Kahapon, naisipan kong magbyahe papuntang Nueva Ecija. Wala akong kakilala dun maliban sa isang kaibigan na taga-Gapan at isang naging kaklase sa masteral na taga-Cabanatuan. Hindi ako sa dalawang lugar na yan pumunta.
Naglakbay ako papuntang San Jose. Walang kakilala, walang kaibigan. Gusto ko lang tumakas sa ingay ng lungsod at sa responsibilidad sa trabaho.
Kung mananatili lang kasi ako sa bahay, maiisip ko simulan ang maglinis ng kwarto. O kaya simulan ang pag aayos ng lektyur sa linggong ito para sa klase sa kolehiyo. O kaya magplano ng iskedyul ng preschool sa mga susunod na araw. O kaya tirahin ang papel ko sa masteral.
Pero sawang sawa ako sa ganyang shiz nitong nakaraang linggo. Medyo mabigat ang nakaraang limang araw kaya gusto ko sana na ang Sabado at Linggo ay panahon naman para sa sarili.
Kaya bigla akong napabyahe sa lugar na wala akong alam. Matapos ang medyo mahaba-habang paglalakbay, nagsettle ako na sa San Jose, Nueva Ecija ako magpapalipas ng gabi pati na rin ng Linggo.
Sa husay ng tadhana, biglang nawalan ng kuryente. Oo, buong bayan nawalan ng ilaw. Napocor daw ang dahilan. Ewan. Kung kelan nasa ibang lugar ako na walang kakilala, sadyang gusto ng kapalaran na wala akong gawin.
Napaisip lang ako patungkol sa sulat ni Senyor patungkol sa pagtingin sa pag-ibig bilang sugal. Hindi ako komportable sa game of chance kahit nung bata pa ako. May pagka-sigurista kasi ako na gusto ko ginagawan ko ng paraan para makamit ang kung ano mang minimithi ko. Ayoko na tsansa lang. Eto ang dahilan kung bakit hindi kaagad ako nakakomento sa post niya.
Kung tutuusin, tama naman na may kasamang risk ang pagtatapat ng pag-ibig. Pati na rin ang pagbibigay ng puso sa iba. At hindi ito malayo sa mga naging karanasan ko. Madalas dehado. Kasi oo o hindi lang naman ang kalimitang sagot na hinihintay ko. At singkwenta porsyento lang ang minimum chance na papanig yun na pabor sa akin.
Kaya lang, habang nag-iisip ako kahapon, habang nasa malayong lugar at tanging alaala at kadiliman lang ang kasama, napansin ko na habang patuloy akong umiibig, mas nagiging matalino ako sa paggawa ng desisyon. Mas nagiging selfless dahil mas hindi naghahanap ng kapalit pero mas nagiging wais na hindi buong buo ibibigay ang puso hanggang sa puntong hindi ko na gustong mahalin ang sarili dahil naibigay ko na ang buong pag-ibig sa iba.
Na habang mas sinusubukan ko na magmahal ng mas tapat sa sarili at sa iba, mas nakikilala ko ang layo at hangganan ng kapasidad kong maging maunawain. Mas nakikita ko rin kapag lumingon ako sa nakaraan ang mga maling shiz na ginawa ko noon na naka-damage lang sa taong mahal ko, at kung paanong sa proseso nasira ko rin ang sarili ko. At sa paglingon sa nakaraan, mas pinapaalala ko sa sarili ko na hindi na muli gagawin ang mga boplaks na desisyon na ganun.
(Minsan, nauulit ulit ang boplaks pero hindi na kasing tindi noon. Mas bumababaw. At mas nagiging madalang. Nangangarap ako sa susunod, wala na yang mga boplaks na nagawa noon.)
Na sa proseso ng paglalakbay sa paghahanap ng pag-ibig, mas natututunan ko na patawarin ang sarili sa mga mali kong nagawa. Mas inaalagaan ko na rin ang sarili na kapag alam kong mauubos na ang love tank ko, kelangan ko muna umatras ng bahagya para alagaan ang ilang sugat, pagalingin, at kapag nasa proseso na ng paghilom, magmamahal na ulit. Hindi lang ng iba, pati na rin sarili.
Kaya nga kagabi, habang nasa lugar ako na walang nakakakilala sa akin, at habang walang kuryente sa lugar na yun, naisip ko na mas angkop na ang pag-ibig ay parang pag-aayos ng kwelyo matapos ang mahabahabang paglalakbay.
Naandun ang pagkalugod sa karanasan, pag-iyak pag nagkamali at nasaktan, pagtawa at pagdiriwang kapag masaya. Pagtutuwid ng mali. At pagkatuto sa karanasan. Para mas maging karapat-dapat na mangingibig. At sana, maging isang karapat-dapat na iniibig din.
Salamat sa mention...
