![]() |
| Hehe.May nagte-takenote habang nanood ng pelikula |
Nagsurbey muna ako sa klase kung ilan ang nanonood ng pelikulang Pilipino. At ilan ang nanonood ng Juday na pelikula. Dahil kokonti lang. Sakto.
Nanood kami ng Kasal, Kasali, Kasalo. Ayan ang introduksyon para sa usapan namin patungkol sa buhay may-asawa. Pati na mga paghahanda, bago ang kasal. At yung mga adjustments matapos ang kasal. Syempre sa konteksto natin.
Natuwa lang ako na may mga ilan na umiyak noong humingi ng tawad si Ryan kay Juday sa may bandang huli. Hehe. May kirot sa dibdib ng iba.
Ako talaga yung instraktor sa kolehiyo na jologs. Dahil hindi naman kasi ako pwede yung pa-class at pasosyal. Kasi hindi kaya ng karakter ko. Matagal ako nakalubog sa mga komunidad bago ako magtrabaho sa akademya. Dahil ayun ang karanasan ko, e di ayon ang gagamitin ko na tool sa pagtuturo.
![]() |
| Apat na batch ng popcorn yan. Iba-ibang flavors. |
Balik ulit sa topic, ako ang nagmicrowave ng mga popcorn sa faculty room. Habang sila ang bumili. Natuwa ang mga bagets sa unlimited popcorn. Ang daming binili ng mga birthday celebrator.
Matapos ang movie watching, may output syempre sila. Para i-facilitate lang sa kanila ang pagpoproseso ng pelikula. Kaya may reaction paper sila. Ayun. Nganga ulit ako niyan. Mahirap magcheck ng papers. Haha.
Pero sige lang.


Natuwa ako dito sir. Naalala ko nung elementary ako nanood din kami ng movie sa skul. Tutok na tutok kami at wagas sa pagtetake note dahil pinapagawan samin ni mam ng reactions at plot. Kainis lang nyun kasi english ang movie e puro musmos pa kami nyun.Pinagkakitaan lang yata kami maybayad kasi ang movie ni mam.
ReplyDeletesarap ng buhay kung ganyan lagi ang lessons noong panahon ko. hahaha! nakakainggit ang mga bagets ngayon no. It's unfair that the things I want when i was younger ngayon ko lang nakukuha (and I worked my ass so hard for that and kissed my superiors asses so hard for that) habang etong mga chikitings nakukuha nila lahat as if everything's within their reach.
ReplyDeleteLife is never fair. Kung naging incarnate being ang buhay ako ang unang bubugbog sa kanya. take note, hindi ko siya papatayin, eternal punching bag ko lang siya.
Hehehe... So what will be the next lesson sa susunod? Si Nora Aunor ba dahil nanalo siya ng award sa Venice Film Festival? hehehe...
You're probably a 90's kid. We're generally jologs BECAUSE WE HAVE COMMON SENSE, WE ARE THE LAST GENERATION WITH COMMON SENSE.
Kung jologs ka be proud! hahaha!
ser archiever, grabe naman yun. pinagkakitaan ang pelikula. tapos may pinagawa pang paper sa inyo? bawal yun. pwede siya ireklamo dun.
ReplyDeleteser tripster, hindi ko masyadong gusto mga pelikula ni nora aunor e. sorry :P
ReplyDeletemukhang may unresolved issues ka with boss a. confront na yan ng matapos na :)
Oo.. wayback 90's pa yun. Hindi pa yata napansin ang mga guro nyun. :)
ReplyDeleteI actually liked kasal, kasali, kasalo... kaya lang nasobrahan na taa silang dalawa sa mga ganyang tipo ng pelikula kaya wala ng kwenta ang mga sumunod. hehe. Nice going teacher.
ReplyDeleteAt may libreng pop corn pa! Wala kaming ganyan nung college pa kami. Film screening lang, but no food. Mejo extra challenge kasi more than 2 hours yung mga ni-rerequire sa amin. :-D
ReplyDeleteser archiever, 90s pa polisiya yun ng DECS. Bawal yun.
ReplyDeleteser nightcrawler, di ko na matandaan yung iba nilang movie pero papanoorin ko pa rin yun kung sakali. tapos magteteorya ako ng wagas :P
ReplyDeleteser visual v, oo. ang bango bango ng popcorn. wala lang akong natikman. haha. ubos ang lahat ng bags ng popcorn nila.
ReplyDelete