Wednesday, September 16, 2015

Matapos ang klase sa mga bagets, naisip ko na


Ayokong lumabas sila sa Unibersidad na magaling mag-parrot ng sabi ng prof. O ng libro. Ang gusto ko ay makita ang ideya nila sa sinabi ng prof at ng libro.

Madali lang kasi mag-cut and paste; record and play; download and print ng mga impormasyon. Pero ang magkaroon ng pakiramdam sa binasa, nadinig at nakita at ang pagkakaroon ng sariling pantayong pananaw sa mga bagay-bagay, nangangailangan iyan ng pag-iisip, pagiging malikhain at konting tapang.

Kung magkakaroon lang ako ng ilang estudyante na kakikitaan ko ng ganitong katangian sa pagtatapos ng semestre, may dahilan na naman ako para sabihin sa sarili na marahil ay nasa tamang lugar ako pagdating sa trabahong pinasukan ko.




10 comments:

  1. One student at a time Sir Ops :) :) :) :)
    Thank you for what you do!
    Happy Teacher's Month!

    ReplyDelete
  2. Hindi ko ide-deny na dumaan ako sa ganyan, pero di dapat sa lahat ng pagkakataon. Iba talaga pag may alam, hindi kasi nag re-reflect sa academic grades kung ano ang mga natutunan ng utak (napaka stereotype pero may konting katotohan). Sa hulit-huli, sila rin ang magsi-sisi. Pero sa profession mo, siguro minsan nakaka-panghina ng loob. Pero sigurado naman akong mahal mo trabaho mo. Kaya, laban lang! #ParaSaKaularanNgBayan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ewan ko ba, Leomar. Minsan talaga, napapaisip ako kung nasa tamang propesyon ako.

      Delete
  3. hindi ko masyadong nagets ang "pantayong pananaw". Ibig ba sabihin nun e pangkalahatan? Pasensiya na at di ganun kalawak ang bokabularyo ko. =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Mon. Di ko alam paano gagawing english na exact yung pantayong pananaw. Pero ito yung alam mo kung saan ka puposisyon kapag may isang sitwasyon o isyu dahil alam mo kung ano ang pinapaniwalaan mo at alam mo kung ano ang ipaglalaban at hindi mo ipaglalaban :) ewan ko kung nakagulo yung sagot ko. Lemme know :)

      Delete
    2. gets ko na. =)
      di ko alam panu ieexplain pero sigurado ako na nagets ko dahil sa paliwanag mo.

      Delete
    3. Hi mon! Haha. Mas nakahinga na ako ng maluwag. Usually malabo akong tao at malabo ako magpaliwanag :)

      Delete
  4. Awwww. sana nga pero kasi usually sa labas naman talaga natututo ang mga bata. kasi sa school, ang goal pumasa hindi matuto. pero siguro may ilan namang ganyan. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang walang saysay ang education system kung ang goal lang ay pumasa :((((

      Delete