Sunday, February 3, 2013

Premyo sa sarili

Dahil natapos ko na ang:
  • pagbabasa at pagbibigay komento sa tatlong linggong lingguhan na reflection paper ng mga bagets sa kolehiyo
  • pagtsetsek ng midterm exam ng mga bagets sa kolehiyo
  • pagbibigay komento at pagtatama ng project proposal ng apat na grupo para sa kanilang civic welfare service
  • pag-aayos ng ilang papel na sinumite tungkol sa diskusyon tungkol sa mga teorya ng pag-ibig at teorya sa paghahanap ng makakasama sa buhay
sisimulan ko nang basahin ang Blindness ni Jose Saramago.

Patungkol ang nobela isang lungsod na nagkaroon ng epidemya kung saan lahat ay nabubulag. Sa simula, binigyan ng naratibo ang tungkol sa isang taong biglang nabulag habang hinihintay ang ilaw trapiko na magkulay berde, isang magnanakaw na biglang nawalan ng paningin, isang doktor na gumagamot ng mga sakit sa mata na bigla na rin lang nabulag at isang pokpok na hindi talaga pokpok (ang labo, ah basta ganun!) na matapos ang dyugdyugan ay hindi na niya makita ang sarili niyang katawan.

Nandun pa lang ako. Pero may pananabik sa akin. Naalala ko ang nobela patungkol sa pang-amoy, yung Perfume. Tapos na ang ilong, mata naman ngayon. Hahaha.

Sa totoo lang, magastos ang mawala sa blogospero. Nakikita ko na lang ang sarili ko na kung hindi man kumakain ay bumibili ng libro na wala naman oras para basahin.

At oo, sa mga oras na ito ay nakabukas ulit ang blog ko. Mamayang gabi, iatatago ko muna ulit ito para iwas pusoy sa shiz na pinagtataguan ko. 

16 comments:

  1. ahhhh... kaya pala minsan nawawala ang iyong blog dahil tinatago mo... hindi pa nga ako tapos mag back read eh... open mo lang... we share a lot of common interests and I really like staying here sa iyong tambayan. it's like iskwater meets palaboy... i now know why Pao Kun also likes your blog.

    mukhang maganda ang book. dahil wala akong time magbasa, ikwento mo na lang sakin pag done ka na ha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. senyor, masyadong mabait si ser paokun para sa mga sinabi niya nung nafeature mo siya. gayunpaman, salamat.

      oo, medyo may hide en seek shiz ako ngayon. gusto ko lang na hindi maging ganun kapubliko tong espasyong ito.

      yung libro naku baka matagal pa bago ko matapos. sinisingit ko lang senyor sa libreng oras ko.

      Delete
  2. nyahahaha gary valenciano pala ang peg ng blog mo Sir, nawawala, bumabalik heto nanaman :). Interesting ang libro yung librong binabasa ko di ko pa rin tapos basahin medyo marami akong ginagawa ngayon ehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Madami din ako ginagawa pero nakakalahati nako sa binabasa ko. Okay yung nobela na yan.

      Delete
    2. ganun ba? sige pipilitin kong balikan at tapusin yung binabasa ko :)

      Delete
    3. o kaya naman bili ka na ng bago. hahahaha XD

      Delete
    4. pwede din yung manipis para madaling matapos basahin hahaha.

      Delete
    5. napaguusapan lang po natin, may inabot si Bunsong libro sa akin. Basahin ko daw at baka maging interesado ko at mukha ngang magiging interesado ako... Pagluwas ni Zosimo Quibilan, Jr. :)

      Delete
    6. Pagluwas (University of the Philippines Press, 2006) is a book of 52 short tales about passengers who board a bus, bound for Manila from the mountain city of Baguio, and subsequently get involved in a brutal collision. There are no fatalities. There are no survivors.

      -Mukhang ayos nga yan! Peram pagkatapos :)

      Delete
  3. Parang gusto ko yung istorya. Basta sana lang walang halong mga bampi-bampira dahil nakokornihan ako sa kanila. Hahahah!

    Maganda nga ang perfume.

    Natapos ang pang-amoy (perfume), pandinig (August Rush) at may book na ng paningin (blindness)... Darating kaya ang time na "tikiman" naman ang labanan? Hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron na ser patungkol sa pagkain o tikiman. Yung Like water for chocolates ni Laura Esquivel.

      Delete
  4. nice mukang intriguing ang plot ahh
    anyways dame mo natapos ahh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maganda siya ginoong mecoy. Basahin mo pag nagkaroon ka ng panahon :)

      Delete
  5. ay may pinagtataguan kayo sir? buti na lang laging bukas ito tuwing napapadpad ako hehe :)

    looking forward sa next review nyo sa story ng Blindness. mukhang maganda ung story.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku ser nung nagbasa ako ng mga libro na napost ko dito, hindi yata ako nagkaron ng maayos na rebyu. or naggtangka ako na magrebyu pero hindi ko napublish. nag eendorse lang ako at nag aanounce ng babasahin. mukhang hanggang ganun lang kaya ko.

      Delete