Kahapon pa ako masaya. Hanggang ngayon, hanggang batok pa rin ang ngiti ko dahil nanalo ang UP men's basketball team. Oo, isa pa lang itong panalo. Pero lagi kasi kami natatalo kaya ang sarap sa pakiramdam na nanalo kami.
Kabatian ko ang ilang mga manlalaro ng UPMBT. Maikling kumustahan at kwentuhan tungkol sa buhay estudyante. Ganyan lang. Kaswal at hindi personal o malalim. Pero dahil kakilala, para akong may investment na volatile tuwing may laro sila sa UAAP.
Masaya din ako na kasama ako sa nowhere to go but up na grupo. Ito yung ilang mga indibidwal na gusto tulungan ang mga atleta sa kahit anong paraan. Maliit kasi ang pondo ng Alma Mater ko pagdating sa Palakasan (Sports). Yung mga ka-batch ko noon na atleta sa fencing, sila ang nagtatahi ng uniform nila dahil wala kasing pondo. Ganyan kaliit ang pondo. Yung mga kaibigan kong pep squad, sila-sila nag-aambag para sa purified water na iniinom nila tuwing may rehearsal. Di sila neglected ng school admin. Sadyang konti lang ang pondo. Kaya nga tuwang tuwa ako sa nowhere to go but up na grupo. Mga alumni ang nag-aambag-ambag para sa kasalukuyang atleta.
Palagay ko panahon na para ang UP ay hindi lang humuhusay sa larangang akademiko. Pero ganun din sa palakasan at pati sa kalusugan.
Lumalayo nako sa una kong paksa. Masaya lang talaga ako sa pagkapanalo ng UPMBT. Marami pang ibang palakasan pero ewan ko ba, masyadong celebrated sa Pinoy ang basketball. Hindi naman built ang katawan natin sa basketball. Pero ayon.
Maligayang pagbati ulit sa UP community! Padayon UP! Taas kamao!
Thursday, September 22, 2016
Wednesday, September 14, 2016
Preferences in the Early Stages of Mate Choice
Isa sa mga pinag-aaralan kong article patungkol sa mate selection kahapon ay ang Preferences in the Early Stages of Mate Choice ni K. Lewis.
E biglang may exponential random graph modeling. Naalala ko na bigla si Alma Moreno, "Dasal lang. Dasal lang talaga."
E biglang may exponential random graph modeling. Naalala ko na bigla si Alma Moreno, "Dasal lang. Dasal lang talaga."
Labels:
academic life,
for your perusal,
ridiculous actions
Sunday, September 11, 2016
Para kay M
Binili ko na yung singsing na gusto mo noong isang taon. Sabi ko sayo na pag-iipunan ko. Hintayin mo lang. Nagkaroon ng biglaang mga gastos sa pamilya kaya mas natagalan. Yung dapat na anim na buwan na paghihintay mo, naging isang taon at dalawang buwan.
Nagkataon na nung may pera na ako, wala ka na. Sayang hindi mo nahintay. Binili ko na lang para sa nanay ko. At least siya, hindi ako iniwan.
Nagkataon na nung may pera na ako, wala ka na. Sayang hindi mo nahintay. Binili ko na lang para sa nanay ko. At least siya, hindi ako iniwan.
Wednesday, September 7, 2016
Newly-banned ingredients commonly used in antibacterial soap
The list of newly-banned ingredients includes the two that the FDA says are the most commonly used in antibacterial soaps: triclosan and triclocarban. Triclosan in particular has troubled public health advocates over the years. As STAT News reports, studies done on lab animals show that the chemical can disrupt hormones in the body, leading to all sorts of issues ranging from infertility to impaired brain development and heart function. In addition, the stuff can end up in sewage sludge that gets used as fertilizer—meaning it can re-enter the food chain through crops.
Perhaps the biggest concern is that overuse of these chemicals could fuel the rise of more antibiotic-resistant bacteria. According to a consumer update issued by the FDA along with the new rule, “laboratory studies have raised the possibility that triclosan contributes to making bacteria resistant to antibiotics. Some data shows this resistance may have a significant impact on the effectiveness of medical treatments, such as antibiotics.”

