Naalala kita ngayon habang naglalakad ako papuntang Quezon Hall dala ang plakard na "Please don't call me terorista. Mas preferred ko na tawagin akong Mahal ko or Bebe ko."
Sigurado ako na sa muli nating pagkikita, pagdidiskursuhan natin na ang witty line na yan ay walang masyadong social relevance. Pero idedepensa ko na hindi kailangan na sell out or hardcore ang linya para maging relevant sa panahon ngayon. Etcetera, etcetera.
Pero kahit himay-himayin natin ang plakard ko, sa huli, magiging proud ka sa akin. Dahil humanay ako sa mga walang boses, mga kaibigan ng pinaslang, inapi at walang kapangyarihan.
Sa huli nating kitaan sa Sarah's, pinagdasal ko na sana ingatan at proteksyonan ka ng Diyos. Kanina, naisip ko na maging sagot ako sa panalangin ko sa pamamagitan ng pagiging kinatawan mo dito sa Kalakhang Maynila.
Isisigaw ko muna kaibigan ang gusto mo isigaw. Ako muna ang bahala sa dapat na attendance mo sa Diliman.
Showing posts with label University of the Philippines. Show all posts
Showing posts with label University of the Philippines. Show all posts
Friday, June 12, 2020
Monday, June 17, 2019
Para kay R (habang nangongolekta ako ng katahimikan)
Matapos kitang mapaginipan, ilang oras ko inisip kung ano kaya ang gagawin natin kung buhay ka pa?
Noon, habang umuulan sa Palma Hall, tinanong mo ako kung kelan ba nagdedecide ang mga ulan na babagsak na parang gupit gupit na linya o kaya malalaki at maliliit na bilog na patak? Sabi mo minsan kasi, nagbabago ang hugis nila. May kinalaman ba siya sa humidity ng lugar? O may kinalaman sa buwan ng taon? O baka sabi mo, depende sa degree ng kalungkutan ng mga taong gustong basain ng ulan.
Yung ganyang talk shit mo 'yung namimiss ko. Walang kwenta. Walang mareresolve na problema. Pero ayos lang sa akin.

Monday, November 6, 2017
Enjoy The Ridleys on Spotify
Finally, The Ridleys, is on spotify. What an early Christmas gift!
Check out their Prodigals song. This song reminds me of the parable of the prodigal son in the gospel of Luke. However, instead of narrating the story using the perspective of the lovingly anticipating father, the song uses the perspective of the son. On his prodigal journey.
Whenever I hear the song, I can strongly taste the rebellion and bliss in its perky kind of melody.
Enjoy!

Saturday, December 17, 2016
Dorm 5
Natapos mo na 'yung sinusulat mo sa Filipino migration?
Hindi pa. Kelangan ko pa ng 2500 words.
Lagyan mo na lang ng lyrics ng kanta. Di na yan babasahin ng prof mo, dami niyang papel na checheckan.
Gago ka. Kahit requirement lang to, practice to sa pagsulat (ng journal article).
Nadidinig ko nitong mga nakaraang linggo, pinapatugtog mo ang Better by You, Better than Me ng Judas Priest.
Eh ano?
Di alam yun ng prof mo. Ipasok mo na lang sa sinusulat mo.
Gago.
May kaso nun sa States na nagpakamatay daw 'yung dalawang kabataan dahil sa paulit-ulit na pakikinig sa Better by You na yan.
Nadismiss naman. Teka, alam mo 'yung kanta?
Nag-google lang ako. Never ko nadidinig 'yang mga trip mong kanta. May suicidal thoughts ka ba?
Wala. Noon, meron. Wala na ngayon. Wag mo na ako kausapin. Tatapusin ko na 'tong sinusulat ko.
Timbrehan mo na lang ako kung ano man. Kakain tayo ng ensaymada.
'Ge.

