Monday, September 17, 2012

Anong kinalaman ng gumamela sa Family Code

Hindi dapat boring pag-usapan ang Family Code. Ayan ang paulit-ulit ko na mantra habang ginagawa ang powerpoint slides para sa lecture ko sa kolehiyo. Pero naman. Ayoko talaga ang mga ganyang shiz.

Buti na lamang hindi natuloy ang pagpasok ko sa law school. Palagay ko bumubula na ang bibig ko sa kaburyungan.

Struggle talaga basahin. Kaya habang binabasa ko ang print ng Family Code, nagdodrowing ako ng gumamela sa mga tabihan ng mga puntos na gusto ko i-highlight sa klase.

Nakailang gumamela din ako.


Sa totoo lang, kung interesado ka sa konsepto ng kasal at mana, syempre excited ka sa ganitong shiz. Pero hindi naman ako interesado sa mana, dahil gwapo nako at matalino. Okay na yun na pinasa sa akin ng mga magulang ko. Hindi naman ako ganun ka perky sa topic ng kasal. Isinumpa ko na sa puso ko na hindi na iibig, kasal pa kaya.

Ginagapang ko talaga ang preparasyon ng usapan ng Family Code. Alam ko naman na mahalaga ito, kaya kahit hindi talaga ako interesado dito, pikit mata ko pa rin siyang nilagay sa syllabus ko ngayong semestre.

Ishare ko na lang ang ilang konsepto na may  gumamela sa print ko:

  • Void ang kasal kapag hindi sinabi ng asawa mo na may STD siya bago ang kasal.
  • Pwedeng hindi kumuha ng marriage license kapag ka-live in mo ang asawa mo ng limang taon. Ibang proseso ang pwedeng gawin.
  • Kinikilala ng family code ang ibang uri ng kasal --katulad ng kasal ng mga ethnic groups.
  • Kapag nasa bingit ng kamatayan ang mapapangasawa mo at hindi na niya kayang pumirma sa marriage contract, pwedeng witness ang pumirma para sa kanya. Basta patutunayan ito ng magkakasal.
Marami pang iba, pero hindi ko na sasabihin. Samahan niyo na lang ako sa penitensiya ng pagbabasa ng family code. 

32 comments:

  1. Sabagay... sa akin, sapat na rin ang kapogihan at katalinuhan na minana ko sa nanay ko. hehe. baka tamaan ako ng kidlat. Muntik na rin ako mag-law kaso iyong isang prof ko dati na attorney, sabi niya na if you are a lawyer, you'll die lying.

    ReplyDelete
  2. ngayon ko lang nalaman yang mga yan ah.. post ka pa ng iba hehe..

    ReplyDelete
  3. Talagang wala kang balak mag asawa? Bakit naman?

    ReplyDelete
  4. Feeling ko boring na topic ang marriage. lol. anyways sana pumitas ka na lang ng Gumamela at gumawa ng bubbles..marunong ka?

    ReplyDelete
  5. Nkaka-relate sa topic. im a college prof too. kahit boring ang topic no choice kundi basahin at aralin mabuti. kung sayo gumamela, ang gawain ko naman pirma ako ng pirma na parang hinihingian ako ng specimen signature :)para lang pampalipas ng inip :) Nice entry anyway :)

    ReplyDelete
  6. Interesting naman sakin ang topic.. May balak lang maglaw. lol.. Marami kasi kaming law subject nung undergrad kaya nakarelate ako except for gumamela... lol ikaw na gwapo at matalino... :p

    ReplyDelete
  7. ser night c, pwede naman maging lawyer na may paninindigan at hindi nagsisinungaling :)

    ReplyDelete
  8. miss pink line, hehe. kelangan mo na magbasa :P

    ReplyDelete
  9. miss keizha, sa ngayon wala akong balak pumasok sa relasyon :)

    ReplyDelete
  10. ser june, masarap pag usapan ang kasal :) atend ka ng klase ko.

    ReplyDelete
  11. miss roselle, naku. mas mataas ka sa akin. instructor lang ako. wala pako sa prof na level.

    ReplyDelete
  12. ser denggoy, haha XD naku baka malaman laman ko na lang mag aasawa ka na.

    ReplyDelete
  13. ser archieviner, gwapo at matalino naman talaga ako :P

    ReplyDelete
  14. for some reason.. nacurious ako sa mga facts na yan.. hahahaha.. pero wala pa sa plano ko ang kasal-kasal na yan LOL

    ReplyDelete
  15. Ang gaan gaan ng bangko mo parekoy noh? Kering keri mo lang kasi LOL...

