ko na ring hindi ginalaw. Nararamdaman ko na kasi ang katamaran. At kapag hindi ko pa sinimulan ang pagsusulat, baka hindi ko na lang tapusin ang masteral ko sa unibersidad.
- Naipasa na ang Kasambahay Law. Masaya akong naipasa na ang batas na mas magbibigay proteksyon sa kanila. Sa binibigay nila na serbisyo sa bawat pamilya, nararapat lang talaga na mabigyan sila ng basic benefits katulad ng Philhealth at SSS.
- Huminto muna ako sa pag-inom ng serbesa.
Labels:
about me,
random thoughts,
teacher's narrative,
yuppie tale
Monday, June 10, 2013
Pinag-isipan tungkol sa pag-iisip
Dinala ako ni B1 at B3 sa isang museo sa Cebu. Alam nilang mahilig ako sa kasaysayan. Alam din nila na mas masaya akong nasa mga ganoong lugar na kokonti ang mga tao kesa sa mga kontemporaryong gusali at mga mall na dinadagsa ng mga tao.
Old soul daw ako. Kaya ganyan ang mga trip ko, sabi ni B1. Sa totoo lang, kaya ko naman sumabay sa mga moderno at makabagong bagay. Hindi lang yun ang default na kapapanabikan ko.
Saturday, June 8, 2013
Kaarawan sa singapore
Sabay pag-inom ng serbesang Kirin sa aking kaarawan, pinakakilala mo sa akin ang boyfriend mo sa Singapore. Malaki ang ngiti mo. Kaya nagbigay din ako ng malaking ngiti para sayo.
Nakipagkamay sa akin ang lalaki. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata. Baka naikwento mo ang kabuuan ng pagkakaibigan natin. Pati na rin ang panliligaw ko sa iyo noon. At ang pambabasted mo. At ang pagiging matalik nating magkaibigan matapos. Kaya naiilang siyang tumingin sa akin ng direkta.
Masaya na rin ako na kasama siya sa hapunan. At nakita siya ng personal. Mas gwapo at mas matangkad sa akin. Pero di hamak na mas buo ang loob ko. Sa pakikipagkwentuhan sa kanya, alam kong mas matalino din ako. Yun nga lang, alam ko na isang daang porsyento na siya ang mas mahal mo.

Saturday, June 1, 2013
Beatbox for Singapore Trip Lah
I'll be off to Singapore in a while. Last night, I realize I don't have enough boxer shorts so I had my last minute laundry. Haha.
I made a music playlist for my overseas trip. These are included:
I made a music playlist for my overseas trip. These are included:
- 1904 by Benjamin Francis Leftwich
- Awake my Soul by Mumford and Sons
- Alpha Shallows by Laura Marling
- Blood Brothers by Iron Maiden
- Both Sides Now by Joni Mitchell
- Box of Stones by Benjamin Francis Leftwich
- The Cave by Mumford and Sons
- Fear of the Dark by Iron Maiden
- Here Comes the Flood by Peter Gabriel
- Home by Phillip Phillips
- Holding Out for a Hero by Ella Mae Bowen
- Lego House by Ed Sheeran
Subscribe to:
Posts (Atom)