Parang ganyan ang pakiramdam ko ngayon. Ginagawa ang pangarap na trabaho pero wasak na wasak ang katawan at sabaw na sabaw ang utak.
Buti na nga lang mataba ang puso ko dahil yung trabaho na ginagawa ko --yung pagtuturo ng mga chikiting at mga bagets ay naeenjoy ko ng husto.
Sa mga chikiting, isang linggo kami na hindi nagkita bilang klase dahil naka-eskedyul sila na pumunta sa classroom ng paisa-isa para suriin kung ano na ba ang nakamit namin matapos ang lampas kalahating taon na pagsasama sa klase. Hindi kami ang tradisyunal na paaralan na nagbibigay ng pagsusulit sa mga bata sa pamamagitan ng pagsagot gamit ang papel at lapis. Mayroon kaming mga checklist na sumusuri sa kung ano ang dapat makita sa isang bata na nasa partikular na taon. Komplikado ang shiz na yan kaya sa susunod ko na ipapaliwanag. Basta sa assessment nato, halimbawa, hindi lang namin tinitingnan kung kaya na ba ng bata na bumilang ng malakas (rote counting) mula isa hanggang dalawampu't lima. Susuriin din namin kung naiintindihan ba ng bata na ang bilang na isa ay sumisimbulo sa isang bagay at ang sampu ay representasyon ng sampung bagay (counting with understanding). Hindi lang memorya, may pag-intindi. Ganyang shiz.
Sa kolehiyo naman, natapos na namin ng mga bagets ang mga teorya sa mate selection. Pinag usapan din namin na hindi naman talaga tayo "malayang" namimili ng iibigin at pakikisamahan sa habang buhay pero may pattern tayo na sinusunod. Parang Matrix na storyline shiz. Pinag-usapan din namin ang mga pag-aaral na ginawa sa Pinas tungkol sa kung paano umiibig ang mga tao noon at ngayon. Maganda ang talakayan kasi sa mga teorya na pine-present ko sa kanila, nagsisimula silang kwestyunin ang mga assumption at konsepto ng mga ito, hindi lamang nilalapat sa personal na karanasan pero may paghahambing sa ibang teorya na sumasalungat sa teoryang binabanggit. Ayos, nagsisimula na ang kritikal nilang pag-analisa sa mga bagay-bagay at hindi na lamang nakaikot sa kanilang sariling karanasan at paniniwala.
Tinapos ko ang talakayan sa kolehiyo ngayong linggo sa pamamagitan ng pagtalakay sa break up at kung paanong sinasabi ng mate selection na ito ay malusog na karanasan. Para sa mga bagets na nagkaroon ng masamang karanasan sa relasyon at sa break up, ngumiti sila nung sinabi kong
An important function of dating and courtship is to filter out unsuitable prospective mates, thus breaking up is a normal process. Breakups should occur more often to provide opportunities to find a mate who may be more suitable.Nasabi ko na malaki ang paniniwala ko na okay lang ang breakup. Normal siyang proseso sa pagpili ng pinakaangkop na partner sa buhay. Kapag hindi nagwork, e di hindi talaga. Pero nakwento ko rin na hindi naniniwala diyan ang ermats ko. Ang sabi niya kasi maaari nating maiwasan ang mga unwanted and unncessary hurts kung tayo ay magiging sigurista sa pagbibigay ng puso natin. Ang pangako niya kasi sa sarili niya, ang unang boyfriend niya ang siyang dapat na magiging asawa niya.
Sakto naman at si erpats lang ang nag-iisang boyfriend niya. Hindi siya umiyak sa mga breakup shiz kasi hindi niya naranasan.
Sabi ko sa mga bagets, dalawang magkaibang perspektibo ang inooffer ng ermats ko at ang ini-espouse ko. Sila na ang bahala mamili kung anong perspektibo ang aampunin nila sa kanilang buhay.
Ayan. Napahaba ang kwento. Pagpaumanhin niyo. Sabaw ako ngayon at nangangailangan ng release.

Lahat naman tayo sir, nakakaranas ng sabaw moments kaya ok lang yan :)
ReplyDeletePrivate school ba ang school ng mga chikiting? Kakaiba nga sa usual na pamamaraan ang grading system nyo sa mga bata. I'm sure lalo silang matututo ng maayos sa ganyang sistema.
