Showing posts with label dogs. Show all posts
Showing posts with label dogs. Show all posts

Sunday, September 16, 2012

Alive, alert and healthy si Tax

May pangalawang buhay si Tax, yung aso namin na naging vegetarian matapos manghina. Akala namin mamamatay na talaga. Pinainom ng a-am na may asukal, wa epek. Pinaghanda ng favorite niyang adobo at porkchop, wa epek pa rin. Sadyang konting saging lang ang kinakain.

Anyway, ang aking animal lover na bunsong kapatid ay nagtext ngayon. Ang sabi niya, nagtext daw sa kanya si ermats para ibalita na malakas na ulit si Tax.

Saturday, September 8, 2012

Sick cycle carousel*

Feel na feel ni Tax nung kinuhanan ko siya ng picture.
Gusto ko sana umuwi ng Batangas para bisitahin si Tax. Sabi kasi ni ermats, may sakit na daw siya. At hindi na kumakain masyado. Hindi na rin mahilig tumakbo. Alam ko, sa ganong sitwasyon, malapit na siya mawala.

Saksi siya sa maraming kalokohan ko noong high school. Pati na rin ang simula ng pagdalang ng pag-uwi ko sa bahay nung kolehiyo simula ng mag-aral ako sa unibersidad sa lungsod na mausok at mahirap maging vegetarian.

Monday, August 20, 2012

Namiss


Naaalala pa rin ako ng mga aso kahit isang taon ko silang hindi nabisita sa bahay mo. Mahigit isang taon na rin tayong hindi napagkwentuhan, ayung huli nga ay noong hinatid ko ang mga aso. Para ibigay sayo sapagkat sa lugar na bago kong titirhan, hindi pwede ang mga hayop.

Agad mong sinabi na sa iyo na yung mga aso, sapagkat sabay naman natin silang nakitang naglakihan, sabay natin silang nakitang natutong dumumi sa tamang lugar pati na rin ang sabay na pagkakaroon ng konsumisyon noong kinagat nila ang mga papeles na trinabaho natin ng isang linggo para lamang ulitin ang kalahati ng mga iyon sa loob ng isang oras para lamang kumita pambayad ng renta ng bahay.

Nakakatawa na mahigit isang taon na tayong hindi nakapag-usap. Ikaw na sa palagay mo ay mga aso na iniwan ko ang nagdudugtong sa atin na alam mong sa hinaharap ay bibisitahin at kukumustahin kita at ang mga aso. Ako na nasa telepono ko ang numero mo, ngunit hindi man lamang matawagan sapagkat abala sa bagong buhay na niyakap ko simula nang magdesisyon tayong iwanan na ang bahay na nirerentahan nating dalawa sapagkat hindi praktikal ang presyo.

Gaano na nga ba katagal? Makailang lipat na rin ako ng bahay simula noon, at palagay ko ikaw din. Matagal-tagal na rin yun. Alam mo na isang araw ay kukumustahin kita kaya sinikap mong hindi magpalit ng numero ng telepono. At ayun nga, nakikita ko ang ngiti mula sa boses mo noong tumawag ako sa iyo para mangamusta. Sinabi mo na dalawin ka sa bahay mo sa Paranaque, at pati na ang mga aso. Nagtaka ako kung bakit bahay ang tinutuluyan mo. Sinabi mo na di ka makahanap ng condo unit na pwede ang mga aso kaya kahit sa Paranaque ay naghanap ka para lamang makasama mo pa rin ang mga aso natin. Malaking sakripisyo yun lalo na nasa Makati ka nagtatrabaho. Sabi mo ayos lang, mahalaga ang mga aso.

Tuesday, July 17, 2012

Buntis ang malandi namin na aso


Ayan! Kitang kita naman kung paano magharutan maglandian ang mga aso ko. Mukha lang nakakatakot pero masaya sila niyan. Tumatawa pa nga sila habang nagkakagatan.

Ayun, kalalandi nila sa isa't isa, nabuntis yung babae. Yung lalaki pala diyan yung mabalahibo (Taks ang pangalan) at yung babae yung makinis (Honky Ponky ang pangalan).

Maliit pa lang ang tiyan diyan ni Honky Ponky. Nagulat ako na pag-uwi ko ng bahay, aba, booooondat na siya. Hindi niya ako masyado pinapansin. Siguro conscious kasi alam na babatiin ko ang kalakihan ng tiyan niya. Hihi. Iniiwasan niya ang mapang-asar niyang amo. Asar talo ang walangjo. Hihi.

Si Honky Ponky ay pangit na aso. Pangit talaga siya, pwera lait. Para siyang yung villain na si Scarface. May ganun siya sa mukha. Napulot siya ng erpats ko sa kalye. Mamamatay na yata. Ayun. May pusong NGO ang tatay ko, inampon niya (without proper documents, DSWD naku magagalit sila dahil walang due process ang adoption.Hehe)

Wednesday, June 13, 2012

Dog entry

That's my dog Tax, short for takaw.

Matakaw siya nung bata tuta pa siya. gahaman siya sa masabaw na kanin. Lahat ng mga buto, sinasamba niyang parang anito. Nung nagbinata na siya, ipapatuli dapat siya kaya lang hindi pala uso ang pagtuli sa aso. Ayon so nakalusot siya.

Hindi siya mahilig maligo. Kaya sandamakmak na pakiusap at pakikipaghabulan at pahirapan sa pagtali sa kanyang leeg bago siya masabunan ng heno de pravia. Sosyal. Hihi.

Ngayong tumanda na siya, hindi na siya mabilis kumain pero matakaw pa rin siya. Tatlo na silang mga aso namin at kahit mabagal siyang kumain, sinisigurado niyang simu't sarap lahat. Kundi alam niyang papagalitan siya ni mommy. Ahaha. Mapaanak ng nanay ko na tao, o aso, pareho lang ang table manners niya-- uubusin lahat ng naihain. Hihi. Ang problema lang, ang aso namin hindi tumataba, kami, hindi lang bumibigat, lumalapad din. Nanay kupo, pwede mag-unlearn ng nakasanayan na hindi dapat inuubos ang nasa lamesa lalo na kapag busog na?

Tuesday, May 22, 2012

Dog versus girlfriend

I was just reminded of a girl I imagined I would marry way back in college. I could imagine that time how she would raise up my small children, seven minions to be exact. And how we would try to manage the family life in general. For a starter, she's a good friend so I know her a little notch than skin deep. She's pretty, smart, sexy but not showy. And she does amazing stuff like caring for poor and oppressed and abandoned. However, one time I learned she does not like puppies and dogs. And animals in general. It was a deal breaker. I can imagine myself raising kids with a dog or two. She doesn't. A total turn off, I didn't do anything to get to know her deeper. Dog blood is thicker than girlfriend blood.