Medyo may katagalan na rin simula ng buksan ko ang librong ito. Mga anim na taon at pitong buwan. At dalawang araw.*
Hindi ko siya natapos sa una kong basa. Nawili kasi akong umibig at magalak sa ilusyon na magtatagal ang tamis ng buhay kasama ni Kwan. Pinabayaan ang pagbasa.
E lumubog ang paraiso sa baha at tinangay si Kwan. Ang natira ay ang librong ito ni Kafka. Kung tutuusin ay dapat nakita ko na ang senyales na hindi panghabang buhay ang relasyon namin.
Isa sa mga una niyang pinabatid sa akin ay mahalaga magbasa ng libro ni Kafka. At sinamahan niya pa ako sa bilihan ng libro para masigurado na kasama ang Metamorphosis sa koleksyon ko sa aklatan ng mga paperbacks at kayamanang sentimental.
Ako naman na hunghang sa pag-ibig kay Kwan, sunod naman ako.Dali daling isinama sa lingguhang budget ang pagbili ng libro at minarkahan na prayoridad ito.
Binasa ko ang mga unang dalawang talata. Natuwa si Kwan kapag nakikita niya na hawak ko ang libro. Ako naman na baliw-baliwan, masaya akong makita siyang masaya.
Ang naalala ko lang, naisip ko na si Gregor Samsa ng Metamorphosis ay biglaang naging nilalang na mukhang ipis. Ayun lang. Tapos hindi ko na natapos ang pagbasa kasi lagi na kaming magkasama ni Kwan. Nawalan na ako ng oras magbasa at magmahal ng katha dahil ang tangi ko na lamang mahal ay mga salita ni Kwan.
Ayon, tapos
A. biglang nagkacancer si Kwan at namatay after five days. Kaya depress mode ako. At sawi sa pag-ibig.
B. umamin si Kwan na tomboy daw siya at mas gusto niya ang kapwa babae. At nasawi ako sa pag-ibig.
C. sinabi ko na si Eddie Gil ang binoto ko na presidente noon. Nandiri siya. At nasawi ako sa pag-ibig.
D. sinabi ko kay Kwan na baog ako. Di niya matanggap. At nasawi ako sa pag-ibig.
E. gumawa ng sariling dahilan. Basta nasawi ako sa pag-ibig.
Ang bottom line ay nasawi ako sa pag-ibig. At nakalimutan ko na si Kafka at ang Metamorphosis.
At kahapon nang naglilinis ako ng mga gamit ay nakita ko ang libro. At hindi ko masyadong natandaan kung bakit may libro ako ni Kafka. Pero dahil may note ako sa likod ng libro kung paano ko binili ang Metamorphosis, saka ko lang naalala ang kwento namin ni Kwan.
Selective memory ang peg ko sa alaala ko kay Kwan.Traumatic much? Lols.
At ngayon ko lang napagtanto na kasing bilis ng pagpapalit anyo ni Gregor Samsa ang pagkawasak ng relasyon namin ni Kwan. Parang fastforward lahat. Walang oras para usisain kung ano bang naging problema. O kung may solusyon ba sa sitwasyon namin.
Walangjo yang Kafka na yan. At yang Kwan na yan. Nakakatrauma kayo. Lols.
Ay mahaba na. Balik trabaho mode na ulit ako. At naway sa second attempt, matapos ko na ang librong ito. Sayang din ang perang binayad para dito.
*Hindi ko talaga alam. Maganda lang isulat. At masarap pakinggan na naalala ko nakaraan.

na-curious naman ako sa librong yan..anu bang meron jan?kwento mo nga kahit synopsis lang hehe..
ReplyDeleteganun ba yun, kapag traumatic nagiging selective ang memory? hehe
Ayun oh. umiibig kay Kwan. Mabuti pa c Kafka nanjan lang lagi at hindi ka iniiwan. lol
ReplyDeleteNasawi ka ba sa pag-ibig?haha.. sino ba hindi?char. Tapusin mo na nga yang book ng alam naten ang ending, haha..
ReplyDeleteWow...naka ilan si kwan...hehehe..oks lang yan...may iba pang kwan...:) hehehe
ReplyDeletexx!
www.chickturistanextdoor.blogspot.com
Miss Pink Line, binaon ko na sa lumot, este limot yang si Kwan. Minumulto lang ako ng alaala niya. Kumikirot-kirot tuloy ang dibdib ko ngayon. *emo mode. Hehe.
ReplyDeleteSer Archieviner, nako sayo na lang ang alaala ni Kwan. Ayoko na ng basura. lols.
ReplyDeleteNasa parte nako na nag-eemo ang bida dahil malaipis na ang kanyang buhay ngayon :P
ReplyDeletemiss xoxo, naku, di bale na. hindi ko na kelangan ang madami pang katulad ni Kwan.
ReplyDeletehmmm... pagkatapos basahin... ishare mo dito para alam namin kung maganda o hindi. hehe.
ReplyDeleteser night, tingnan natin kung matapos ko. haha
ReplyDeleteMay nabili akong Kafka sa Booksale nung isang araw. Yung complete short stories niya. Excited na ako basahin, hehe
ReplyDeleteser visual v, tell me if you like kafka. hindi ko pa tapos ang metamorphosis.
ReplyDelete