Sunday, March 24, 2013

Hindi ko pa natatasa ang semestre bilang estudyante

Kapag tinatanong ako sa amin kung kumusta na ako sa gradwadong klase ko, sinasabi ko na tesis na lang ako. Pero sa totoo, hindi ayun ang nakaenrol sa akin sa semestreng ito. At hindi ayon ang papel na ginagawa ko.

Kung pwedeng tunawin sa lupa ang lahat ng nangangamusta sa ginagawa kong papel, marami na silang nawawala. Hindi naman ako naiinsulto sa pangangamusta nila sa ginagawa kong requirement sa klase. Nakakapagod lang pakinggan ang sarili ko na magkwento ng topic na palagay ko hindi ganoon na ka-exciting kumpara sa kung paano ko ito pinapaliwanag sa iba. Marahil nawala na ang interes ko dahil ayoko na ngayon harapin ang requirement sa klase.

Noong nakaraan pang taon due ang papel na ginagawa ko. Pero hindi talaga siya madaling i-engkapsula sa papel at powerpoint slides. Alam na alam ko ang proseso ng paksa na sinsusubukan kong bigyan ng laman pero sadyang malayo lang siyang ipaliwanag pag nagsisimula na akong upuan siya para isulat.

At bigla ko tuloy napaisip kung para sa akademya ba talaga ako. Kasi kung titimbangin ko ang mga rason, mas gusto ko pa na nasa field at direktang nakikipamuhay sa mga tao at nakikidigma para sa social justice at human rights kesa sa nagsusulat at nagpapaliwanag ng mga teoryang nakapaloob sa mga ginawa kong gawaing panlipunan.

Isang taon na ang love-hate relationship na ito sa sinusulat ko. At nararapat na siyang wakasan dahil para na siyang pigsang masakit na isang taon ko nang hindi ginagamot. Mukhang nayayamot na rin ang adviser ko sa sinusulat kong ito dahil tuwing pumupunta ako sa kanya, wala akong napapakitang significant output.

Sa Martes na yung huling pagpepresenta ko ng papel na kasama ng paliwanag kung bakit dapat bigyan ng atensyon ang lumulobong bilang ng mga bata sa kulungan at kung paanong ang papel na isang taon kung pilit sinusulat ay posibleng mag anak ng ibang output katulad ng mas akmang counseling technique sa ganitong mga bata, paggawa ng training module sa tutugon sa mga problemang kinakaharap ng mga bata, akmang family intervention sa pamilya ng mga bata sa kulungan at mismong pagdodokumento ng success rate/ impact assessment ng mga existing programa ng gobyerno sa pagrehabilitate ng mga bata na may kriminal na kaso.

Kung ang stress level ang pag-uusapan, ngayong malapit na ang deadline ko, alam kong hanggang ngala-ngala na siya. Kung nakakalagas talaga ng buhok ang bigat sa loob, baka hindi lang ako kalbo pero wala ng buhok sa kilikili at singit ko.

Oo, hindi na ito emo post. Rant shiz na ito. Napaka- existential. Iniimbitahan ko ang mga tagasunod ni Adler, Nietzsche at Rogers para himayhimayin ako. Baka sakaling mas magkaroon ng saysay ang mga teorya nila. At mas maintindihan ko ang realidad ko ngayon.

------------------------------------------------------

Tom Petty - I Won't Back Down

Powered by mp3soup.com

Sana lang mas madali ang sinasabi ni Tom Petty. 

30 comments:

  1. Naku naiintindihan ko ang rant mo Sir... Marihap talaga kapag sinabi mong ok lang at on tract ang mga ginagawa mo pero kapag aanalisahin mo na sya at marami mga bagay pa ang tingin mo na kulang medyo nakakayamot...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pag intindi. altough napapagod na akong basahin tong mga sinulat ko. Dapat masaya na post naman. Haha.

      Delete
    2. ahaha yan naman po ang maganda hanap hanap din po ng goodvibes pag may time... pabawas yamot..

      Delete
  2. Sir, ano po palang course ang tinapos nyo sa kolehiyo? i dunno, pero parang hawig kayo ng ginagawa ni Lalah (telelalahbells). Although siya ay isang Social Worker slash student.

    I'm also praying na matapos nyo na ang lahat ng dapat tapusin before the holiday break.

