Sunday, September 16, 2012

Helping others help themselves

Naglalako ng paninda para ipamigay at hindi para pagbili
Papunta ako ng Bataan ngayon para magbigay ng session sa mga dalaga at binatang nakaranas ng paghihirap. Ang ilan sa kanila ay inabanduna, may ilan na pinabayaan. At ilan ay inabuso.

Ang layunin ng pagtulong ko sa kanila ay hindi para lang iproseso ang kanikanilang mga karanasan. Pero sa dulo ng pagtulong, ang nais ko ay sila mismo ang tumulong sa sarili nila at sa iba.

Pag-uusapan namin ang komunikasyon, partikular na ang pakikinig.


Dahil maulan, at medyo hindi pa talaga ako nakakabawi ng tulog, tinatamad ako. Commitment na lang talaga kung bakit pupunta ako ng Bataan. Wala naman kasi itong bayad.


Sa propesyonal na tulad ko, na wala pang sweldo, ehem, syempre may mga sandali na gusto ko rin na kumita at makita yung worth ko bilang experto sa psychosocial counseling at capacity building. Parang masarap lang minsan na makita na ah, ang session ko ay worth limang libo. Ganun.

At ang bigat na ang serbisyo na gagawin ko ngayong araw na ito ay walang bayad. Kawanggawa. Volunteer work. Unpaid service. 

Palagay ko naman hindi ako materyalistikong tao. Ngayon lang siguro na wala pa akong sweldo kaya hinahanap ko sa salapi ang halaga ko bilang taong may kasanayan.

At syempre, palagay ko tinatawanan ako ni Abraham Maslow at sinasabi niya na, "Sabi ko na e. Tama ang teorya ko. Ang galing-galing ko." Tapos ngingisi na parang aso lang.

18 comments:

  1. Ambait naman ni ser. Tama ka hindi lang sa pera nakukuha ang rewards. Di bale ser balang araw aanihin mo din yang mga itinatanim mo. (kumukowts lang) lol :)

    ReplyDelete
  2. naku, baka patay nako sa gutom sa paghihintay na anihin ang tinanim.

    ReplyDelete
  3. miss wendy, mahirap ang good karma lang. di pa naman ako naniniwala sa karma :P

    ReplyDelete
  4. hindi ser olivr. extension work ko. para hindi ma-bore na puro teorya lang ang pinag-uusapan sa klase. para makita ko ang sense ng teorya sa practice.

    ReplyDelete
  5. ok lang yan..isipin mo na lang malaki ang maitutulong mo sa kanila.. si Lord na lang bahala sayo..

    bakit ba kasi wala ka pang sweldo?hehe

    ReplyDelete
  6. dapat kalampagin ang kinauukulan pag dating sa suweldo... kahit papaano namumuhunan ka sa trabaho mo...

    ReplyDelete
  7. miss pink line, tanong ko rin yan. kompleto naman na papers ko. :((

    ReplyDelete
  8. ser bartolome, kinalampag na ilang beses. hayaan mo sa lunes ulet.

    ReplyDelete
  9. Naintindihan kita. Mahirap talagang magvolunteer work. Ilang beses na rin ako... minsan sa mga kulungan. Nakakapagod pero masaya sa pakiramdam ang pagtulong sa kapwa. I guess that is its own reward.

    ReplyDelete
  10. Buti ka pa kaya mong mag volunteer work. Ako masyado na kong na-corrupt ng corporate world. Ang mindset ko: "Credit is good, but I need cash." Hehe, sa impyerno na yata talaga bagsak ko. Okay lang, hot naman ako at hot dun, so perfect match. :-D

    ReplyDelete
  11. Pwedeng inominate sa CNN hero of the year Naks!

    ReplyDelete
  12. ser nightcrawler, ang sabi ni Abraham Maslow, kailangan matugunan ang basic needs ng tao, bago niya atupagin ang fulfillment at kung anu anong shiz. mas kelangan ko ng pera kesa intrinsic reward sa mga oras nato.

    ReplyDelete
  13. ser visual v, may tulong ka rin naman na ginagawa kapag nagbabayad ka ng tax.

    at ehem, hindi ako naniniwala na pupunta sa langit ang mga mababait at gumagawa ng mabuti. parang unfair kung ang heaven ay may merit system para makapasok.

    ReplyDelete
  14. ser jag, naku hindi ko kelangan ang CNN hero shiz. mas kelangan ko ng pera. PERAAAAAAAA! hihi :P

    ReplyDelete
  15. in the end, it's the unrewarded, unpaid things that we did wholeheartedly that really matter. :) i hope you helped a lot of people

    ReplyDelete
  16. yehes! kumuquote si ser glen! at wow, english pa!

    ReplyDelete