Iba yung bigat ng pagtuturo ng mga chikiting kumpara sa trabaho ko noon na mag-therapy ng mga kabataan sa kulungan. Big shift ng career pero nasa field pa rin naman ng child development. Tapos na ang isang school year. At lahat ng mga chikiting ko ay lilipat na ng big school. Graduating class kasi ang binigay sa akin na trabahuhin sa preschool ngayong taon nato.
At syempre, masayang masaya ako sa mga pinagdaanan namin kahit sobrang katakot-takot na bigat ng trabaho.
Mamimiss ko yang mga kwento nila tungkol sa pamilya nila, mapamasaya man o malungkot, saktong totoo, o kaya naman exagerrated. Border line nga ng pagbabalita at pagtsitsimis nila sa mga karanasang pampamilya.
Mamimiss ko din na makita silang nagshe-share ng toys at books sa iba na nung una ay pahirapan kami kung paano ituturo ang konsepto ng pagbabahagi at pagbibigay sa panahon na napaka-egocentric nila.
Sige na nga, pati yung mga kantahan at saka sayawan, hahanapin ko rin. Pasintabi sa mga dati nilang naging guro. Dahil wala talaga ako sa tono, ginagaya nila kung paano ko kantahin ang mga kanta namin sa klase. Flat kung flat.
Ayan, di ko makakalimutan ang mga imaginary animals nila na ginawa. At mga pangalan nilang kakaiba, katulad ng Bunny Funny at Roger Red.
Masaya din magbilang ng mga ipit ng damit. At tinuruan nila ako na inaayos dapat ang mga iyon ayon sa kulay. Tinuruan ako ng mga chikiting ng classifying according to color samantalang ang gusto ko lang naman ay matuto sila ng one to one correspondence sa pagbilang.
Dahil mahilig magbalita ang mga chikiting, gumawa kami ng dramatic play set ng mga news reporter. Masarap na makita na na-enjoy niyo talaga ng husto yung mga laruan na teacher-made.
Kaenjoy-enjoy din makita kung paano aware ang mga bata sa nangyayari sa paligid. Sinubukan lang naman namin na mga guro kung anong alam nila patungkol sa lindol. Tapos ayan na. Ang komplikado na ng mga konseptong alam nila.
Sayang. Bawal ipakita ang mga mukha ng mga chikiting ko. Basta, iba yung saya ng araw-araw na katrabaho ang mga bata. Mamimiss ko ang kanilang ingay, mabababaw na awayan, mga yakap sa umaga pagdating sa klase, yung mga negotiations namin para ubusin nila ang pagkain nila, pati na rin ang pagkahilig sa laro at pagbabasa.
At ehem, dahil nag-move up na sila nung makalawa, hindi ko na sila makikita ulit sa school bilang mga estudyante ko. Hanggang pagkwekwento at pag-alaala na lang muna ang pwedeng gawin habang ngayong semana santa at nagsimula nang magsink in na ex-teacher na nila ako.







Nakakatuwa naman ito... Sa totoo lang balak ko mag aral this year (sana makapasa sa entrance exam) at isa ang elem educ sa pinagpipilian kong 2nd course. Para kasi nakakatuwa ang inter action sa mga chikiting lalo pa at nakikita mo na umuunlad sila dahil sa tulong mo...
ReplyDelete1. Bakit mo kailangan mag-second course? Mag masteral ka na lang.
Delete2. Totoo, iba ang saya na dulot ng mga bata. Kaya lang ser, unlike other careers, hindi mataas ang sweldo dito. Vow to poverty maging guro. So in a way, calling siya.
3. Haha. Contrary to usual assumption ng mga tao, hindi education ang kurso ko :P
1) yun nga din ang payo sa akin kaso mukang mas gusto ko mag try ng ibang kurso. :D tigas lang ng ulo ko ahaha.
