Dahil hindi ako nanonood ng telebisyon, ngayon ko lang nakita ang jam session na ito. Ito ang mga musikero na ninanamnam lang ang kanilang sining at puso. Walang usapang pera. Walang usapang katanyagan. Naghahalo lang ang diwa, musika at sandali.
Tuesday, July 21, 2015
Monday, July 13, 2015
Matam-is ang kwentong ere.
"Anong first name ni Diether?"
"Ha? Hindi ba Diether yung first name nung artista?" nagtataka ka habang nakangisi ako na parang aso.

Sunday, July 12, 2015
Kung paano nagdirect ng break up ang ex kong nag-aaral ng Film
Sabi mo noon, kung may magtatapat sayo ng pag-ibig, ang pangarap mo ay gawin ito sa may kanto ng College of Engineering at sa may Yakal Dormitory. Gusto mo na gabi mangyari yun. At umuulan. Naniniwala ka kasi sabi mo na kapag namatay na tayo, papanoorin natin sa big screen sa langit ang buong buhay natin. Uulitin ang lahat. Sa big screen. Sabi mo, may ilang parte ka ng buhay na gusto mo maganda ang sinematograpiya. Kasama na doon ang pagtatapat ng pag-ibig sayo.
Friday, July 3, 2015
Sa may Central
Nabuo ang post na ito dahil uminit ang ulo ko kahapon sa opisina. May request ako na halos isang buwan ng nagbabalik-balikan sa higher office para i-grant. Tumagal dahil sa masalimuot na burukrasya at paiba-ibang proseso, depende kung sino ang babagsakan ng request.
Dahil napuno na ako, hindi na yung staff ang pinafollow up ko. Ako na mismo ang sumugod. Apat na linggo para lang sa isang request. Pwede kasing approved or not approved. Pero ang matengga ang request ng halos isang buwan na walang tiyak na sagot, horrible.
Tumaas ang boses ko sa opisina ng boss ko. At tinanong ano pa bang dapat namin gawin para lang magkaroon ng sagot ang request. Matapos ang ilang balik-balik na paggawa ng mga pinapagawa nila, panis na ang request ng opisina namin.
Ayun naman pala, nawawala ang request namin. Nasa opisina lang daw pero di makita kung nasaan. E di mas lalong nagpantig ang tenga ko.
Sa lahat ng bagay, ayoko na nagtataas ng boses. Ayoko ng sumisigaw para lang maayos ang mga bagay. Di ko lang napigilan dahil sa frustration.
Pagkatapos madinig ang paghingi ng tawad ng staff sa opisina ng boss, umalis na ako. At habang naglalakad pabalik sa opisina ko, may pakiramdam ako nang pagkahiya. Kasi hindi ko talaga tipo ang naninigaw. At nahihiya ako sa inasal ko, kahit gaano pa ka-justifiable ang ginawa ko.
Ayon ang dahilan kung bakit ko niyaya ang dalawang kaibigan mag-inom. Gusto ko lang ng maayos na ending ng araw. Isa pumayag. Isa, mas maarte pa sa natural na maarteng tao. Ang daming sinabi pero hindi naman sinabi kung oo pupunta o hindi pupunta. Ang arte ng walang hiya.
Nagsimula ang kitaan ng alas otso y medya. At isang kaibigan lang ang kasama. Palibhasa walang trabaho kaya maluwag ang iskedyul niya. Sinabi ko na ako na ang taya sa gabing yun.

Thursday, July 2, 2015
Mas malinaw sa amin na maganda ang umagang ito
May proyekto na sinimulan ang kapwa ko guro na mabigyan ng antipara ang lahat ng kawani sa departamento. Hindi siya ang donor pero dahil sa kanya, nasimulan ang proyekto.
Tuwang tuwa ang mga manong at manang na pumila sa optometrist at nagpasukat ng salamin noong makalawa.
Kanina, sinalubong kami ng mga kawani na nakasalamin. Ngiting ngiti.
"Good morning Boss Pogi," hirit ng isa.
Ayan naman ang gusto ko. Malinaw na nilang nakikita ang kagwapuhan ko.

Labels:
happy prompt,
ridiculous actions,
yuppie tale
Subscribe to:
Posts (Atom)