Sunday, March 3, 2013

Berso

ni Allan Popa

Alam kong hindi natin sinadya.
Hindi natin namalayan ang sandali
Ng ating pagbabago.

Pinagmasdan kong magliyab
Ang mga salitang nilagdaan mo sa mga liham
Hindi dahil nawalan sila ng kahulugan
Kundi dahil nanatili silang totoo,
Hindi tulad natin.

Nanatiling totoo sa malinaw na katahimikan
Ng kuwartong matapat na nililigiran
Ng karunungan ng mga aklat ng tula.

Kay linaw na mababasa ng bawat titik
Na mariing naninindigan sa apoy ng mundo
Bago tuluyang gumuho sa pagkaabo.



Patungkol sa nagsulat. AT eto ang kanyang bidyo na nagbabasa ng tulang Thich Quang Duc . 
Larawan mula dito.  

56 comments:

  1. Replies
    1. ser archieviner, magaling talaga si ser allan popa. nakakabaog ang mga tula niya.

      Delete
  2. too deep for me...very very deep. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang masarap tumalon sa ikatlong palapag ng gusali ser mike di ba? *sigh*

      Delete
  3. Nakakalungot. mukang ito ay patungkol sa mga pangako sa isa't isa na di na tupad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo ser rix, naiwan lang ang mga sulat at salita. *buntong hininga*

      Delete
    2. :) alam ko ang pakiramdam na ganyan dahil halos mag da-dalawang linggo na akong biktima nito... para silang mga pulitiko puro pangako pero walang gawa :)

      Delete
    3. Mukhang may pinagdadaanan a... At noted ser ang paggamit mo ng plural form.

      Delete
    4. nyahaha ang dami kasi nila. ok lang sana kung iisa ahaha.

      Delete
    5. naway hindi ka madala na umibig ser!

      Delete
    6. nyahahaha. di lang naman po dahil sa pag-ibig. teka dahil din po ba sa pag-ibig kaya ito po ang entry mo?

      Delete
    7. hindi ginoo. paghanga sa galing ng mga pinoy na manunulat ang dahilan ng paspost ko nito.

      Delete
    8. ah akala ko po dahil sa pag-ibig. Pero syang tunay, napakagaling ng tulang ito... walang biro :)

      Delete
    9. naku ser rix, si overthinker palaboy ay kasalukuyang walang object of affection :P

      Delete
    10. yun ang mamingat ahaha! pero Sir OP, try try din po pag may time.. malay mo yan makapag paalis ng stress mo ngayon (assuming lang ako ahaha) baka di natin alam eh ikaw din po ang object of afection ng iba hinihintay lang nila na sila din ang maging object of affection mo :D

      Delete
    11. wala pa yan ser rix sa isipan ko. magpapadami muna ako ng baka na alaga ko sa bukid :P

      Delete
    12. ahahaha, sige na nga para naman pagdumating na ang oras na yan ay wala ng atrasan...

      Delete
    13. Ayan ay kung dadating ang oras, baka at babae sa tamang panahon. :-)

      Delete
    14. in God's time it will, at malapit na yun ahahaha.

      Delete
    15. Malabo yang "malapit na yun". Palagay ko mga 10-15 years from now pa yang ganyang shiz na yan sa akin :P

      Delete
    16. Awts! ang tagal naman matanda na ang mga baka mo nun ahahaha yung baka talaga ang inalala hindi yung edad ng tao ahaha..

      Delete
    17. tila naging isang mahabang sinulid na ang bahaging ito.

      Delete
    18. ehehe pasensya na ginoong olivr kung medyo na umay ka po :).. Sadyang masayang makipag usap kay Sir OP :D

      Delete
    19. ser Olivr, pinipilit kasi ako ni ser rix na umibig at mag-asawa. ano ako hibang? ang sarap sarap ng buhay binata sa ngayon.

      Delete
    20. ser rix, ang mga baka ko ay selosa. bawal pa ang asawa sa akin.

      Delete
    21. nyahaha sige na nga kasi sangayon kaso sa sinabi mo na masarap ang buhay binata dahil sayo lahat ng oras mo ahaha. Wow masyadong sensitive ang mga baka ehehe.