Delete2) Hehe sabi nga nila Sir, pero ewan ko para kasing ang fulfilling ng mag-guide ng mga bata.
3) Psychology po ang course nyo tama po ba? (developmental something?) ehehe
3. Mali :P
Deletenagbutingting ako ng blog mo promise hahahaha at familiar sa akin ang linya na
Delete"trip ticket to heaven" ive heard only this sa social work hihihi so social worker by profession ka sir? naman if ganon nga paahuuuugggg akoooo!! hahahahahaha
miss lala, clinical social work practitioner lang. pero hindi RSW. iba ang specialization ko. hanga ako sa inyong mga RSW :)
Deleteano ba twitter mo sir at hindi ko talaga mapigilan ang ingay ko d2 at sa twitter hahahaha im so damn interested doon sa life mo sa rehab center. kwentohan mo ako kasi naman don hihihi pls?
Deletemam, wala akong twitter. saka hindi ako pwede magkwento. on-going cases mam.
Deleteay hindi naman kwento about sa mga bata what i mean is mas interesado ako sa buhay meron ka sa center at yong field mo don. hehehe kailangan ko talagang mag back read lol
Deleteso u have ur masters sa social work? saan? sa cebu lang kasi kami dahil nasa cagayan de oro ako pero hopefully if mag open ng masters sa Lourdes College mas mabuti. anong specialized mo pala sa masters degree mo? clinical? sorry dami ko tanong hahaha natuwa kasi ako dahil may isang blogger natuklasan ko na same tau ng field hehehe
Ang harot ni lala, may pa hug pa! hahaha!!!!
Deletebwahahahaa at ang harot mong makagatong hahaha natuwa lang naman ako kasi may nakilala akong same kami ng field sa blogsphere, wala kasi makakaintindi sa field na pinasukan ko ganyan lang hahahaha
DeleteSo kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan, ganyan? haha! Looks like you found love in a hopeless place Lala. I am happy for you.
Deleteang oa mo dito pao hahaha i didnt know may hidden talent kang ganyan hahahaha walang love2x ndi na uso yan!! hahaha umayos ka! masama bang tumawa at lumundag sa tuwa if kailangan? hahahaha hawak sa dalawa mong tenga at ikot ikot ko ang kuneho att wooossshhhh sablay sa bintana hahahaha chheeh!! mag review ka na dumaldal pa eh hahahaha
DeleteNatawa ko ah hindi hidden ang talent kong yan! Itapon ba ko sa bintana? haha!
DeleteO ayan ser, ngayon alam mo nang naglulumundag si lala sa tuwa dahil sa convo nyo dito. Sya na rin ang nagsabi nyan oh kitang kita. hahaha!
hahaha kailangan ko rin ba ihide ang pagkatuwa ko dahil sa nalaman kong same field kami at nagbblog din siya ganyan? hahahahaha umayos ka! hahahaha kayo talaga from sob to op may issue hahahahaha tawang tawa ako sa mga kalokohan nio mga hayop kayo hahahahaha
Deleteul always be part of their success sa paglevel up nila, teaching is a noble profession. i salute u for that sir.
ReplyDeletenga pala na struck ako don sa bata sa kulungan? at nagtetherapy ka po don? im interested hehehe kasi my field is in social services kasi, i also look up to these children in jail if meron man kasi because of the r.a 9344 bawal silang makulong at dapat nasa diversion program sila.
yes miss lala. kaya lang RA 9344 has its loopholes. yung jail, palitan mo ng pangalan. gawin mong bahay kabataan o pook ng kanlungan ang pangalan, hindi na jail. pero setup and facilities, ganun pa din.
