Tuesday, February 19, 2013

Kaibigan,

Hanapin mo ang nagpapatibok ng puso mo at ialay ang buhay para dito.
Hayaan mong higupin hanggang maiga nito ang kabuuan mo.
Pasanin mo ito, hanggang tuluyan kang lumubog sa kawalan.
Hayaan mong patayin ka nito at kainin ang iyong katawaan at kaloob-looban.
Sapagkat maraming bagay ang pwedeng pumatay sa iyo, yung iba mabilisan, ang iba ay marahan.
Subalit mas masarap na mamatay sa bagay na mahal mo.

30 comments:

  1. masarap mamatay na may kilig factor. happy ending! hahaha.. ;))

    ReplyDelete
    Replies
    1. ngayon ko lang napagtanto na hedonistic ang post ko nato.

      Delete
    2. to die in pleasure... *evil grin* :D

      Delete
    3. why should something pleasurable be associated with evil ginoong fiel? napaisip lang ako :P

      Delete
  2. ay! passion at love ko masyado magtravel. wag naman sanang don ako sa travel mamatay. God forbid. iba naiisip ko sir

    ReplyDelete
    Replies
    1. pareho kayo ng kapwa ko faculti ng reaction ngayong pinag usapan namin ito.

      Delete
  3. agree ! kesa mamatay sa bagay na hindi ka masaya

    ReplyDelete
    Replies
    1. may kalakip pa rin na boundaries syempre. pero ibang usapan na yun :)

      Delete
  4. Agree din ako! At least you die happy, with meaning and with purpose when you die for something you love. I'd die for food! :)

    ReplyDelete
  5. Nagandahan ako sa iyong maikli ngunit makabuluhang tula...

    Mas maganda nga naman ang mamatay nang dahil sa isang bagay na mahal mo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. matapos ma-published ang una kong komento, nag-isip ulit ako at nais kong hamunin ang kaisipang iyong pinahiwatig... pero suko ako... May point ka!

      Delete
    2. maraming pwedeng argumento ginoo pero sa ngayon sasang ayon muna ako sa punto na binigay ko.

      Delete
    3. senyor, oo nga. maikli ang tulang ito. haha. salamat :)

      Delete
  6. NAKS NAMAN SA HIGUPIN HANGGANG MAIGA! hehehehe. iba ata naisip ko. wahahaha.

    ReplyDelete
  7. haha ako ayoko mamatay masarap man oh mahirap mabilis oh mabagal haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. napaisip tuloy ako kung bakit iniiwasan ang kamatayan? lahat naman tayo diyan ang tungo.

      Delete
  8. Gustong gusto ko ang bawat linya ng iyong tula. Mas pipiliin ko ding mamatay sa mga bagay na minahal ko. :)

    ReplyDelete
  9. putting the "idea of love" aside since applicable naman ito sa lahat ng bagay (love kasi una kong naisip).. basically, kahit naman sino kakayanin ang lahat kung gusto nila ang ginagawa nila.

    Napaisip kasi ako bigla sa gawa mo at naihalintulad ko ito sa trabaho, alam mo yung pakiramdam na kahit stress out ka na, pagud na pagod, at halos sumuko na ang pisikal mong katawan, still at the end of the day masaya ka kasi gusto mo yung ginagawa mo..

    yun lang, hehehe, I don't see it as something emo or sad instead you're just stating a fact, you're just making it dramatic lang nang kaunti.. gusto ko ang tulang ito :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser AJ!!!!!! Gusto ko ang pagbasa mo ng tulang ito :)

      1. Totoo, hindi siya patungkol sa romantic love lang.
      2. Naiintindihan ko yung patungkol sa trabaho. Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko araw-araw. Pagod na pagod pero okay lang kasi mahal ko ang ginagawa ko.
      3. May konting budbod ng drama ang tulang ito.

      Delete
  10. to fight and die in the name of love. naks :)

    heartfelt.

    ReplyDelete