Sunday, September 16, 2012

Alive, alert and healthy si Tax

May pangalawang buhay si Tax, yung aso namin na naging vegetarian matapos manghina. Akala namin mamamatay na talaga. Pinainom ng a-am na may asukal, wa epek. Pinaghanda ng favorite niyang adobo at porkchop, wa epek pa rin. Sadyang konting saging lang ang kinakain.

Anyway, ang aking animal lover na bunsong kapatid ay nagtext ngayon. Ang sabi niya, nagtext daw sa kanya si ermats para ibalita na malakas na ulit si Tax.


Ang dahilan, pitong araw siyang nag-antibiotic. O di ba, nagtyaga daw talaga si erpats na isubo kay Tax ang gamot. Ayun, tumatakbo takbo na na parang daga. Malikot na daw.

O diba, naiimagine ko ang mga lolo na nagmamarathon. Parang ganun siguro si Tax. Sobrang matanda na kasi pero nung naging okay ang katawan, tumatakbo-takbo.

Masaya lang kami ni bunso na makikita pa namin si Tax sa December vacation.

24 comments:

  1. Mala-pusa pala yang si tax. 9 Lives ang gustong drama e.

    ReplyDelete
  2. c tax na .. lungkot lungkutan ka pa nmn nung una ...

    astig c tax ha :0 sana di na siya manghina

    ReplyDelete
  3. epektib talagang gamot sa aso ang asukal. tried and tested na ni tatay ko yan sa mga dati naming aso. ;)

    ReplyDelete
  4. Huwaw mabuhay ulit si Tax... Ngaun ko lang napansin yung tatak mo sa photo.. hehe

    ReplyDelete
  5. ser olivr, maggagalit si tax pag sinabi na malapusa ang drama niya. lol

    ReplyDelete
  6. ser kulapitot, oo nga. haha. para lang akong tanga :P

    ReplyDelete
  7. epektib nga sa ibang aso namin. pero hindi gumana kay tax. antibiotic na ang drama rama sa hapon niya.

    ReplyDelete
  8. ser archieviner, may mga kumukuha kasi ng mga pictures na ginagamit ko. yung mga naggugugoogle search tapos dekwat ng dekwat lang ng mga pictures. ayan. nilagyan ko na ng watermark shiz.

    ReplyDelete
  9. gwapo na ulet ni tax :)
    naalala ko yung aso namen na si cedie..hindi sya nakaligtas :(

    ReplyDelete
  10. ^ Ser, pag nagalit si tax, ipag-sorry mo na lang ako. XD

    ReplyDelete
  11. oo nga miss pink line. gwapo na ulit siya. pero syempre mukha na rin talagang matanda. haha XD

    ReplyDelete
  12. miss b.bakal, natawa naman ako sa may asim pa :P

    ReplyDelete
  13. sige ser olivr, itetext ko na lang sa ermats ko. ipapabasa niya kay tax. hihi.

    ReplyDelete
  14. I'm so happy for your dog. Not all dogs are that lucky :(

    ReplyDelete
  15. ser night c, oo nga. nakaligtas siya sa kamatayan.

    ang aga mo pala mag-net ngayon. wala pa sa usual sked mo :P

    ReplyDelete
  16. haha. oo nga eh. kailangan ng stress reliever kaya nagbabasa ng mga blogs. :)

    ReplyDelete
  17. Next time dalhin nyo na lang agad sa vet si Tax para sure :) pero sana wag na maulit na magkasakit pa sya uli :)

    ReplyDelete
  18. cute ng eyes. mine's a japanese spitz.

    ReplyDelete
  19. ser night, talagang pang tanggal stress ang blog hopping. hahaha XD

    ReplyDelete
  20. Ang cute naman ni Tex. May lahi ba siya? At mukang bagong go-li, ang sarap kurot-kurutin. Yung aso namin kasi dito sa bahay madalas hindi napapaliguan. Kaya ayun, amoy Smokey Mountain siya.

    ReplyDelete
  21. lahing pinoy yan ser. batanguenno in particular :P

    si tax, takot din sa tubig. hahaha. yung mga kasama niyang aso ang hindi. pero si tax, maarte. ayaw maligo :P

    mas trip niya magpadry clean :P

    ReplyDelete