Deletenagulohan ako hahaha the kulungan u term above eh REHABILITATION CENTER ba ibig mong sabihin? you worked in a center? mga CICL ba yong cases na hinahandle mo? what is the nature ng job mo pala don? im interested kasi my field now is nasa social work kaya alam ko yong nasa 9344. sinabi mo pa, para sakin that should be abolished eh kasi kids are now been used to commit crimes and yet sasabihin kasi ng police na hindi sila makakasuhan, they are just declining their job lol iba kasi yong sa field namin kasi its always the best interest of the child. ano ba twitter mo or fb? hahahaha kwentohan mo nga ako sa kanila hehehehe
Deletenaku miss lala, im pro RA9344. im pretty sure if we are on the same definition of what a rehab center is, hindi natin siya tatawaging rehabilitation center. :)
Deleteno twitter mam. medyo ermitanyo ako. medyo hanggang blogspot lang ang social networking shiz ko.
saka kung madidinig mo yung naratibo ng mga bata, hindi sila kinakasuhan ng pulis pero binubugbog sila at tinutorture.
miss lala, medyo masalimuot yang best interest of the child na yan. kasi sino ba ang magdidikta ng best interest? anong perspektibo yung magsasabi na para sa pinakanakabubuti sa bata yung plano? ako pala ay progresibo pagdating sa pulitikal na pagkiling :)
teka nga kahit fb wala ka? hahaha babatukan na talaga kita sir hihihihi
Deletehindi ko alam san ka pweding hanapin kung may gusto akong itanong hahaha
super backread kaya ako sa mga post mo hahahaha
i understand your point of views and kasi iba ang nasa libro at realidad. i know and i am aware of these children na binubogbog ng pulis, i just don't know why walang masyadong report for that. if meron man bakit hindi naririnig yong boses nila sa court? have u heard of bahay-pagasa ba? kasi sa province namin ang next target nila magopen at may inauguration kami this april for that.
my mom is RSW the same and sumasama ako sa kanya nong bata pa ako lalo naman yong na-assign siya sa isang center for the youth din yon lang kasi ang huli kong matandaan na nagkaron ako ng experience with the cicl. iba kasi now ang field ko, nasa office kasi ako ng P-LGU. this june hopefully, sa mga rape victim naman ako.
may advantage at disadvantages naman ang bawat law lalo na itong 9344. kasi there are cases we knew from the office too na yong mga magulang ang nagpupush sa kanila to commit a crime and nagagamit din sila sa mga sindikato. so hanggang civil law lang ba ang kayang harapin ng mga magulang ng mga batang ito? hihihihi
1. walang nadidinig na complaints sa pambubugbog dahil mahirap ang whistle blow. nasa peligro ang bata lalo na kung nasa kostudya ng may kapangyarihan. mahirap din magwhistle blow ang mga development workers kasi pag naidentify sila ang nagsumbong, hindi na sila iaallow na tumulong sa ibang mga bata.
Delete2. may tinatawag mam na advanced generalist practice ng social work. baka magandang framework yun ng practice mo as an RSW.
3. i firmly believe that 9344 is a good law. may mga ginagawa na para sang IRR nila at matugunan yung mga butas.
4. mam, di ako experto. mas madaming iba diyan na pwede kausapin pagdating sa practice. wala na ako sa field ngayon.
u know people who worked in the field, they gained more. even wala ka na sa practice but uve seen it then u will have it and ul keep it, its urs and no one will take that away from u. its an eye opener ano? masaya sa field, social work with many faces ika nga. =)
Deletewhat i am really preparing now is not for the community based or institution, i cant live with that sir, kahit sabihin man ang sw principles na non emotional involvement, i cant help it, matapang lang akong tingnan but i am weak inside, i accepted that and aware ako that its not going to be my field. nag-iisip pa ako ano ang isspecialized ko - family therapy or clinical.
isa din yan na hindi ako pwedi sa mga institution kasi lumalaban ako no matter what it takes, kaya lagi ko nga sabi ndi ako pwedi dito sa pinas kasi ayoko sa systema, makukulong ako kakatanong lol =)
mam, parehong mabigat ang transference at counter transference ng dalawang opsyon mo for specialization. yang FT o clinical, hindi naman siya mapapractice ng wala sa institusyon.
