Saturday, March 16, 2013

Wala pang mahal na araw pero uso na ang penitensiya.

Kinagulat ko ang pagtext mo sa akin kanina ng Magandang umaga. Una, hindi ka naggegeneric message. Pangalawa, hindi tayo in speaking terms. Pangatlo, bago ang numero ko. Bagamat hindi ko binura kung saan ka iko-contact, alam kong mahirap mong malaman ang numero ko.

Sinunod ko lang ang payo mo na magpatuloy sa buhay. Lumipat ako ng bahay. Binago ko ang numero ko. Wala na ang facebook account ko noon. Lumipat na rin ako ng trabaho.  Hindi madali ang mag overhaul ng buhay. Lalo na kung apat na buwan ay may bago ka ng kasintahan at sandamakmak ang larawan niyo sa fb at instagram kung saan tayo konektado. Kelangan talaga pilitin ang sarili na magtuloy ng buhay na wala ka.


At matapos ang tatlo't kalahating taon, bigla mo akong babatiin ng Magandang umaga. Ngayon pa kung kelan masama ang pakiramdam ko. Mainit ang balat ko pero giniginaw ako. Mabigat na nga ang trabaho ko sa mga oras na ito dahil matatapos na ang mga mini-projects ko sa kompanya at nangangailangan na ng mga report.

Huli akong nagkasakit apat na taon na ang nakakaraan. Ito yung pinagluto moko ng paborito kong tinola na walang karne. Sinamahan sa kwarto kahit may pasok tayo noon. At binasahan ng pighati ni Job, paborito kong libro kapag hihigop ng sabaw ng tinola.

Hindi ko alam kung ginagago ako ng tadhana. Pero hindi talaga ito nakakatawa. Alam kong hindi pa ulit ako nagmamahal kaya hindi pa ako tuluyang nakalimot sayo.

Mukhang magpapalit ulit ako ng numero. Ang gago lang talaga.

45 comments:

  1. mahirap talagang magmove on hayyyy

    ReplyDelete
  2. as they say, it's get better...

    ReplyDelete
    Replies
    1. that perspective sir mike is better than my "this, too, shall pass."

      Delete
  3. Ay baka nami-miss lng nya kayo sir :))

    I mean ung miss lang na as "friend" parang ganun.

    Pero wrong timing lng kasi masama ang pakiramdam nyo. Get well soon pala!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi ni Oscar Wilde, "Hearts live by being wounded."

      Buhay ako. Buhay pako.

      Delete
    2. i love the "buhay ako.. buhay pa'ko" quote... short but full of meaning

      Delete
    3. ser AJ, we will thrive this shiz! kaya natin to!

      Delete
  4. hmmmm pano ba ano ba sasabihin ko , hmmmmm una magpagaling ka kasi health is wealth diba? pangalawa minsan kelangan natin harapin ang mga bagay bagay para malaman mong okay ka na .....

    pre harapin mo na yan kasi habang lumalayo at tumatakas ka indi ka magiging okay ..

    go prove it! don't do that to me lang ang peg!

    ReplyDelete
  5. hirap nga ng ganyang sitwasyon....

    ReplyDelete
  6. awtz ang bigat! hirap ng ganyan!, pag nakakamove on ka na pero dadarating siya at magugulo pa uli

    ReplyDelete
  7. Hays,, ang hirap nga ng ganyan. Parang sinusubkan ka ng tadhana..

    ReplyDelete
    Replies
    1. masarap batuhin ng pill bx yang tadhana na yan di ba.

      Delete
  8. Medyo badtrip nga yan Sir, kung kelan ayos/malapit ka ng maging ayos ay saka magpaparamdam ang damuho para lang asarin ka ng pagkakataon ng wagas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. magrarally ako sa mendiola para itigil na ito ni Kapalaran.

      Delete
    2. pwede sumama sa piket nyo? handan na po ang mga plakards ko eh....

      Delete
    3. Bawal ser. Ang pakikidigma sa kapalaran ay personal na pakikibaka. *Yehes, di ko na alam sinasabi ko*

      Delete
    4. hahaha, Di naman hmmmm... sa aking pakiwari ay mas gusto mong harapin ang bagay na ito ng mag-isa lang... Pakiramdam ko ay mas masasabi kong ayos ka na at kaya mo ng harapin ang pang iinis ng tadhana sa iyo kapag nagawa mo na harapin ito ng mag isa... ito po ay sariling pag-a-analisa lamang :D

      Delete
  9. baka nagppapramdam na ulit.. muling ibalik,,:)

    ReplyDelete
  10. (tap on ur shoulder) telelalahugs to you.

    i know how it feels. in gods time, ul get through all of this, i know its hard, there's no word to pacify what u really feel now, but i hope u know u have all of us here sa blogsphere to comfort u, to talk to you kapag kailangan mo.

    never forget to ask god to heal the pain in ur heart. it will help. trust me. it happened to me.