Thursday, September 22, 2016
Hindi ito post na pulitikal.
Kahapon pa ako masaya. Hanggang ngayon, hanggang batok pa rin ang ngiti ko dahil nanalo ang UP men's basketball team. Oo, isa pa lang itong panalo. Pero lagi kasi kami natatalo kaya ang sarap sa pakiramdam na nanalo kami.
Kabatian ko ang ilang mga manlalaro ng UPMBT. Maikling kumustahan at kwentuhan tungkol sa buhay estudyante. Ganyan lang. Kaswal at hindi personal o malalim. Pero dahil kakilala, para akong may investment na volatile tuwing may laro sila sa UAAP.
Masaya din ako na kasama ako sa nowhere to go but up na grupo. Ito yung ilang mga indibidwal na gusto tulungan ang mga atleta sa kahit anong paraan. Maliit kasi ang pondo ng Alma Mater ko pagdating sa Palakasan (Sports). Yung mga ka-batch ko noon na atleta sa fencing, sila ang nagtatahi ng uniform nila dahil wala kasing pondo. Ganyan kaliit ang pondo. Yung mga kaibigan kong pep squad, sila-sila nag-aambag para sa purified water na iniinom nila tuwing may rehearsal. Di sila neglected ng school admin. Sadyang konti lang ang pondo. Kaya nga tuwang tuwa ako sa nowhere to go but up na grupo. Mga alumni ang nag-aambag-ambag para sa kasalukuyang atleta.
Palagay ko panahon na para ang UP ay hindi lang humuhusay sa larangang akademiko. Pero ganun din sa palakasan at pati sa kalusugan.
Lumalayo nako sa una kong paksa. Masaya lang talaga ako sa pagkapanalo ng UPMBT. Marami pang ibang palakasan pero ewan ko ba, masyadong celebrated sa Pinoy ang basketball. Hindi naman built ang katawan natin sa basketball. Pero ayon.
Maligayang pagbati ulit sa UP community! Padayon UP! Taas kamao!

Tuesday, May 3, 2016
Tell me again/ What's it like on the other side/ Are you still living in fear?
May I share with you the song written ang sang by my friends. The title of the song is Prodigals. Its from Aphrodite EP, released March 23, 2016. The name of the band is The Ridleys.
Tell me what you think of the song:
Tuesday, March 1, 2016
Nood kayo. Nood tayo.
Hi friends! Ito ang schedule sa UP Film Center sa UP Diliman. Timbrehan niyo ako kung nasa area ako. Di ko sure kung nandun din ako pero kung sakali, malay niyo, magkita tayo. Haha. Here's the schedule:
Sunday, July 12, 2015
Kung paano nagdirect ng break up ang ex kong nag-aaral ng Film
Sabi mo noon, kung may magtatapat sayo ng pag-ibig, ang pangarap mo ay gawin ito sa may kanto ng College of Engineering at sa may Yakal Dormitory. Gusto mo na gabi mangyari yun. At umuulan. Naniniwala ka kasi sabi mo na kapag namatay na tayo, papanoorin natin sa big screen sa langit ang buong buhay natin. Uulitin ang lahat. Sa big screen. Sabi mo, may ilang parte ka ng buhay na gusto mo maganda ang sinematograpiya. Kasama na doon ang pagtatapat ng pag-ibig sayo.
Monday, June 29, 2015
Graduation day kahapon ng UP Diliman.
Naalala ko nung grumadweyt ako noon, hindi ko kasama ang mga batchmates at blockmates ko. Nadelay kasi ako ng isang semestre. Kaya sa sumunod na taon ako nag-martsa. Kung tutuusin, ayoko na noon umatend ng university rites. Kaya langako kasi ang una sa pamilya namin na nag-aral at nakatapos sa UP. Kaya para sa mga magulang ko talaga yung seremonya.
Noong natapos ako, sabi ko magagawa ko na yung gusto kong gawin --ang fulltime na maglingkod sa bayan. Tangay ang idealismo at nasyonalistang edukasyon, sabi ko tutulong ako na baguhin ang mundo.
Noong natapos ako, sabi ko magagawa ko na yung gusto kong gawin --ang fulltime na maglingkod sa bayan. Tangay ang idealismo at nasyonalistang edukasyon, sabi ko tutulong ako na baguhin ang mundo.
Saturday, February 2, 2013
Agahan ng alas tres ng umaga.
Unhealthy breakfast para sa isang unhealthy na schedule.
Kasabay ng laptop kung saan tinitipa ang papel sa masteral ang isang libro patungkol sa paghihilom ng sugat ng pamilya, ang big uhaw na mountain dew, ang bamboo-scented candle at isang goey chocolate cake mula sa Chokiss sa UP Diliman.
Eto ang simula ng mabibigat na araw dahil bukod sa regular teaching load ko ngayong semestre, may ilang task centered position na nakaantabay na trabahuhin. May tinatapos din akong papel na ipepresent ulit sa panel sa Marso. Kelangan ko ng naratibo ng apat na bata.
Mabigat ang buhay manggagagawa at buhay estudyante sa mga oras na ito. Pero lagi namang may kasiyahan na nakikita sa bawat araw kaya okay lang. Nagsimula na rin akong tumakbo ulit dahil lumalawak na ang espasyo ng hita, tiyan at braso ko. Naghahanap ako ngayon ng dance studio na pwedeng pag enroll-an ng sayaw pero habang wala pa, tatakbo na lang muna ako at lulumain ang apat na taon nang basketball shoes na bigay ng isang tiyahin sa Inglatera.
Maganda ang buhay. Laging maganda ang buhay.

