May proyekto na sinimulan ang kapwa ko guro na mabigyan ng antipara ang lahat ng kawani sa departamento. Hindi siya ang donor pero dahil sa kanya, nasimulan ang proyekto.
Tuwang tuwa ang mga manong at manang na pumila sa optometrist at nagpasukat ng salamin noong makalawa.
Kanina, sinalubong kami ng mga kawani na nakasalamin. Ngiting ngiti.
"Good morning Boss Pogi," hirit ng isa.
Ayan naman ang gusto ko. Malinaw na nilang nakikita ang kagwapuhan ko.
Ang lalim naman ng "antipara" :)
ReplyDeleteAt di naman ba nasobrahan sa grado ang kanilang mga salamin sir OP hehehe, baka may mala-application na camera 360 lols. Hi-tech :)
Haha. Hindi ko alam kung high tech o may app na camera 360 ang mga antipara nila. Basta ang alam ko Jep, gumanda ang araw ko sa bati sa akin kanina :)
Deletehahaha... the only person I used to hear saying "antipara" is my lola.. hehehe...
ReplyDeletePasilip naman ng poging sir na yan! hahaha
P58000 per second ang standard appearance ko phoewhz. Pwede po kayong makipag ugnayan sa manager ko for appearance or other activities.
Deletehaha ayun naman ang banat haha.
ReplyDeleteInong, parang gusto ko ngang bigyan sila ng apat na toneladang eye glasses kung ganyan lang din mga bati nila araw-araw. hahahaha
Delete