Deletemay Voc tech ang DSWD main office. O kay adun ka sa policy. ayun ang hindi masyado emotionally draining. :)
oh my... kaka-tats...
ReplyDeletefor sure, good reasons to smile naman sila in the future...
senyor, sa karanasan ko sa pagtuturo, hindi na nila kami natatandaan. hahahaha XD pero okay lang naman. parte ng trabaho yun.
DeleteCongrats sir dahil natulungan mo ang mga bata para matuto. Hanga ako sa inyo! :)
ReplyDeletefacilitator lang ser. childrenn are capable of discovering and assimilating. salamat sa papuri :)
DeleteAy babay na pala sila sa inyo sir? Kakalungkot naman pero at the same time I'm sure masaya na din kayo at least, another chapter na naman ng buhay nila ang kanilang susuungin at alam ko din na hindi nila kayo makakalimutan sa pagiging isang huwarang guro ninyo sa kanila. Congrats sa inyo at sa mga chikiting!
ReplyDeleteay eto po pala email add ko sir (regarding dun sa tanong ko sa post nyo dated March 24)
fiel_kun@yahoo.com
noted ser.
Deletewala kong tyaga sa bata kasi isip bata din ako haha
ReplyDeleteayun nga, hanaga ako sayo at talaga namang nakakasaya naman talaga
yan
cellphone ang gamit mo pag pumupunta ka dito sa espasyo ko, tama ba?
DeleteRamdam na ramdam ko ang emosyon mo sa pagbabasa nito. Emosyon, siguradong mamimiss mo sila, at ngayon namimiss mo na nga ata.
ReplyDeleteAlam ko sa mga mata nila naging mabuti kang guro. :)
At, natawa ako sa flat kung flat! haha!
Congratulations sa mga bagets at saiyo ser!
ser pao, namimiss na nga.
Deletenakakainis ano? halos isa o dalawang taon lang naman natin silang tuturuan pero attach na attach tayo..
ReplyDeleteHay ser mots, buti na lang may nakakaintindi na tulad mo.
DeleteAww.. Isa ka na Lang parte ng kanilang alaala...
ReplyDeleteJlapis.wordpress.com
Hahaha. Di ko alam miss jla kung kinocomfort moko o inaasar. Pero oo, totoo yan :)
Deletemasarap makasama ang mga bata. puro fresh utak nila at nakakagaan ng feelings. kahit pa makulit pero napapagaan nila loob ko.
ReplyDeleteTotoo yan miss phioxee.
Deleteyan ang fear ko hanggang ngayon. ang magturo sa elem/pre-school. parang naka-set na ang utak ko sa highschool at naiisip ko pa lang na hindi pwedeng iwanan ang mga bulilit bagets kahit na wiwi break lang eh natatakot na ko. pero try ko minsan sa kapitbahay namin na elementary (parang pwede.haha)
ReplyDeleteBlissful guro, yang mga highschool ang di ko pa nassubukan ihandle formally. Sila na lang ang yet to experience ko. Inggit ako sayo.
Deletenakakatuwa naman.. love na love ko ang mga bata.. at mahirap nga na ganyang malalayo na sila.. big boys and girls na sila.. awwww..
ReplyDeleteBinibisita pa nila ako ngayon ser. So mas madala iproseso ang separation anxiety sa part ko. Hahaha XD
Deleteramdam ko yung bigat sa loob na "Ex" teacher ka na nila.
ReplyDeleteYung late mag sisink-in sa iyo.
Yung tipong pakiramdam mo nakalimutan ka na nila , tapos ikaw araw araw sila naiisip.
Ang kyut pala nung mga animals(?) na gawa nila sa clay parang pwedeng bagong imbento na pokemon. hehehe
Kung nakyutan ka diyan ser, dapat mong tingnan yung mga puppets nila na ginawa. Sayang wala lang akong pictures.
Delete