Agree din ako sa reasons nyo about break-ups. It's a normal part of any relationships. Mas maganda na habang maaga pa lng ay naranasan mo nang mabigo/mabasted para sa mga susunod mo pang pakikipag relasyon ay magiging mas matalino ka na sa pagpili. Hindi lang puso ang gagamitin mo + utak na din :)
ser fiel, public preschool to :)
Deletesabaw! lage sabaw post ko haha
ReplyDeletenice naman ung pagtuturo nu dapat ganyan talaga kasi ung iba basta madinig na nakakabilang ee ok na
pag dating sa bilangan talaga ee mejo nalilito na ung bata
agree din ako sa sinabi mo about relationship and breakups
ser wala kang hindi sinang ayunan a.
Deletehindi ka naman sabaw... maayos mo ngang nailahad at naitawid angpost na ito... haaay i didn't have a prof who discussed anything about break up...kainis.... hindi tuloy ako maka-move on... teach me naman...hehehe
ReplyDeletebaka naman ser hindi kasama yan sa curriculum ng kurso mo kaya ganyan.
Deletebaka nga... ako ay nagtapos ng kursong agham pampulitika...
DeleteKaya ser walang family science sa kurso mo :-)
DeleteGusto ko yung thought ng assessment shiz nyo. Tama, hindi lahat ng bata na marunong bumilang e alam kung "ilan" nga ba yung numerong nasabi nila.
ReplyDeleteHmmm, tama din naman yung sa pattern na yun, may iba lang talagang malakas ang loob na "malayang pumipili", for better or for worse.
--Tama ang sinabi nyo about break ups. Swerte lang rin siguro yung hindi dumadating sa break ups. Yung first and last ika nga. Napakswerte.
...at ang parents mo pala ang maswerteng tinutukoy ko sa itaas! ;)
si ermats lang yun ser. ang erpats ko, nakailang nobya din.
Deletesabaw ka pa sa lagay na yan ah.. paano na lang kung hindi?! nakakatuwa yung shiz na sinasabi mo kung paano nio suriin with checklist ang mga students nyo..ganyan naman talaga dapat...
ReplyDeleteat maganda ang talakayan na yan with break ups..nakakagaan ng loob yung quotable quotes mo hehehe...
swerte ni ermats mo at hindi nya naranasan yung sakit ng break ups and i think she has a point about that.. dapat talaga matalino sa pagpili haaay if i only knew that earlier haha may bitterness pala...
isipin mo na lang mam na hindi yung ex mo ang karapat dapat na paglaanan mo ng habangbuhay. may mas ayos na lalaki na nakalaan sayo. *wink*
DeleteHindi ako naniniwalang sabaw kasi hbng binabasa ko mdmi akong napulot na laman :) usapang puso ag dual na pagtuturo :) galing mo cguro magturo!
ReplyDeletenaku ser kulapitot, malayo pa ako sa magaling. ang magaling e yung mga kasamahan ko sa trabaho. sa kanila ako natututo ng husto.
DeleteNapa tumbling lang naman. Matagal ko ng naisip na magturo ng kolehiyo sa hapon at eto, ikaw pala ay nagtuturo ng tsikiting sa umaga at kolehiyo after, gusto kong gawin ito. Siya, mag back read ako nang may mapulot akong mga ideas.
ReplyDeleteser hindi madali. nakakabaog ang kombinasyon na yan minsan.
Deleteokay lang sabawin minsan. dumarating sa buhay natin yan eh.
ReplyDeleteang pagiging guro ay mahirap na propesyon. kaya naman hanga ako sa iyo
Salamat ser bino sa pagtolerate ng kasabawan ko. :-)
DeleteLucky ones...
ReplyDeletemiss Jla, maligayang araw ng mga puso :)
Deletesa totoo lang minsan naiisip ko na mag-sit-in sa klase nyo po.. kahit sabihin mong sabaw ang post na ito, marami akong napagtanto.. :)
ReplyDeletemay komento ngayon ang mga bagets ko. masyado daw ako mabilis magturo. sila daw ang naghahabol. :P naku mag enrol ka na lang ginoo. para legal ang pag aaral. madadagdagan pa ang pera ng aming departamento :P
Delete