      Delete
  4. nagdudugo naman ang aking utak sa iyo ginoo... maganda... wala ka namng kupas idol!

    ReplyDelete
    Replies
    1. senyor, tula yan ni Allan Popa. Ang galing niya no :)

      Delete
    2. ahhhh... akala ko sayo... hindi ko binasa yung mga links... baka naman you translated it... anu ba?

      Delete
    3. ser hindi. hahaha. naisip ko gumawa ng tula noon tapos saka ipopost. kaya lang nung nabasa ko to, naisip ko bakit pako gagawa. e ang ganda ganda ng tula nato. swabe talaga ang mga makatang Pilipino :)

      Delete
    4. magaling ang may-akda... matalinghaga gamit ang mga payak na salita... kaya mo rin 'yan

      Delete
  5. Ang lalim ng tagalog ng tula.

    ReplyDelete
  6. Pero ang ganda di ba ser empi. Madami tayong magagaling na makata. :-)

    ReplyDelete
  7. ang sakit lang kapag pinaasa ka sa isang pangako, pangakong inakala mong buong puso niyang binitawan. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. zion, totoo. kaya nga dapat hindi lightly binibigay ang mga salita.

      Delete
  8. ang lalim! nahulog ako.. ehehehee... nice!

    ReplyDelete
  9. mejo lalim ahh kung di pa ko ng basa ng comment nung iba
    diko mauunawaan haha lam mo naman may kababawan ako hahaha
    anyways binasa ko ulet at dama ko na ung message
    thumbs up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser mecoy, pinapakilala ko sa inyo ang magaling na makatang si Allan Popa :)

      Delete
  10. maganda yung message Ser sa second stanza.
    People change but the words on the letter still the same.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser June, ayan din ang nakalaglag ng panga, apdo at atay ko nung una kong binasa yang tula na yan.

      Delete
  11. isa sa mga tulang mahirap maarok ang kahulugan at nais iparating at tanging mga matatalinghagang tao lamang ang ang makakaintindi sa isang basa lamang

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku ser bino, kapag tula kelangan talaga ng commitment. maraming pagkakataon nga kasi na ang kahulugan ay nasa subtext :)

      Delete
  12. napapansin ko napapatula ka lately. yan ba ang isa sa mga sign na magiging single forever?

    ReplyDelete
    Replies
    1. sira ka cyron. haha!

      pero kung iisipin, wala naman masama maging single habangbuhay di ba? :P

      Delete
  13. masyado akong basag ngayon para damdamin ang tulang ito... batid ko na may malalim itong kahulugan pero sa ngayon ang masasabi ko lang ay maganda ang pagkakahabi rito :|

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser AJ, dito ka na lang magpokus sa mga linyang ito :

      Pinagmasdan kong magliyab
      Ang mga salitang nilagdaan mo sa mga liham
      Hindi dahil nawalan sila ng kahulugan
      Kundi dahil nanatili silang totoo,
      Hindi tulad natin.

      Delete
    2. sa totoo lang dama ko ang lungkot nito.. parang isang panagako na di natuloy.. isang nakaraan na tuluyan ng nabasag..

      lalo lang ako nalulungkot ngayon :(

      Delete
    3. Ser aj, iba ang hiwaga ng mga punpon ng salita di ba?

      Delete
  14. Ang ganda nito!

    lalo na sa part nato:

    "Hindi dahil nawalan sila ng kahulugan
    Kundi dahil nanatili silang totoo,
    Hindi tulad natin."

    aww. -_- hahah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser pao, masakit siya sa puso at ngalangala di ba? At ehem, nagparamdam ka ulit. Haha.

      Delete
    2. Mabuting kaibigan senyor si ser pao. alam niya yan. :)

      Delete
  15. Promises are like pie crust. They are made to be broken :(

    Nung isang araw na binasa ko toh, di ko gaano naintindihan. Pero ngayong inulit ko ulet basahin, ayun tumatak na sa utak ko :)

    Ganda po ng tula kahit malungkot ang tema.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser fiel, natutuwa ako sayo. kasi binalikan mo yung tula. ayan yung tinatawag na commitment. at ehem, di ba, ang ganda ng reward kapag finally nag unfold na ang meaning :)

      ang galing talaga ni Allan Popa.

      Delete