Friday, September 7, 2012

Tama ng alkohol sa isang college instructor

Hindi ko pa kaya ang TGIF gimmick dahil wala pa akong sweldo bilang fakulti ng unibersidad. Kaya nagdesisyon akong bumili na lamang ng dalawang bote ng tanduay ice, umuwi diretso at magbasa.

May tatlong non-fiction na mga bagong libro akong nakita sa library kanina. At nito lamang, habang binuksan ang unang bote ng alkohol ay sinimulang basahin ang isa sa tatlong aklat. Background music ko ang album ni Dave Matthew na Crash. Ang seksi lang ng album.

Napapaisip ako na pinaggagawa ko sa buhay ngayon. At sa dahilan kung bakit ako nagtuturo. O kung ano nga ba talaga ang papel ko bilang instraktor sa kolehiyo.


Given na tini-train sila para maging mangagawa o propesyonal sa kinabukasan. Pero hindi siya magandang end goal ng pagtuturo. Parang nililimitahan ko ang edukasyon ng mga bagets para magfit sila sa kung ano man ang dinidikta ng economic market. Parang walang saysay ang edukasyon kung pera-pera lang ang pag-uusapan o marketability sa pagkakaroon ng trabaho. Bagamat hindi ko din naman sinasabi na hindi ito mahalaga.

Habang syempre nakikinig ng musika at paunti-unting pinapasok sa katawan ang alkohol, naisip ko na ang pangarap ko bilang instraktor sa kolehiyo ay ganito. Na sa dulo ng semestre, sa pagtatapos ng paglalakbay namin ng mga bagets sa kurso na tinuturo ko, kakikitaan sila ng self-management, creativity, critical analysis at capacity to act morally. (Ang hirap tagalugin). Ayan lang sulit nako sa tagal ng sweldo, overtime without pay at puyatan para magprepare ng lecture, magcheck ng exam at magbasa ng mga reaction papers nila at mga reflection/journal entries.

Hindi ko talaga masasabi na magaling akong instraktor. Pero wala akong kwestyon sa sarili ko na gusto ko na matuto talaga ang mga bagets. At gusto ko na sulit ang oras namin sa klase. Hindi madali lahat ng requirements ko pero sinusubukan ko talaga na ibigay sa kanila ang lahat ng pwede ituro para maging handa sila sa mga outputs na hinihingi ko sa klase.

May tama na ako ng alkohol. Umi-emo shiz nako.

22 comments:

  1. Haha. Naku, huwag maggrade ng papers habang laseng ha? Baka mamaya puro A ang grade ng mga bata kahit wrong grammar ang mga papel. You seem like a passionate teacher. Those kids are lucky to have you. Cheers to you. :)

    ReplyDelete
  2. Mejo matapang yata yung nainom mo. Okay lang, Friday naman. :D

    ReplyDelete
  3. gusto ko talaga yang propesyon mo.

    ReplyDelete
  4. I think we all go through that phase, yung matatanong mo sarili mo kung ano ba talaga ginagawa mo at kung effective ka ba sa ginagawa mo. At madalas ang mga ganitong phases nga eh induced ng alak LOL.

    ReplyDelete
  5. ser night, hindi naman ako lasheng. :) thank you for your kind words.

    nga pala, hindi ako masyado sa grammar. yung thought ang mas tinitingnan ko. :)

    ReplyDelete
  6. ser visual v, hindi naman. nakaisang bote lang ako. so wala yun :)

    ReplyDelete
  7. ser bino, pasok ko na rin sa academe!

    ReplyDelete
  8. magandang mag-unwind once in a while pampaalis ng stress sa trabaho. dapat inaya mo mga estudyante mo, chip-in chip-in sa gastos. magandang bonding moment yun. hehe.

    ReplyDelete
  9. hayst.. minsan nangarap din akong maging guro. Hanggang ngaun gusto ko parin. Sana mabigyan ako nang pagkakataon magturo. hehe Saludo ako sau ser :P Tagay pa. lol

    ReplyDelete
  10. ser denggoy, hindi allowed ang gimmick with students sa unit ko sa unibersidad. saka na yun kapag tapos na ang academic relationship namin.

    ReplyDelete
  11. ser archieviner, naku hindi naman ako lasenggo! isang bote lang ininom ko.

    ReplyDelete
  12. Bakit dalawang bote binili mo ser. Sabi mo isa lang iniinom mo. lol

    ReplyDelete
  13. yung isa, just in case mawili ako magbasa ng libro, e inantok na ako after a bottle so nasa fridge pa rin yung isa :)

    ReplyDelete
  14. ser glenn, isang karangalan ang makita kang magcomment sa entry ko *bowing down for respect* lols

    ReplyDelete
  15. Bro suwerte mga studens mo. Na sayo ang katangian ng isang mahusay na bangkero. Sigurado silang maihahatid mo sa kabilang pampang ng pakikipagsapalran..

    ReplyDelete
  16. Hanga ako sayo.. Madalas kita biruin pero seriously, parang napaka-inspiring at passionate na teacher mo! Sana naging teacher kita dati, terror ka ba? char. Pinangarap kong maging teacher dati, napapa-what ifs tuloy ako sayo, hehe..

    ReplyDelete
  17. ser bartolome, maraming salamat sa napakabait na pananalita. bangkero as in mambobola, naku baka pwede pa :)

    pero sana nga may nangyayari sa klase ko at may napupulot sila na maayos. di ko pa talaga ma-gauge e.

    ReplyDelete
  18. miss joanne, hindi ko matimpla ang sarili ko kung terror o hindi. palagay ko hindi naman ako terror. pero may time na kelangan ko manakot para magbasa ang mga estudyante. ayun yung punto na hirap akong magdiscuss kasi walang nagbasa ng assigned reading :)

    ReplyDelete
  19. Ayos. Tanduay Ice, Libro at may background music. Multitasking talaga. Haha wag mo lang yan gagawin habang nagegrade ng mga papers. Tama na yung Tanduay Ice lang. LOL

    ReplyDelete
  20. Ayos. Tanduay Ice, Libro at Music. Hindi naman masyadong sabay-sabay. Haha isama mo pa dyan ang pagmumuni-muni. Ibang klaseng multitasking. LOL

    ReplyDelete
  21. Oo naman ser JM, hindi naman ako nagge-grade pag ganun. Saka hindi naman ako lasenggo :)

    ReplyDelete
  22. At saka ser JM, ito lang yung konting multitasking na kaya ko kung counted man ito na multitasking. At oo, kasama na nga ang muni-muni.

    ReplyDelete