![]() |
| Mga upuan --langit yan sa mahaba-habang paglalakad. |
Pambihirang patis naman kasi ang apat at kalahating oras na paghahanap para sa pulang bestida na gagamitin para sa office party.
Kapag may nakikita na silang pwede na, sasabihin ng isa, masyadong mapula, o kaya masyadong plain, o kaya mukhang cheap.
At kapag tatanungin sila kung may hinahanap ba sila na specific cut o print design, kulay o kaya naman ay brand, sasabihin nila wala. Makikita din nila ang hinahanap nila pag nakita nila.
At ayan ang karanasan ko sa lampas na apat na oras na paghahanap ng damit.
Nilinlang ako ng mga dalaga kong kaibigan. Ang sabi nila, magmeet up daw. Gusto nila ako makita. Ganun. Ako naman na sabik sa kwentuhan at ibang mukha o gagawin, at sa chicks kaya pumunta ako. Ang meet up pala na ideya nila ay mamimili ng damit.
Noong una, sako-sakong sige okay lang ako. Nasa mall na rin naman na kami, e di sige, bili na ang script ko sa kanila. Naisip ko pwede naman magkwentuhan habang naglalakad.
![]() |
| After 3 hours: "Eto okay sana kaya lang masyadong plain." |
Natapos na ang dalawang oras, nagsimula nang sumakit ang hita ko. Pero kaya naman. Inisip ko na lang na para akong nagko-community works. Lakad-lakad kung saan-saang mga barangay para hanapin ang pamilya ng batang dinala sa social service institution.
Nung nasa ikatlong oras na, nagsimula na akong mag-advance boutique hopping sa kalapit na mga boutique kung saan sila naghahanap. Para paglakad namin, may summary nako kung alin bang shop ang may pulang damit at alin ang wala. Pati na rin alin ang pasok sa budget nila kasama sa report ko, mga mam, ser. Naisip ko kelangan maging proactive sa ganitong pagkakataon. Baka tumagal kami ng pitong taon sa paghahahanap ng hindi makitang pulang damit.
Aba nung apat na oras na sabi ko sobra nato. Maghahanap nako ng upuan. Hahayaan ko na lang sila maghanap. Naisip ko madami na sana ako na-checkan na mga papers ng mga estudyante ko kung dinala ko ang mga yun. Wala din naman akong dinalang libro kaya ayun, wagas talaga ang pagkasayang ng oras.
Buti na lamang at hindi ito umabot ng limang oras. Nagdecide ang mga dalaga na "wala doon ang hinahanap nila". At itutuloy na lamang nila bukas.
Tinanong ako kung sasama daw ako sa kanila bukas. Ngumiti ako at sinabing may naka-schedule nako na gagawin bukas.
Mahal ko sila pero malaking kalokohan ang sumama sa ganung paghahanap ng pulang bestida.
Hindi lahat ng lakad na may chicks ay enjoyable.


ramdam ko tong post na 'to yung tita ko sinamahan ko sa divisoria 8hrs akong nakatayo ... hahahahaha
ReplyDelete--- hayaan mo na chicks nmn eh!
ser kulapitot, di ba ang hirap? malayo pa ang mahal na araw para sa penitensiya.
ReplyDeleteNaku hindi pupuwede sakin ang ganyan. Kahit na mga kaibigan ko sila, alam nilang lalayasan ko sila pag nasayang oras ko. haha
ReplyDeleteHay, agree ako sa yo. Dati palagi akong kinakaladkad ng babae kong officemate mamili ng damit niya. Mejo nakaka-highblood nga.
ReplyDeleteAlam ko ang pakiramdam mo. Kapag kasama ko sina mama at ate, akala mo kung walang kapaguran pag dating sa shopping. Pag maglalakad-lakad lang ng konti sa ibang lugar, 5 minutes lang pagod na. Ano kaya yun? hehe
ReplyDeleteWahahaha, grabe naman, ganyan talaga ang girls no! Pero antagal naman ata ng 4hrs?Kung ako kasama mo, mga 2hrs lang, haha.. Wawa naman si Ser.
ReplyDeleteser will, huli na nung narealize ko na nakakapagod. hindi ko na kelangan magwalk out. hindi nako magpapakita in the first place. hehe
ReplyDeleteser visual v, ano bang gamot na pampababa ng blood pressure? Para alam ko iinumin kapag na deja vu ako. haha XD
ReplyDeleteser nightcrawler, minsan gaganti ako. dadalhin ko sila sa hardware store. hohoho XD
ReplyDeletemiss joanne, mapa dalawang oras o apat na oras, sayang pa rin ang oras. lols. masungit daw o :P
ReplyDeleteyay, this is funny. i can relate. hahaha. the reason why i dont go shopping with my wife and my mom. tsaka tama ka pag may makita kang upuan sa isang store, langit talaga..:)
ReplyDeleteGrabe naman yun.. Naku maigsi ang pacnsya ko. Baka nag init na ulo ko wala pang isang oras. Social service talaga. kaawa awa ba sila. lol
ReplyDeletenaku, sinabi mo pa ser Thirdy! never again to those female bonding times. haha XD
ReplyDeleteser archieviner, pampahaba ng pasensiya ang ganyang interaksyon kasama ng mga dalaga. haha XD
ReplyDeleteSamahan mo naman ako bukas. Haha!
ReplyDelete- jlapis.wordpress.com
nuuuuuuuuuuuuuu! :P
ReplyDelete