Reef. Nagkaroon ng bagong salita yung mga bata. May isa kaming bata na mahilig sa mga underwater documentaries. Siya nagpaliwanag sa mga kaklase niya kung ano ang reef. Sabi niya, "It's the condominium of the fishes. It's where they live!" Ayan sa itaas yung ginawa nilang hand prints art activity. Gumawa sila ng mga isda gamit ang pagbakat ng kamay.
Dahil nakita nila na importante ang reef, nag-alala ang mga tsikiting dahil alam nila na mahalaga ang "condominium" o mga bahay. Nag-isip sila ng kung ano anong paraan para ayusin ang problema sa Tubbataha. Ilan sa mga solusyon nila ay ang mga sumusunod:
- Let’s have 100 divers to pull up the ship.
- Let’s have the small boats pull the big ship.
- Let’s make corals made out of clay.
Ang goal ng klase namin ay makita ng mga bata may mga paraan sila na pwedeng gawin sa mga isyu ng lipunan, o kahit mga simpleng problema sa buhay. Gusto namin na mga guro nila na mapagyabong ang pagiging proactive. Hindi lang pagsusuri ng problema sa kanilang paligid pero ang pagtugon dito.
Matatapos na ang klase namin. Malapit na rin sila umalis ng paaralan. Pupunta na kasi sila sa unang grado sa elementarya. At siguradong madami sa kanila ay hindi ko na makikita sa susunod na taon. Hanggang preschool lang kasi ang pasilidad namin.
Umi-emo shiz talaga ako habang malapit na ang pagtatapos. Kaya pasintabi sa hindi pagpopost dito. Hangga't maari ay mas gusto ko ang direktang interaksyon sa mga tao na maaring hindi ko na ulit makita. At ehem, dahil preschool, matapos ang tatlong hanggang limang taon, hindi na rin nila ako matatandaan. Ang layon ko sa mga susunod na araw ay mabigyan ng magandang karanasan ang mga tsikiting, at bagaman hindi nila talaga maaalala ang pangalan ko bilang guro, maaalala nila na maganda ang karanasan nila nung bata.



magaling ang hand paintings nila... Ang aastig ng mga studyante mo Sir OP. Bata pa lang eh gumagana na ng mahusay ang analytical skills nila :D
ReplyDeleteiba din talaga ser rix, kapag child-centered ang programa. nagkataon siguro na na-capture namin ang sitwasyon na pwedeng pagkuhanan ng mayaman na diskusyon at pagtuturo. at nauna ka na naman sa pagkomento. lagi ka yatang online ser.
DeleteUu nga eh, sa mga ganyang topic eh naeenhance ang thinking skills ng mga bagets.. Napansin ko ng nauna ulit ako ehehe. di kasi block ang blogspot sa station na gamit ko sa opisina kaya isa na sa mga tools na inoopen ko ang blogspot :D
DeleteAhhh. Kaya pala parang lagi kang online sa blogspot. :-)
Deleteehehe pag bored na ako sa office o naiinis ako sa ginagawa ko tumitigil ako para magbasa ng mga updated entry ng mga blogger :D
Deleteparang madalas ka naiinis o bored. at usually nagiging convo ang mga reply mo. hahaha XD
Deletepansin ko din yun Sir, mas masarap kasi bumalik balik sa mga page na may pagka convo type ang author ng blog... you always look forward sa mga update nya and you can feel the interaction not only sa topic ng recent post but to personal life na din :D
Deletewow a. may ganun ka palang pagtingin sa usapang katulad ng ganire. apir!
DeleteOpo Sir, ahaha. Apir din :D
Deletewow. got a bunch of smarts kids you have. a reflection of the things they learn from their teacher. cheers!!!
ReplyDeleteCheers!
Deletenalungkot ako noong una kong malaman ang balita tingkol sa Tubbataha Reef...
ReplyDeletemaganda ang punto de vista ng mga bata, mana sa magaling na guro! hehehehe
AT kung iisipin, mas alam ng mga bata ko ang isyu ng Tubbataha kumpara sa ibang matatanda. :)
Deletetama kan! mas alam naming mga bata...
Deletesige pagbibigyan kita senyor :)
Deletejan po ako bilib sa critical thinking ng mga bagets ngayon. ang galing. di ko akalain na napapansin na rin pala nila ang mga ganyang issues natin sa lipunan.
ReplyDeletemahusay ang mga solusyon na kanilang naisip. bumilib talga ako sa kanila. ngayon pa lang, masasabi ko nang may future talaga ang mga batang iyan. mapalad sila at isa kayo sa mga naging guro at gabay nila sir :)
cheers!
Team effort to ser fiel. May ka team-teach ako :) Magaling yung partner teacher ko pati na rin yung mga student teachers na nagpapracticum ngayon.