Tuesday, September 6, 2016
Monday, September 5, 2016
Seks at serbesa
Sa tig-isang bote ng serbesa, nag-usap tayo tungkol sa kanya-kanya nating nakaraan. Ikaw na hanggang ngayon ay hindi pinapayagan kitain ang unang taong inalayan mo ng puri, at ako na hindi na pinapansin ng huli kong naikama.
Sabi ko, may hang-ups tayo sa seks. Natigil tayo sa mundo ng huling intimacy samantalang ang mga nakasama natin sa kama ay naka-move on na sa buhay.
Hindi ko kaya 'yung ginagawa niya, sabi ko habang nasa ispirito na ng ikatlong bote. Hindi ko kaya na isaisang tabi yung valid na pakiramdam ng nagmahal.
Sira ka. Hindi mo nga sigurado kung pag-ibig yun. Nakasama mo lang sa kama, sabi mo.
E bakit ikaw, naghihintay pa rin ng pagkakataon na hindi na kayo pagbawalan na magkita at mag-usap? hamon ko habang tiningnan ka ng diretso sa mata.
E ayun, mahal ko yun. Kaya nga sa kanya ko lang binigay e.
Seks pa rin yun.
Tahimik na natin inubos ang ikalawang bote mo, habang ako nasa ikaapat ko na ng red horse.
Malaking tama sa akin ang usapang iyon. Hindi natin naresolba ang malinaw na linya na naghahati sa pag-ibig na walang seks o seks na may pag-ibig.

Saturday, September 3, 2016
Dormitoryo 3
Pssst, ginawa mo akong subject ng blog mo a.
Haha. Oo.
Gago ka.
Sikat ka na!
Buti nagsusulat ka na ulit.
Ila-launch natin ang fictional na ikaw.
Pansin ko nga na mas interesting 'yung tauhan kesa ako bilang ako talaga.
Kaya nga malikhaing pagsulat.
Friday, September 2, 2016
Temple of Leah sa Cebu
Kuha ko ito kahapon sa Temple of Lea sa Cebu. Isa sa mga sinabi sa aking puntahan. May P50 na entrance fee. Bukod sa structure, wala ng masyadong makikita or magagawa dito.
Hindi pa siya tapos gawin. Nakasarado din ang mga chambers na may mga antique collection ng mga figurines at banga at mga alak.
Makitid ang daanan papunta sa lugar. Halatang hindi pinagplanuhan ang lugar para sa komunidad kung saan itinayo ang Temple of Leah. Isipin niyo na lang na dahil bukas ito sa mga turista, pila-pila ang mga sasakyan sa maliit na daanan. Wala ring parking space kaya ang mga sasakyan ay nakabalandra lang sa labas ng templo.
Nasa bundok ang lokasyon ng Temple of Leah. Overlooking sa syudad ng Cebu. Bukod dito, mataas ang istraktura ng templo. Yung mga katabi at kalapit na mga pribadong bahay, kitang kita ang looban. Hindi ko alam kung okay lang sa mga tao na nawalan sila ng privacy.
Tinayo ang templo hindi para gawing isang bahay sambahan. Ang templo ay ginawa para alalahanin ng isang mayamang Cebuano ang kanyang asawa na namatay na. At para daw may balikang alaala ang kanyang susunod na salinlahi. Ang templo ay dinisenyo na parang templo ng mga Griyego noong unang panahon. Ang disenyo daw na ito ay hindi kukupas. At patuloy na magiging relevant sa mga susunod na henerasyon.

cebu,
ridiculous actions,
that unwanted feeling
Subscribe to:
Posts (Atom)