Saturday, October 17, 2015

October 16, Biyernes

Pwede na sa susunod na ihahatid kita sa bahay ninyo,  huwag mo akong kikindatan bago ka magpaalam? Ayan kasi ang paulit-ulit kong iniisip mula pag-uwi sa bahay mula sa inyo.  Ayan din ang iniisip ko habang nakahiga sa kama noong nakarating ako ng bahay,  matapos ang halos dalawang oras na byahe. 

Alam kong magkaibigan tayo ngayon.  At sa tantya ng mga usapan natin,  mukhang hanggang doon lang ang kaya mong ibigay sa kahit sinong lalaki na magsusubok manligaw sayo.  At aa pag-overthink ko ngayon,  mas masarap na wala muna akong ipagtatapat sayo dahil hindi ko pa rin alam kung ano talaga itong nararamdaman ko.  

Sa ngayon,  masaya tayo na nagkikita at nagkakakwentuhan,  tayo mang dalawa lang o may kasamang ibang kaibigan.  Nag-eenjoy akong ihatid ka sa bahay niyo kahit OA ang traffic at taga South ka at taga North ako.  

Hayaan mo lang sana ang munti kong hiling na huwag mo akong kikindatan.  Hindi kasi ako makatulog.  At para akong hibang na ngiti ng ngiti.  

Mukhang nahulog na naman ang puso ko.  Pambihirang patis. 

5 comments:

  1. Fictional life ulet? Ano ba talaga? Kinilig na ako e. Hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo. Mukhang hanggang ganun na nga lang mga kwento ko, FSOQ :)

      Delete
  2. rufina, tentay, or lorins?? hehe
    si sir.. in love.. ayeee

    ReplyDelete
  3. Oh those winks at ang mga tulad nito. Ang hirap magpatulog. Kamote. Nakiki-simpatya ako Sir.

    ReplyDelete