...kanina para icheck kung okay ka ba. Bukod doon, gusto ko sana sabihin sayo na kahit anong dami ng ginagawa ko sa trabaho, pumapasok ka pa rin sa utak ko. Gusto ko rin sabihin sayo na nagpaplano ako umuwi ng Pangasinan sa APEC holiday at gusto ko sana isama ka. Para makita mo yung isang side ng pamilya ko. At para mapatikim ko rin sayo ang pinakasamasarap na tupig aa balat ng Pilipinas. At para higit sa lahat, para lang makasama ka.
Kaya lang natatakot ako na baka sabihin mo na masyado akong clingy sayo. At masyado akong mabilis. O yung worst, nananawa ka nang kasama ako. Masyado akong nag-iisip. At masyado akong nag-iisip ng masama. Kaya takot ako. Kaya rin ngayon, hanggang balak lang ang pagtawag ko sayo sa cellphone.
Saturday, October 31, 2015
Monday, October 19, 2015
October 18, Linggo
Nagkita tayo kahapon. Niyaya kita manood ng pelikula. Halfway ng north at south ang Shang. Parehong effort sa atin pero swabe ang pagpayag mo.
Habang nakapila sa pagbili ng ticket.
Ako: Hindi ko naintindihan ýung The Name of the Rose. Naka twenty eight pages nako.
Ikaw: Bakit mo pa kasi binasa?
Ako: Na-curious ako.
Ikaw: Di ba sinabi ko sayo, babasahin mo lang 'yan at pilit iintindihin kung nagdidissertation ka kay Umberto Eco?
Ako: Sinubukan ko lang. Malay mo makuha ko?
Ikaw: Pero hindi di ba?
Ako: Subok lang naman. Naniniwala ako sa chances. Tingnan mo tayo.
Ikaw: Anong tayo?
Ako: Kung hindi ko sinubukan lapitan ka nung nag-iiyak ka noong nakaraang buwan sa may harapan ng Bahay ng Alumni at inabot sayo ang tissue, baka hindi kita nakilala.
Ikaw: The Name of the Rose ni Umberto Eco ang pinag-uusapan natin di ba?
At tinigil ko na ang pagsubok na itulak na linawin kung ano tayo. Baka magkalabuan pa.

Saturday, October 17, 2015
October 16, Biyernes
Pwede na sa susunod na ihahatid kita sa bahay ninyo, huwag mo akong kikindatan bago ka magpaalam? Ayan kasi ang paulit-ulit kong iniisip mula pag-uwi sa bahay mula sa inyo. Ayan din ang iniisip ko habang nakahiga sa kama noong nakarating ako ng bahay, matapos ang halos dalawang oras na byahe.
Alam kong magkaibigan tayo ngayon. At sa tantya ng mga usapan natin, mukhang hanggang doon lang ang kaya mong ibigay sa kahit sinong lalaki na magsusubok manligaw sayo. At aa pag-overthink ko ngayon, mas masarap na wala muna akong ipagtatapat sayo dahil hindi ko pa rin alam kung ano talaga itong nararamdaman ko.
Sa ngayon, masaya tayo na nagkikita at nagkakakwentuhan, tayo mang dalawa lang o may kasamang ibang kaibigan. Nag-eenjoy akong ihatid ka sa bahay niyo kahit OA ang traffic at taga South ka at taga North ako.
Hayaan mo lang sana ang munti kong hiling na huwag mo akong kikindatan. Hindi kasi ako makatulog. At para akong hibang na ngiti ng ngiti.
Mukhang nahulog na naman ang puso ko. Pambihirang patis.
Subscribe to:
Posts (Atom)