Sunday, February 3, 2013

Timog, babalikan kita sa taong ito.

Mahalaga sa akin ang tsinelas na yan. Binili ko sa isang baryo sa isang liblib na lugar sa may gawing timog ng Pilipinas.

Yang tsinelas na yan ang saksi sa pakikipamuhay ko sa mga tao dun. Pati na rin ang pagdiskubre na mali ang hinala ng mga taga-Luzon na magulo sa parteng yaon ng Pinas. Hindi lahat ng tao sa lugar na pinuntahan ko ay palaaway. Hindi lahat ng mga tao dun ay galit sa mga Kristyano.

Marami akong nakilalang mamamayang mananandata. Hindi ako sang ayon sa kanilang pinaglalaban pero nirerespeto ko ang pagsusumikap nila laban sa kahirapan, walang saysay na kamatayan ng mga mahal sa buhay dahil sa digmaan at iba pang malalalim na usaping pampamayanan.

Sira na ang tsinelas na alaala ng pakikipamuhay sa mga kaibigang taga timog. Dapat ng bumili ng panibagong tsinelas. Sana sa taong ito, makabalik ako sa liblib na baryong iyon at buuin muli ang mga relasyon at pakikipagkaibigan na pansamantalang naputol dalawang taon na ang nakaraan. Sana makabili ulit ako ng tsinelas dun.

34 comments:

  1. Saan kaya ito sa Mindanao? hmmmnnn... you had actual encounters with NPA? cool... hanga naman ako sa courage mo... mawala man 'yang mga tsinelas na 'yan, for sure hondi ang alaalana minsan nakibahagi ka sa kanila... kelan ka ulit punta? sama!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko masabi ang saktong lugar ginoo. AT hindi sila NPA :)

      Buti senyor naabutan mo pang bukas ang blog nato. Pagdating ng umaga, itatago ko na ulit. Iwas pusoy.

      Delete
  2. Replies
    1. oo nga ser olivr. nag bukas lang ulit kasi alam kong busy ang mga kaibigan at katrabaho na ayaw kong makita tong espasyong ito.

      Delete
    2. onga ser. munti na nga lang tong espasyo natin dito, papasukin pa nila. hehe

      Delete
  3. i was thinking of mindanao as well? tawi2 perhaps?

    ReplyDelete
  4. Isang magandang karanasan. ang makakilala, makasalamuha, at makita ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa lugar na sinasabi mo. ang karanasang ito ay masaya dahil sa ako din ay nakaranas ng katulad ng sa inyo pero sa ibang paraan at ibang dahilan, at ibang lugar nga lang (siguro)po :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmm, ibang paraan at ibang dahilan. napapaisip tuloy ako.

      Delete
    2. May kaibigan akong muslim. Ikinasal sya noon at inimbitahan nya ako. Pumunta ako dun kahit na di ko sila kapareho ng relihiyon ay tinanggap nila ako. Nirespeto kung ako yung paniniwala ko at di ako pinilit na gawin ang bagay na nakasanayan nila. Ganun din naman ako, nirespeto ko kung ano ang paniniwala nila kung ano ang tradisyon nila at ang relihiyon nila :)

      Delete
    3. uy maganda yan. di pako kakaranas makadalo ng kasal ng muslim.

      Delete
    4. parang fiesta ang kasal sa kanila ang bongga interesting din ang seremonya nila na nakikita ng mga tao sa community nila (di sa mosque ginawa ang kasal nila sa isang bulwagan) tapos yung ceremony ng pag-ako ng responsibility ng groom sa bride tapos yung exchange of vows nila tapos may sayaw din para sa prosperity ng bagong magasawa at ang kainan na parang wala ng bukas :). ang daming tapos ahaha.

      Delete
    5. Nafeature sa Thy Womb ang halimbawa ng seremonya nila, napanood mo? Hanggang pelikula pa lang ako.

      Delete
    6. Hindi ko pa po napanood ang thy womb ehehe. napull-out po sya agad sa cinema. di po ako nagka-chance mapanood sya :)

      Delete
    7. hahaha. nagkaron ka ng chance, di mo lang first choice panoorin :P

      Delete
  5. Oyy ohhh, may sentimentality disorder ka pala (gawa gawa ko lang yan) at sa tingin ko ay hindi yun disorder. Sentimental din ako sa ibang mga bagay, actually, sa karamihan.

    Sa Mindanao? Hmmm, dun sa inuwian mo nung dinalaw mo sila erpats at ermats mo? (tama ba? o gawa-gawa ko lang ulit na dumalaw ka at sa lugar nga na yan sila nakatira?)

    Hindi pa ko nakakarating sa Mindanao at ang tingin ko, mejo primitive ang buhay dun...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser may mga backwards lang ang pag usad ng ekonomiya dahil sa ilang panlipunang suliranin. Pero hindi primitibo. Mas tahimik nga doon kesa sa gulo at dami ng krimen sa Maynila.

      Ser ang probinsiya ko ay Batangas. Yang pakikipamuhay sa may Timog ay ibang istorya :)

      Delete
  6. wow naman parang saya naman ng experience mo dun
    lakas maka i witness haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. masaya naman pero hindi lang saya e. makabuluhan yung karanasan kasama sila.

      Delete
  7. timog? mindanao nga. davao? cdo? camiguin? daming hula lol

    ReplyDelete
  8. Napakalaking halaga pala sayo nyang pulang tsinelas na yan. Hindi lang sapin sa paa. Parang ang lalim ng meaning nya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. o well sira na siya ser glentot :P wala nang practical value kaya nasa basurahan na :P

      Delete
  9. Timog..uhmmm...Australia? lol..kidding..
    Sa minda no? well atleast may pix ka sa red tsinelas mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. tsinelas lang kasi ang pwede kuhanan ng larawan. yung iba di na dapat litratuhan.

      Delete
  10. Ang lumang tsinelas na iyan pala ang nagsisilbing ala-ala mo nung bumisita ka minsan sa mga kapatid nating Muslim :)

    I also agree na hindi lahat ng Muslims ay masasama. Karamihan sa kanila ay peace loving at mababait. Biktima din sila mostly ng karahasang nagaganap sa ilang mga lugar sa Mindanao.

    Sana ay matapos na ang kaguluhan sa may dakong timog.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser fiel, masalimuot at malalim na usapin ang peace building. naku, pwede tayong magkaron ng diskusyon para diyan.

      Delete