Saturday, February 2, 2013

Agahan ng alas tres ng umaga.

Unhealthy breakfast para sa isang unhealthy na schedule.

Kasabay ng laptop kung saan tinitipa ang papel sa masteral ang isang libro patungkol sa paghihilom ng sugat ng pamilya, ang big uhaw na mountain dew, ang bamboo-scented candle at isang goey chocolate cake mula sa Chokiss sa UP Diliman.

Eto ang simula ng mabibigat na araw dahil bukod sa regular teaching load ko ngayong semestre, may ilang task centered position na nakaantabay na trabahuhin. May tinatapos din akong papel na ipepresent ulit sa panel sa Marso. Kelangan ko ng naratibo ng apat na bata.

Mabigat ang buhay manggagagawa at buhay estudyante sa mga oras na ito. Pero lagi namang may kasiyahan na nakikita sa bawat araw kaya okay lang. Nagsimula na rin akong tumakbo ulit dahil lumalawak na ang espasyo ng hita, tiyan at braso ko. Naghahanap ako ngayon ng dance studio na pwedeng pag enroll-an ng sayaw pero habang wala pa, tatakbo na lang muna ako at lulumain ang apat na taon nang basketball shoes na bigay ng isang tiyahin sa Inglatera.

Maganda ang buhay. Laging maganda ang buhay.

12 comments:

  1. mukang busy nga ang mga sususnod na araw, linggo at buwan nyo. Good luck at sana ay matapos mo na ang libro at ang gagawin mong presentation. Kaya yan, Aja! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. sisimulan ko ser mamaya ang pagkalkal ng observation logs ko para mabuo ang naratibo ng mga bata. salamat.

      Delete
    2. at wala akong nagawa. ang daming estudyante na nagpaconsult. hahahaha XD

      Delete
    3. nyahaha yan ang mabigat, di naman pwedeng di mo ientertain dahil sa ikaw po ang expert sa mga katanungan nila :)

      Delete
    4. okay lang naman. pwede naman ako magtrabaho pag gabi na.

      Delete
  2. Wow. Sa kabila ng busy sched e napaka positive! Kaya nyo yan ser! :D "I love my job!" ganyan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo naman ser pao. I love my job ako ntgayon. Pero nung estudyante ako tulad mo, sumisigaw at kinukumbinsi ko ang sarili ko sa mantra na "I love studying!" XD

      Delete
    2. Hahaha! Hindi ko masabi yan ngayon! ;)

      Delete
  3. haha di nga healthy soft drinks pa lang ee
    di na advisable sa umaga ee

    ReplyDelete