DeleteNakakatuwa yung mga alaga mo rin. Ang ganda ng hand print art nila at nakakatuwa ang mga solusyong naisip nila haha iba na talaga magisip mga bata ngayon Super cute.
ReplyDeleteIsang visual artist na nanay ang naging guest namin na nagfacilitate ng work na yan :)
DeleteAng kyut ng idea dun sa paggawa ng isda gamit ang kamay. :)
ReplyDeleteAt benta sakin ang nasa upper most left tentacle. I find it cute, too. Haha!
at, actually, hindi ko na din tanda ang pangalan nung teacher ko nung kinder ako, pero tandang tanda ko pa ang itsura nya. Really, di ko sya malilimutan. :)
ser pao kun, masaya magturo ng mga bata :)
Deleteo di ba, hindi talaga kami naaalala. basta pag may maganda silang alaala ng preschool, solves nako :)
mabuti pa yung mga bata updated sa latest happenings sa pinas. yung mg pulitiko kase e busy sa kampanya. mga leche.
ReplyDeletepalagay ko alam naman nila. apathetic lang :P
DeleteAng sarap ng pakiramdam sigurong magturo lalo na't napakainteresante ng mga estudyante. Hayaan mo at kahit hindi ka na nila siguro matatandaan eh sabi nga ng propesor ko, teaching is his way to be immortal, dahil alam niyang may naipukol siyang mahalaga sa mga estudyante nya na magpapasalin-salin sa mga susunod na henerasyon.
ReplyDeleteser kevin, maswerte ka matalino yung propesor mo. at maswerte ako at na-encourage ako sa pagtuturo sa pagbabahagi saken ng sinabi ng prop mo.
DeleteNagtuturo din ka pala ng mga bata, Overthinker Palaboy. Dati akong titser sa high school. Actually, unang work ko yun. Nagturo ako ng biology ng 2 taon din. Yung nag-substitute ako sa isang elementary class (grade 3 yata yun), mas nagustuhan ko sya. Mas challenging pala na magturo sa mga mas bata pa. Naisip ko lang na ang galing din mag-isip ng mga bata. Hindi pa nakakahon ang mga utak nila.
ReplyDeleteTotoo ser peter. gusto ko na di pa structured ang utak ng mga 5 year olds ko. Kaya ang daming magagandang ideas. Pwede na nga gumawa ng short story na may mga nakakatawang linya na nakuha ko sa kanila :)
Deleteang gagaling talaga ng mga bata.. kakaiba silang mag-isip.. at well informed na rin sila ha.. ang galing... iyak na pre.. ehehehehe
ReplyDeleteokay na sana ang comment e. panira yung huli :P
Deletenaku disturbing naman kasi talaga nagyari dun isa sa pinaka mapagmamalaki natin ang lugar na yun ee
ReplyDeletehmmm anyways namiss ko ung mga ganyna activity sa school
ako lage taya sa lahat para sa grupo ko hahaha
Ser mecoy, mukhang creativity at vale for aesthetics mo lang ang nadevelop. Ikaw kasi laging taya. Sa school ko lahat sila confident sa drawing nila at willing magtry. Sa bata kasi appreciation at unconditional positive regard ang binibigay. :-)
Deleteand thats how a teacher affect us eternally. :)
ReplyDeleteNakakatuwang isipin na buti pa yung mga bata may naiisip na solusyon samantalang yung ibang dapat may gawin na solusyon sa mga problema sa kapaligiran at lipunan ay walang naiisip o mas tamang sabihing walang ginagawa.
naku ser bagotilyo, ang maganda kasi sa mga bata ay hindi pa sila nakakahon. wala pa silang konsepto ng realidad at kalkuladong pagkilos at paggawa ng desisyon. kaya napaka-creative nila :)
Deletemga bata.. very ideal, sobrang concern, likas na mabait. kung saa ganyan parin pag tumanda. haha. syempre, ako nagsalita.
ReplyDeletesana nga masalo ng susunod ng grade teacher nila yung napundar na problem solving skills ng mga bata :)
DeleteReminds me of my school and my work with children. Alam mo kahit hindi na tayo matandaan ng ating mga estudyante, kilala pa rin tayo ng kanilang mga magulang. At kapag nakita natin sila sa kalye o sa mall, sila mismo ang may nakalaang pagbati at respeto dahilan na rin sa ating mabuting gawa at impluwensiya sa mga bata. Kailangan ng bansa ang mga gurong tulad mo. All the best!
ReplyDeletenaku ser jonathan, palagay ko punong puno ang bansa natin ng mga mahuhusay na guro na dapat alagaan :)
Deleteare you still teacher ser jonathan?
Yes, I am. Ilang taon na lang, mag retire na ako, lol!
Deleteparang gusto ko na rin magretire :P
Delete