Wednesday, September 5, 2012

Usapang class requirement

Maganda ang title ng libro kaya lang masyadong western ang konteksto.
Sa kursong tinuturo ko sa kolehiyo, nangangarap ako na may isa o dalawang estudyante na susunod sa yapak ko sa pagbibigay ng social service sa mga pamilyang Pilipino.

Dahil dito, ang isa sa mga una kong ginawa bago magsimula ang pasukan ay isama sa syllabus ng klase ko ang paggawa ng family case study.

Na hindi madali gawin. At hindi tinuro kahit sa disiplina ko.

Pero nung nagmasteral na ako, nakita ko sa organisadong pagkilos ang importansiya ng case study para magawa ng malalim na pag-analisa sa sitwasyon ng pamilya (base sa kanilang perspektibo) at nang ganun ay makagawa ng karampatan na pagtugon sa kung ano mang sitwasyon nila.

Kahapon simula ala una hanggang alas kwatro ng umaga, gumawa ako ng maayos na pamantayan para sa paggawa ng simpleng family case study. Hindi gaano ka-clinical ang dating dahil hindi pa handa ang klase sa ganoong output. Pero kakikitaan ng paggamit ng mga teorya na natalakay sa klase.

Pinasimple ang pamantayan kaya medyo natagalan ako at nahirapan ng konti. Pero excited ako kung paano nila gagawin.

Sana, mag-enjoy at matuto sila sa karanasan na ito ngayong semestre. At sana, may ilan talaga na babalik balang araw at sasabihin na nahirapan at naenjoy nila ang kursong tinuturo ko pero ayun ang nag-udyok sa kanila na pasukin ang mga trabaho sa institusyong nagbibigay serbisyo sa mga indibidwal at pamilyang Pilipino.

Ayan ang nilu-look forward ko habang sa ngayon ay wala pa rin akong sweldo simula Hunyo sa isang pampublikong pamantasan.

Sa kabilang banda, hindi naman ako namamayat kahit wala pang sweldo.

------------------
Naway makita ng mga bagets ang intensyon sa mga requirement sa klase. At gawin ito ng buong puso at husay.

22 comments:

  1. Bat wala pang sweldo? Pano kapa nabubuhay nyan? Pagpapamilya? kasama ba jan ang Family planning? lol

    ReplyDelete
  2. processing shiz ng gobyerno ang reason ng delayed salary. ganun talaga. alam ko naman na nung nag-apply ako dito e, kasama na dun ang vow to poverty :) pero very rewarding ang work ko ngayon. hindi matatawaran ang mga intrinsic reward.

    syempre kasama ang family planning sa family life. pero ang mas pinagtutuunan ng kurso ko ang ang mga relasyon sa pamilya. yung mga dyads. :)

    ReplyDelete
  3. Cguro kung sa actual life ang grading sa Relasyon sa Pamilya na yan. Baka bagsak ako. lol

    ReplyDelete
  4. naku. bakit naman? magandang topic yan sa ofw series mo. hehe.

    ReplyDelete
  5. Oo nga pero pag sa sarili kong pamilya bagsak na XP

    ReplyDelete
  6. nice idea. i wish you're my teacher too.

    ReplyDelete
  7. ganayn tlaag tyagaan lang ang iba nga nganga eh .. hahahaha ... tiyaga lang :0

    ReplyDelete
  8. ser archieviner, naku dahil alam mo na bagsak ang grade na ibibigay mo sa sarili mo, dapat maging proactive ka :)

    ReplyDelete
  9. naku ser, wag muna. di pa ako confident na okay talaga ako na teacher. after two years pa, balikan moko :)

    ReplyDelete
  10. ser kulapitot, nakanganga na rin ako :P

    ReplyDelete
  11. Ouch sa case study, haggard mode yan, char. pero antaray, nakagawa ng sariling "pamantayan", ang lalim

    Walang suweldo since June, ang yaman mo naman pala, kahit walang sweldo keri lang lang.. hindi pwede saken yun, haha..

    ReplyDelete
  12. Miss joanne, kung ano ano nang raket ang ginagawa ko para magkapera XD

    ReplyDelete
  13. tamad akong estudyante nung nag-aaral pa'ko. pero kapag may mga prof (or instructor) ako na masigasig sa pagtuturo, minsan ay nakukunsensya ako na mag-aral ng mabuti kahit papano. keep up the good work ser! ;)

    ReplyDelete
  14. ser denggoy, salamat sa encouragement. magkaapelyido tayo sa blog site name mo.

    ReplyDelete
  15. saludo ako sa mga professors ko dati. sila kasi humubog sa kin kung bakit ako nahilig magsulat :D

    ReplyDelete
  16. ser bino, im sure proud na proud sila sayo :)

    ReplyDelete
  17. Anong tinuturo mo sa kolehiyo? Sa UPLB ka ba nagtuturo? :o

    ReplyDelete
  18. Ser kevin, sana lang sa prestihiyosong elbi ako nagtuturo pero hindi e. Kasal at mga relasyon sa pamilya ang kursong tinuturo ko. :)

    ReplyDelete
  19. Grabe ka, ilang araw lang ako nawala ang dami mo ng post. Sana ganyan din ako kabilis mag blog. :D

    ReplyDelete
  20. ser visual v, ang kainteraksyon ko lang kasi ay laptop at ang blogosphere dahil hindi pako makalabas ng bahay dahil wala pang pera. ayan ang sekreto.

    ReplyDelete
  21. Wala pa rin sweldo? Grabe naman, i-labor case na yan. Violation of the right to par-tay and shop yung employer. :D

    ReplyDelete
  22. ser visual v, mahirap sampahan ng kaso ang gobeyerno mismo. matatalo ako. hehe XD at mawawalan ng trabaho pag nagkataon.

    ReplyDelete