Saturday, June 16, 2018

First FP post

Nasa Trinoma CBTL ako at gusto lang sana mag-isip-isip at mag quiet time. Kaya lang, mukhang may EB/ meeting ang mga earphones at headphones enthusiasts. Nagpapalitan sila ng mga earphones, at madaming mga wires na nakakalat sa mga tables. Parang unhygienic pero wala pa naman yatang mamamatay sa pagpapahiram ng earphones.

Naiimagine ko tuloy kung ano mangyayari kapag may pen meet ang mga hayok sa fountain pen. Kanya kanyang labas ng pluma at tinta. At notebook. At magsusubulan magsulat sa kanya-kanyang kwaderno.

Speaking of pen meet, excited nako sa Pelikan Hub na mangyayari sa Quezon City.  Meron ba akong mga kaibigan dito na magjojoin sa kitaan ng mga FP hoarders este collectors?