Friday, October 5, 2012
Palaboy sa Beta way
Napadaan ako sa Beta way ng UP Diliman. Naalala ko ang Elbi sa senaryong ito. Pati na ang curry sa IRRI. At fresh milk. At Bundok Makiling. At murang mga pagkain. At mataas na sense ng community sa mga student organization ng mga estudyante doon.
Bihira lang makapaglakad-lakad para mag-isip at magproseso ng mga pangyayari sa buhay at relasyon. Nakikipag-agawan kasi ngayon ang trabaho sa personal na espasyo. Buti na lang may magandang sikat ng araw kahapon. Kaya hindi na ako nag-atubili na maging palaboy.

Sunday, August 5, 2012
Rejected UPCAT Essay Questions
Natutuwa ako ngayon. Espesyal kasi ang araw nato para sa UP. Ngayong Sabado at Linggo lang kasi ang tanging dalawang araw sa buong taon na traffic sa Katipunan Avenue, hindi dahil maraming kotse ang mga taga-Arneo pero dahil maraming sasakyan ang pilit pumapasok sa UP para sa UPCAT.
At dahil diyan, narito ang mga ilang tanong na ‘di nakalusot para sa “essay” na parte ng UPCAT 2012. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng UPCAT, nagkaroon ng mga essay questions na kelangan sagutin ng mga examinees.

