Sunday, February 24, 2013

Sa iyo na sa puso ko ay nakauna

Naisip kong halikan kita kanina,
pati kahapon, at nung isang araw.

At alam kong iisipin kong halikan ka
bukas, sa makalawa at sa susunod pang mga araw.

Naisip kong halikan ka
ng dahan-dahan, habang dinadama ng labi ko
ang mga labi mo.


Naisip kong halikan ka.
Ikaw lang. At wala nang iba. 


43 comments:

  1. haaaaaayyyy...laganap ang LOVE LOVE LOVE sa blogosphere...

    sige enjoy lang, darating din ang para sakin...

    ang tulang ito ang nagpatunay na hindi kailangan ng haba upang maipahayag ang tunay na saloobin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Naniniwala ako senyor na darating din ang para sa inyo.
      2. Naniniwala din ako na darating din ang MGA para sa akin. Hahahaha. Joke lang. :-)
      3. Maikli karamihan ginoo ng mga sulat ko. Maikli din kasi ang attention span ko. Hahaha. Minsan pag humaba na yung sinulat koat hindi ko pa tapos, hindi ko na pinapublish. Nakakatamad kasi. Haha.
      4. Ibat iba ang porma ng tula. May maiikli na usually preferred ko (isulat at basahin). :-)
      5. Inuubos ko lang tong mga iniisip ko tungkol sa pag ibig. Sa susunod ibang subjek naman senyor ang pagtutuunan natin ng pansin :-)

      Delete
    2. sana dumami ang kagaya mong bloggers na may sustansya ang mga posts... o baka naman dahil swak lang talaga sa akin mgakatha mo... baka soulmate tayo... boom!

      MGA talaga? dahil sa mga polygamous kaya marami na rin ang single eh...hinay-hinay naman

      Delete
    3. 1. Masustansiya talaga. Parang gatas? O kaya atay? Ganyan?
      2. Maraming salamat ser sa mabait na pangungusap.
      3. Ser, di ako naniniwala sa soulmate e. Hahahaha XD
      4. Ay ser, pick up line ba yun? :)
      5. Joke lang senyor yung MGA. Naniniwala ako na hindi dapat pinaglalaruan ang puso.

      Delete
    4. i always look forward sa mga posts mo... eto naiinip na ako kahihintay...

      Delete
    5. Naku senyor, medyo madami ginagawa sa trabaho. Di ko rin alam kung ano ang isusulat ko. Ipopromote ko ser ang Going Guderian at the BEAT BOX. Saka citybuoy x city songs. Mga sakto yang mga yan sa panlasa ko. Baka sakaling magustuhan mo rin :)

      Delete
    6. beat box is one of my favorites... the rest d ko pa alam... sana may url diba... hehehe...

      Delete
    7. senyor, nakakatamad maglink :P hanapin mo na lang sa blogroll ko. hahaha XD sorry :P

      Delete
  2. Ang lambing lang :) nakakatuwa ang idea na wala ng ibang pang tao na mamahalin ang mahal mo kung di ikaw lang... parang johnson's and johnson's lang, gaya ng huling mga salita mo sa tula.... ikaw lamang, wala ng iba ehehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malambing talaga akong magmahal ser rix :)

      Delete
    2. yiiihheeeee! iba talaga kapag ang tao ay romantiko sa iba nakakaumay ang datin pero kapag para sayo parang mapupunit yung labi mo sa sobrang ngiti mo :)

      Delete
    3. Di naman ginoo, sapat lang... basta sir "tamis tamis, wag sana maalis":)

      Delete
    4. naku ser rix, sa larawan ng pag-ibig hindi laging matamis :) pero magandang panalangin yang sinabi mo sa taas :)

      Delete
    5. sayang walang like button sa mga comment ahahaha.

      Delete
    6. uu ser ililike ko sana yung sinabi mo bago yung huling mensahe ko ahahaha.

      Delete
  3. sadya bang nagiging makata ang isang tao pag inlove? :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser SOB, wala akong pagtutuunan ng pag-ibig sa mga oras na ito. single at ready to mingle ang moda ko ngayon :)

      Delete
  4. what a nice way to express your love to someone. for some reason "love is in the air" by tom jones started playing in my head. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. And I don't know if I'm being foolish
      I don't know if I'm being wise
      But it's something that I must believe in
      And it's there when I look in your eyes.

      :)))))))

      Delete
  5. ayy may halikan moment!
    sino naman kaya yan hmmm
    i reveal na yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser mecoy, wala. wag kang maniniwala masyado sa mga posts ko.

      Delete
  6. ilang bese mo syang hinalikan at tuuuuuuut... sa iyong isipan?

    ReplyDelete
  7. nakakamiss na din yun mga nakahalikan ko nun bakasyon ko. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser mac callister, tama bang gawing confession room tong espasyo ko :P

      Delete
  8. naiiyak ako sa post na ito.. hahaha... at dahil jan ako na naman ay napatula...

    Naisip kong halikan ka.
    Ikaw lang. At wala nang iba.
    Naisip kong yakapin ka,
    Ngayon, hanggang umaga..
    Dahil kapag araw ay lumabas na..
    Panaginip ko'y tapos na..

    ReplyDelete
    Replies
    1. awww. love as a fleeting memory :(((((( ang lungkot naman niyan ser AJ.

      Delete
  9. ang lambing nito. sabi nila ang halik daw mula sa isang minamahal ay isa sa mga magagandang bagay dito sa mundo, at totoo naman ito. :)

    "At alam kong iisipin kong halikan ka
    bukas, sa makalawa at sa susunod pang mga araw."

    Ito yung tumatak sa kin, para kasi siyang pang habambuhay na pagmamahal...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang sarap isipin na habangbuhay at walang kondisyon ang pagbibigay at pagtanggap ng pag-ibig ano :)

      Delete
  10. Depende kung anong halik yan ah. Halik ng pagibig, panlola, pangkaibigan etc. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang daming options ser bino! nagkaka-option paralysis ako. hahaha. ano nga bang halik itong nasa tula? :P

      Delete
  11. in short namimiss mo ang halik nya..hihi.. at dahil dun nakagawa ka ng magandang tula... ayos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat miss pinkline. okay na bang boyfriend material ang mga katulad kong makata? :)

      Delete
  12. bigla tuloy akong naintriga kung cno yang tinutukoy mong gustong halikan haha :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. guni-guni lang yan ser fiel. :) wala akong object of affection ngayon :)

      Delete
  13. o game pre.. halikan mo na ako.. yung walang malisya ha...

    ReplyDelete
  14. Di ka kaya sir mag mukhang masama ang balak kung halik lage nasa isip naten? nyahaha juk! I can relate.. someone told me that I dont know how to kiss.

    ReplyDelete