Monday, June 10, 2013
Pinag-isipan tungkol sa pag-iisip
Dinala ako ni B1 at B3 sa isang museo sa Cebu. Alam nilang mahilig ako sa kasaysayan. Alam din nila na mas masaya akong nasa mga ganoong lugar na kokonti ang mga tao kesa sa mga kontemporaryong gusali at mga mall na dinadagsa ng mga tao.
Old soul daw ako. Kaya ganyan ang mga trip ko, sabi ni B1. Sa totoo lang, kaya ko naman sumabay sa mga moderno at makabagong bagay. Hindi lang yun ang default na kapapanabikan ko.
May ibang hatak ang luma. Kaya siguro mahilig din ako mag-isip tungkol sa mga nangyari dati-dati pa. Katulad na lamang noong nakaraan kong post tungkol sa dati kong niligawan. Alam ko naman na pareho na kaming nakasulong sa kanya-kanyang buhay. Nagkakataon lang na pag nagkwekwento ako, may pananariwa lang ng dating damdamin. Naandon ang pagmamahal at concern sa kanya. Hindi na romantikong pag-ibig pero purong pagkakaibigan. Walang bahid pagnanasa o libog. Nananariwa lang kapag nagsasalaysay o bumabalik ako sa alaala. Pero hanggang ganoon lang. Hindi na siya parte ng kasalukuyan. Ganyang shiz.
Sabi ni B3, hindi niya daw maintindihan kung paano tumatakbo ang utak ko. Tinawanan ko lang siya. Kasi ako mismo, hindi ko rin maintindihan kung paano ako mag-isip. Ang tanging alam ko lang ay mas madalas nag-ooverthink ako. Sa nakaraan. Pati sa mga posibilidad. Pero kalimitan, sa mga nangyari na.
Alam yan ng mga taong malalapit sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ako naman ang problema ko eh hindi pa nangyayari eh iniisip ko na agad ang mga posible kong mga gawin kung halimbawa nangyari nga sya... minsan yang ang dahilan kung bakit hirap ako matulog :D
ReplyDeleteminsan ang mantra ko, goodbye brain, goodbye brain, goodbye brain. para hindi na nag iisip.
Deletehahaha magawa nga minsan yan hanggang mag auto shutdown yung isip ko wahaha.
Deletehaha nakakastress kaya magisip ng mag isip haha lalo pag walang sagot na lumalabas haha
ReplyDeleteanyway parang kuya ko may pag kaganyan!
panganay din ba utol mo? haha.
Deletewow... kakainggit na experience...hhmmmnnnnn....
ReplyDeleteim assuming ser, patungkol ang inggit sa museum :)
Deleteganyan ang mga trip ko pag out of town shiz. yung mga museo. haha
I over think at times, but on the past but what will happen next or future ung ino-over think ko...:) i realize I have not gone into a nice museum...huhu
ReplyDeletexx!
may murang museum sa UP Diliman. 10 pesos lang ata entrance :)
DeleteWhile researching for this thing at work, I learned that there are three types of people based on their time orientation. May mga taong di mapirmi dahil future oriented. May mga taong chill lang dahil present oriented. You're in the last category na lover of art and history, always remembering things - past oriented. haha #memasharelang
ReplyDeleteOoh and it also leads to uh.. overthinking haha
Deletemukhang past oriented ako. hahahaha XD
Deleteparang di maganda yun a :P
Not at all! Haha it helps to have some past-orientation. Wala namang superior of the three. If anything. it's that that will help you write / keep writing diba? hehe
Deletedont worry sir. di ka nag iisa sa pag ooverthink. tapos yung history kasi nafi feed niya yung mind kasi nga sanay ka sa pag ooverthink. pero wag naman sana maging nega na to the point na nagiging complicated na ang lahat dahil sa sobrang pag iisip natin sa isang bagay na dapat simple lang naman.
ReplyDeletesana kaya kong pagsabihan ang isip. haha!
DeleteKaya pala magaan ang loob ko sayo, ser. Old soul ka rin. Mabuti na yung nag-iisip kahit paminsan ay sobra. Maraming ibig sabihin yun tungkol sa tao.
ReplyDeleteSer Chee, long time no hear. Balita?
Deleteeto, unemployed, mataba at pudpod ang ulo dahil literal na "ninipisan" ang gupit sakin. still, i couldn't complain. ikaw, ser, balita? mukhang daming happenings a :D
DeleteSer, anong hanap mong trabaho? Sa kalidad ng isipan mo, kakulangan ng mga kapitalista ang hindi ka i-hire.
DeleteMas madami akong kwentong pulitiko shiz sa trabaho na di ko pwede ilathala dito. Usap tayo minsan.
Nabanggit mo nga. ;) Natuwa ako na sa bandang hulihan lumabas si B2. Ano kayang meron? May hierarchy kaya sila?
ReplyDeleteSalamat. Naedit ko na. B3 yan. Ako si B2. :P
Delete