    So you mean ok lang na di ka makapa-asawa basta makapkalat lang nga magandang lahi ganun ba yun? LOL

    Natawa naman ako sa mga concepts mo haha!

    ReplyDelete
  16. o di ba. epektib ser AJ ang teaser ko sa mga gumamela facts. meron pang mga kakaiba sa family code katulad ng hindi pwedeng kwan kapag ano. :)

    ReplyDelete
  17. ser jag, ako ngayon ang naguluhan :P sang concepts ka natawa? :P

    ReplyDelete
  18. Sir na gwapo at matalino, bakit mo naman sinumpang hindi ka na muling iibig?chismosa lang..

    Interesting naman yun about concepts na yan, parang madami matutunanan estudyante mo, lalo na yun mga interesadong ikasal sa future, hehe

    ReplyDelete
  19. miss joanne, hindi ko matiyak kung may natututunan talaga sila sa akin. :P

    ReplyDelete
  20. Interesting ung sa STD ah. Salamat.

    -jlapis.wordpress.com

    ReplyDelete
  21. miss jen, madaming provision kung pano magiging void ang kasal. haha XD isa lang yang non-disclosure ng STD :)

    ReplyDelete
  22. Right now I'm actually discussing these points from The Family Code with my cousin.

    Hindi talaga boring pag-usapan yan. Maybe because my cousin and I are boring people and we like to talk about things which are boring for other people.

    Sabi nga ng propetang Hosea, "My people are destroyed because they lack knowledge..."

    Maaaring ito na rin ang dahilan kung bakit we can't reach our full potentials as a people. We don't know our rights and we don't know our duties.

    Nabigla nga ako na STD can be a basis for anullment. Isa lang sa marami pang bagay na hindi ko alam patungkol sa Family Code.

    Thanks for sharing this info. And I think the mere fact na you have this opportunity, learn as much as you can and share as much as you can with others. may purpose ang lahat ng bagay. Shucks! Perky mode na naman ako.

    Isinumpa mo na hindi ka iibig? WHAT? Love is a many splendoured things. Love lifts us up where we belong. All you need is love! (OO, galing yang line na yan sa Moulin Rouge).

    naniniwala ako na maraming tao sa mundo ang nabiyayaan na ibigin ang taong mamahalin nila magpakailanman.

    Ako, alam ko na hindi na ma reciprocate ang pag-ibig ko, but I keep on hoping. I may look foolish and sound crazy, pero I don't want to put down love. It's a grand thing, too great to shun away.

    Don't close your heart.

    P.S.

    Hindi ako ang kapatid ni Joe Di Mango...

    ReplyDelete
  23. by record, ito ang pinakamahabang comment na natanggap ko ser tripster. haha. nahiya naman ako magcomment niyan :P

    natawa ako s joe d mango. buhay pa ba siya? magka-era yata tayo. haha XD

    im not sure kung yung sa STD ay ground din for annulment. yung sa nabasa ko sa family code, ground ang non-disclosure ng STD prior to marriage para maging void ang kasal.

    ReplyDelete
  24. Dinudugo ako sa comment ni Mr. Tripster sa haba but nice :) Who's Joe D' Mango? Kinumpara kasi ako ni fiel sa kanya :)

    ReplyDelete
  25. haha. parang blog entry na rin di ba :P

    secret. hindi namin sasabihin si joe d' mango :P

    pero uy, karangalan na maitabi ang pangalan mo kay joe d' mango. icon siya ng era namin :) awesome na tao yan.

    ReplyDelete
  26. nyahaha
    natawa naman ako sa justification mo kung bakit ayaw mo ng FC
    panalo!
    hehe
    law student ako ng 4 years
    saka ako tumigil
    it was too boring for me
    sana pala ng drawing din ako gaya mo
    hehe

    ReplyDelete
  27. ser denoy, buti na lang maaga ako napunta sa development work kaya di natuloy ang law school. try mo naman magdrawing ng santan :P

    ReplyDelete
  28. @sir denoy: Sayang naman ang law degree mo.. bat ka tumigil...

    @sir over: Santan talaga? parang mas madali ang rose

    ReplyDelete
  29. ser archieviner, mas common sa hardin ng pinas ang santan e :P

    ReplyDelete
  30. Winner yang pag drawing ng gumamela. Ginagawa ko rin yan dati pag nabuburyung na ako sa klase. Iba-iba ginagawa ko: may closeup, sideview, eagle's eye view...

    ReplyDelete
  31. naku ser visual v, turuan moko ng ibang view. side view lang alam kong idrowing.

    ReplyDelete