    ReplyDelete
  11. gago talaga si tadhana kahit kelan. ang daming alam. pero sana naman ay hindi kapa napapack up ni tadhana ng bigtime dahil ang lakas lang makaburat. nayhoo, hayaan mo na si ex magparamdam, malay mo may mangyaring happy. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser cyron, ang naitapon na, sa basurahan na dapat nilalagay. di na pinupulot pa.

      Delete
    2. hindi ko alam ang buong detalye na ngyari sa inyo ni ex at ano ang syet na ngyari sa inyong dalawa pero may mga tao talaga na kahit wala na kayo sa relasyon e gusto pa rin makipag keep in touch. nakakamangha dahil nakuha talaga nya ang number mo na wala sa iyong kaalaman at exactong pa bumati sayo nung araw na hindi maganda ang pakiramdam mo. sa tingin ko yung mga ganitong mga tao ang hindi dapat kalimutan at baliwain dahil kahit na may shit happened na ngyari still nandon pa rin sya at nagpaparamdam. hindi ko talaga magets yung karamihan sa mga tao na matapos ang incompatible relationship ay wala ng pakiramdaman. oo siempre maiintidihan ko sa point na wala ng pakiramdaman kung traydor talaga as fuck yung naging karelationship pero kung hindi naman naging ganon kasama ang past relationship ninyo, bakit hindi na lang uli maging magkaibigan? pero siempre as pareng zai mention too, steady lang at tuloy tuloy ang pag momove on pero but wait, still both of you can be friends. make sense naman siguro dba. opinion ko lang siempre.

      Delete
    3. ginoo, napaisip ako tuloy ngayon kung may pinaghuhugutan ba yung "pwede pa rin magkaibigan kahit hindi naging ayos ang relasyon"? :) curious lang. kwento!

      ser, sandali. yung tag sa entry nato ay fiction. so di talaga nangyari sa akin. gayunpaman, maraming salamat sa payo.

      may mga ex syota na pwede talagang ibalik sa pagkakaibigan. pero yung halimbawa ng kwento ko, may mga syota malabo muling pagrekonek. masyadong masalimuot ang puso. ang hirap ikahon sa isang direksyon ng pagtugon.

      Delete
  12. Steady lang, tuloy lang ang pag mo-move on. Dedmahin na lang ang good morning na yan :)

    ReplyDelete
  13. Ibang kwento lang, pero pareho tayo ng pinagdadaanan/pinagdaanan. lol

    ReplyDelete
  14. Ang hirap hanapin ng link ng blog mo. You're link kasi goes to your Google+ profile at walang link rin doon.

    Anyway, if it didn't work the first time, most likely it will not work the second time. Baka di na nagwork rin yong ipinalit niya sa yo kaya nagbabakasaling pwede na naman kayo. Ayaw niyang bakante ang lovelife niya.

    The hell! No! 'Wag kang padala, you'll meet someone new soon. (Parang manghuhula lang! LOL.)

    ...and yes. Change your number kaagad. :D



    ReplyDelete
    Replies
    1. mam lili, salamat sa pagbisita! medyo problema ko nga yung google + shiz na yan. hindi ko alam kung paano ko siya ililink sa espasyo ko.

      magandang posibilidad yung "ayaw niyang mabakante". sino bang hindi? hahaha XD

      Delete
  15. sir, im sure siya din di pa naka move on. tina try ka nyang i contact para ma test kung di ba sya nagsisising iwanan ka nya. hay lablife talaga

    ReplyDelete
  16. ano ba yan.. naiiyak ako pero kailangan pigilin dahil asa office ako..

    ganitong-ganito kasi ang nararamdaman ko ngayon... pano ba kasi lumimot..

    ReplyDelete
    Replies
    1. may dahilan palagay ko kung bakit dinisenyo tayo ng Panginoon na may alaala.

      Delete
  17. Gusto ko din magpalit ng número. Pero dahil gusto ko Lang.

    - jlapis.wordpress.com

    ReplyDelete
  18. ang tanong.. sinagot mo ba ang magandang umaga niya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. talino mo talaga ser potpot!

      para sagutin ang tanong mo, hindi. Hindi ko sinagot.

      Delete