    ReplyDelete
    Replies
    1. working ako sa holy week para magcheck ng requirements ng mga estudyante ko sa kolehiyo.

      Nagmamasters ako ngayon ng Social Work. Ser fiel, ano email add mo? Dun ko sagutin ang tunay mong tanong :)

      Delete
  3. Kaya mo yan Sir. magtiwala ka lang sa sarili mo. parehas lang naman tayo na thesis nalang kuno ang kulang. :)

    ReplyDelete
  4. naku matatapos mo di yan! tiwala lang haha
    ako sa pagkakakwento mo pa lang nasstress din na ko ee

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige na nga. di nako magkwekwento ng ganitong shiz. haha. nakakapagod na rin naman.

      Delete
  5. hmmm ganun talga isipin mo na lang ham yan! yum yum yum! smile nmn dyan and everything!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser kulapitot, pan o ba yan, di ako kumakain ng ham :S

      Delete
  6. naku sir goodluck sa paper mo. sana matuloy na yan. na remind tuloy ako sa kalbaryo ko sa paper ko nung college. about juvenile offenders din yun. at nakakalokang experience.

    ReplyDelete
    Replies
    1. miss phioxee, ang politically correct term na sa kanila ngayon ay children in conflict with the law (CICL) base sa RA 9344 :)

      Delete
  7. Naniniwala akong kaya mo yan. Matatapos mo yan sir dahil kung hindi ay patay na. hehe. Good luck Ginoo :)

    ReplyDelete
  8. Kaya yan :) goodluck and more spirit en inspiration :) napadaan lang :)

    ReplyDelete
  9. kaya yan!! sabi nga ni maya ng be careful with my heart, kapit bisig :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku ser, pelikula ba yang be careful shiz na yan? di ko alam yan e...

      Delete
  10. Tiwala lang ang kailangan sabay dasal sa Kanya! Kaya yan sir! :) bagay kayo ni lala sir. Social worker din siya nagfofocus. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yihi! ginawan ako ngayon ng kapareha. hahaha XD pagod pa ser empi ang puso ko :)

      Delete
  11. buti ka pa nga nasimulan mo na. ahahah ako ewan, tinatamad ako. :/ kainis

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser mots, tapusin na yan! pumasa na sa panel ko ang concept at flow. yung kasipagan sa pagsusulat na lang hinahanap ko kung saan ako bibili.

      Delete
  12. ako nga pag tinatanong kung kelan ako matatapos ang lagi kong sagot eh, "kakasimula ko lang po last year, di po ako nagmamadali". relax lang. magiging ayos din ang lahat :)

    ReplyDelete
  13. naku sir, tapusin mo to :D makakatulong to ng malaki sa kabataang pinoy :) Pero ayun nga, funds and sipag ang katapat ng mga thesis at dissertations. God bless po and I really hope this comes to completeness and yung mga recommendations are very good for doctoral studies na! Woohoo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat yccos sa encouragement. malayo pa ang doktoral. magpapahinga muna ako matapos ang papel nato. natotrauma ako sa post-bachelor's degree.

      Delete
    2. hahha.. ako nga sir, mag-start pa lang ako with my masters :P wag naman ganyan. Baka matrauma din ako..haha

      Delete
    3. Iba kasi yung requirement dito sa programa ko sa masteral. Masyadong malalim ang imersyon na kelangan sa mga tao. Kaya madugo din. Pero kaya mo yan Yccos. Wag mo ako gayahin na limang taon na, hindi pa tapos dito. At sana hindi kasing salimuot ng programa ko sa masters ang sa iyo.

      Delete
    4. Di naman po siguro pero its more of a qualitative descriptive analysis na nangyayari sa isang science class.. continuation lang din ng college thesis ko pag nagkataon. tulad ng sainyo, i would have to be exposed to the real classroom situation. hindi na lang basta statistics ang gagamitin..tulad din po sainyo, long term din.

      Bilang advocate ng k+12 at ALS, alam ko pong magiging malaking tulong itong study nyo sa pag assess ng mga kabataan, mas maiintindihan namin kanilang mga galaw at makakapg formulate din ng mga tamang developmental frameworks fitting for their recovery and progress.

      Tapusin nyo po ito :D

      Delete