| White board yan,mukha lang manila paper dahil sa filter shiz. Sulat ng mga bagets. |
Sabi ng mga bagets, mahirap ibaba sa lima ang non-negotiable traits. Sabi ko kaya nga over the weekend. Kasi kahit ako, nag-isip din ng sagot sa tanong ko.
At ito ang resulta.
Top traits na hinahanap ng mga babae ang sumusunod na katangian:
1. God-fearing
2. Smart
3. Family oriented
4. Funny
5. Honest
Top traits na hinahanap ng mga lalaki ang sumusunod na katangian:
1. Smart
2. Physically appealing
3. Sweet and caring
4. Funny
5. God-loving
Interesting na ang gamit ng mga babae sa ideal man nila ay God-fearing. Samantalang ang ideal woman naman ng mga lalaki ay God-loving. Makikita ang difference nung tinanong ko sa mga estudyante ang sagot at hindi ko pa napo-point out na magkaiba ang gamit na salita.
Sabi ng mga babae, kapag God-fearing ang isang lalaki, matatakot silang gumawa ng hindi magandang bagay katulad ng pagiging imoral.
Yung mga mga lalaki naman, sabi nila God-loving dapat ang babae para kapag mahal talaga nila ang Panginoon, alam nilang mamahalin din sila at ang magiging pamilya na bubuuin nila.
Matapos kong makuha kung ano ang ibig sabihin nila sa dalawang phrase, saka ko lang na-point out na malaki ang pagkakaiba ng God-fearing at God-loving. At noon din lamang nila napansin na magkaiba nga ang gamit na salita. Haha.
Interesting na klase talaga. Yan ay intro pa lang ng mate selection discussion namin.
Male selection ang pag-uusapan niyo? Puwedeng mag sit in? :D
ReplyDeleteInteresting result. Made some realizations ut of it. Medyo tinamaan ako sa lahat ng yan/ haha. nakarelate masyado
ReplyDeleteser visual v, mate selection theories. pero last session na on tuesday. dapat magdadala ng food for 27 people pag magsit in. :)
ReplyDeleteser olivr, ano ba ang non-negotiables mo?
ReplyDeletehmmmm
ReplyDeleteAnong average age ng students mo? Baka ako yung pina-matanda jan pag nag sit-in ako. :D
ReplyDeleteahmer! :)
ReplyDeleteser visual v, 18-19 :) they all look young. ahahaha XD
ReplyDeleteTalagang may physically appealing sa lalaki. Haha!
ReplyDelete- jlapis.wordpress.com
consistent siya sa mga western studies miss jen :)
ReplyDelete