- Ano ang boiling point ni Agua ng Agua Bendita?
- Ano ang circumference ng mukha ni Charice?
- Kung bukas luluhod ang mga tala, bakit hindi pa ngayon?
- Why are the birds angry? Explain your answer briefly.
- Using a vernier caliper to a meter stick, gaano kakapal ang mukha mo?
- Bakit sa kahit anong angle, ang gwapo mo? Use the SAS ASA SSS Postulates in Geometry to answer this question.
- Bakit pababa nang pababa ang ispaghetti? Explicate using Newton’s Law of Gravitation.
- Explain the attraction between two PBB teens housemates using Newton’s Law of Gravitation.
- Magkano ang binayad ni Adam Levine para makatawag sa payphone? Cite statistics.
- Using the Mohs Scale of Hardness, gaano katigas si Bash?
- Ano ang meron kay Brand X at galit na galit ang ibang brand sakanya? Defend your answer.
- Kung totoong may alien, bakit palaging galing sa Earth ang nananalo sa Miss Universe?
- Anong meron sa eggs ng Angry Birds at ninakaw ito ng mga baboy?
Labels:
happy prompt,
University of the Philippines,
UPLB
Tuesday, June 12, 2012
Ode to sunken garden
That's Sunken Garden in UP Diliman. Taken last May.
Nakakatawa dahil kahit araw-araw ako sa detention center kung saan ako gumagawa, may mga pasundot sundot na pagkakataon na ang gwapong katulad ko ay nakakapunta ng unibersidad para magpakita sa aking mga fans. At sa mga pasundot-sundot na ito, nagkakakaroon ako ng medyo hindi nagmamadaling oras para tumanaw ng Sunken Garden. Para magmuni-muni at kung anek-anek.
Nakakatawa dahil wala na ako sa detention center. Gumagawa na ako sa unibersidad kung nasaan ang Sunken Garden. Pero hindi ako nakakapagmuni-muni at anek-anek dito. Mas masahol pa sa kaabalahan ng nag-aararong kalabaw sa bukid ang ginagawa kong preparasyon ngayon para sa trabaho. Hindi na ako nakakapaglakad ng mabagal. Sa totoo lang, nandun lang ako kalimitan sa cubicle ko (tingan dito ang larawan) at nakatingin sa monitor at mga libro, nagsusulat at nag-iisip kunwari (feeling intelekwal).
Gusto ko ng hindi abalang araw. Waiter, pa-follow up nga ng order..
Saturday, May 12, 2012
Sunflowers along university avenue
Wednesday, April 11, 2012
Abnoy ako ngayong tag-init
Yes mam, ser! Nandito na naman ako sa library ng UP CSWCD. Ngayong tag-init, gusto ko lang talaga sirain ang ulo ko sa pag-enrol ng panibagong fieldwork (SW287) at gahasain ang katawan ko para tapusin sa dalawang buwan ang isang imposibleng klase. Pakiramdam ko kasi, mas malakas pako sa kabayo at mas matalino pa ako sa unggoy.
Sa totoo lang, nakakapagod magmadali ng masteral. Kaya lang nauubos na talaga ang kasipagan ko. At kung hindi ako magmamadali, baka dumating ang bukas na pipiliin ko na lang magdrop sa graduadong pag-aaral.
Gusto ko murahin ang sarili ko sa kahibangan nato. Pero nasasanay naman na rin ako sa mga kalokohan kong desisyon. Alam ko na sa Mayo pagsisisihan ko to pagpasahan na ng mga papel.
Friday, March 30, 2012
Pag-ibig at papel sa masteral
Ito ay para lang sabihin na kahit sinabi ko sa facebook status ko kanina na susubukan ko matulog ngayon at magsusulat na lamang bukas ng madaling araw, hindi yun ang ginawa ko. Sa katunayan, gising na gising ako ngayon at hindi makatulog. Hindi rin ako makapagsulat.
Dito ko napagtanto na ang required paper na hindi pa nagagawa ay parang pag-ibig ng isang nagbibinata, hindi ka bibigyan ng katahimikan, hindi ka bibigyan ng kapahingahan.
Monday, March 19, 2012
Quarter life crisis
I am a hasty man. I don't wait to turn 50 so I can have my mid-life crisis. At 25, I had my quarter life crisis. A fore-taste of the mid-life philosophical/ spiritual questioning.Erik H. Erikson, who proposed eight crises that humans face during their development, proposed the existence of a life crisis occurring at this age. The conflict he associated with young adulthood is the Intimacy vs. Isolation crisis. According to him, after establishing a personal identity in adolescence, young adults seek to form intense, usually romantic relationships with other people. Well, in my case, I felt like I don't have a full grasp of who I am. It's like a juvenile hangover. Same with the alcohol hangover, but more like a who-am-I-please-answer-soon-because-my-age-tells-me-I-am too-old-to-ask-this-question.
French wine and books to take home
I just met with my former co-workers in an NGO where I used to work. Former employees got THE reunion. We had some good vegetarian taco meal and french red wine.
I'm quite tipsy right now as I write this. I think I drunk more than half the bottle. Or was that an entire bottle?
This happened in a newly built wood and rock inspired house. Interior design is quite modern but maintains the homie atmosphere. Anyway, aside from the awesome home our host had, he allowed me to check out his library where I saw the hard to find books on social work. Our good host, who happened to be one of the mentors I had in working with children in conflict with the law, allowed me to borrow ze books for a week. Yey! Time enough to finish my papers. Thank you Divine Providence!
Sunday, March 18, 2012
Now learning how to react
when there's road change in progress.
(Don't fret or worry. Instead of worrying,
pray. Let petitions and praises shape
your worries into prayers, letting God know
your concerns. Before you know it, a sense
of God's wholeness, everything coming together for
good, will come and settle you down. It's wonderful
what happens when Christ displaces worry
at the center of your life.)
--------
Regarding the picture: I miss meeting these guys for discipleship group. It has been three months since I last meet them for bible studies and what not. It was fun learning from them about life and pursuing the deeper intimacy with Christ.
Wednesday, March 7, 2012
Rhythm and sounds are born with syllables
My friends find it funny and weird that my fun time definition includes combination of hanging out in detention center and attending tap dance class in the University.
I'm really glad that I have maintained a good relationship with my 64-year old tap dance instructor three years ago. And until now, she let's me join her class. Not only that, she gives me advance lessons for free. How cool is that?
What I like about tap dance is that it's a precise dance since specific sound and rhythm (or sound accent) is required when I dance. Yes, I dance and create percussion music at the same time.
-------
Happy prompt: Remember Mitch Hedberg saying, "I would imagine that if you could understand Morse code, a tap dancer would drive you crazy."
Subscribe to:
Posts (Atom)