ReplyDeleteNapaisip ako sa iyong mga kaisipang nabahagi... pero... matapos man ang malayong paglalakbay, maisaayos mo man ang kuwelyo, gaano man sabihing handa at karapat-dapat ka bilang isang mangingibig, walang kasiguruhan sa pagdating ng tunay taong kayang punan ang mga pangangailngan ng iyong puso... Dumating man, 'di natin alam kung napadaan lang o pangmatagalan. Hindi ba tayo susugal hawak ang pag-asa ng matamis na bukas?
Kahit labis tayong handa ay isang posibilidad pa rin ang mabigo. Sa buhay hindi lamang sa pag-ibig, palasak ang pagbabakasakali.
Sobrang madugo sa isip ang post na ito dahil napapanahon BALENTAYMS....
Ang punto ko lang senyor ay halip na mas tingnan ang bahagi ng pagauaugal ng puso at buhay, mas nanaisin ko na tingnan ang pag ibig bilang proseso ng pagiging mas matalino, mas malawak ang pang unawa, mas nagtitiwala sa iba at mas nagpapatawad ng sarili. Sa ganitong pagtingin, hindi na mahalaga kung manalo o matalo.
Deletehaaaayyyy... pag-usapan natin to over a cup pf coffee...lol
Deletekung sa venice tayo magkakape, sasama ako. :)
Deleteyan ha... usapang matino yan sir... venice lang pala...I have multiple visa...lol
Deletebeing alone is entirely different from being lonely. wanep!
ReplyDeleteSiyang tunay ser chee. Sa punro ngayon, mas enjoy ko maging binata at nag iisa :-)
DeleteDi ka ba natakot na brownout? naku..saan ka tumuloy dun?
ReplyDeleteNakituloy sa isang bahay.
Deletenino? friend?
Deletehindi kakilala :) naging kakwentuhan dun :)
Deletewow. :) Nakituloy sa bahay ng hindi kakilala. Parang mga movies lang. Galing!
DeleteMasaya ang buhay probinsiya :)
Deletehangad ko po na maging maayos ang paglalakbay mo sa daan papunta sa lugar ng pag-ibig at maipanalo ang sugal na iyan ginoo...
ReplyDeleteSer rix, salamat sa panalangin. Hindi ko siya nakikitang sugal. Kaya alam kong pag umibig ako panalo na kagad yun.
Deleteayun oh! yan ang maganda laging positibo. Mabuhay ka ginoo :)
DeleteI have my shares of pity parties. Kaya lang, palagay ko hindi na ganun kafatalistic ang pagtingin ko sa pag-ibig at buhay katulad noong nakaraang dalawang taon.
Deleteehehe ganyan naman po talaga ginoo, dumarating talaga ang punto na nagiging mas masususi tayo mag-isip at mag-analisa ng mga bagay dahil sa mga napagdaanan natin :). Teka bago ito, ngayon ka lang po sumagot ng english sa mga komento mo. Ser dont english me, im panic... biro lang po ehehehe.
DeleteAy ganoon ba. Minsan naman umi-english din ako :)
Deletegrabe di ko ata kaya gawin yung ginawa mo kasi takot talaga ko
ReplyDeletepumunta sa lugar na di ko alam at malayo pa!
anyways tong si senyor ee my point nman talaga sugal ang love
pero sa tingin ko di naman porke susugal ka ee dapt mo nang itaya ang
lahat kasi pag ginawa mo yun olats ka talaga sa huli
yan eh kung sa mali ka tumaya... kailangan ng mga wais na tips...
DeleteSer mecoy, kapag nakatuon lang ang pagtingin s pag ibig bilang sugal, sadyang laging may pangamba kung panalo ba o talo sa pagtaya. Umibig ka na lamang ng wagas at mabuhay. :-)
Deletenakakatuwa at tinay tayong may matibay na paninidigan sa ating magkaibang opinyon tungkol sa pag-ibig...
Deletesenyor, natutuwa nga ako sa diskusyon na naidulot ng paglalabas mo ng kaisipan (thesis) na nagdulot sa akin na maglabas ng panibagong kaisipan (antithesis). naway may panibagong kaisipan na mailabas mula dito sa mga shiz na ginawa natin :)
DeletePareho sa ugaling sigurista. Hindi ako basta-basta tumataya, minsan sa sugal ay nanghihinayang pa sa pera pero sabi nga nila, paano mo daw malalaman kung mananalo ka o matatalo kung hindi ka tataya? Ang hirap namang makipagsapalaran pero siguro wala din namang kasiguraduhan sa mundo. Sabi ng kaibigan ko, magtira daw ako ng perang pang-inom namin, para kahit matalo ay may pang-inom parin. Mukha siyang seryoso... Mahilig ding akong tumakas, hindi sa mga utang pero sa ilang mga bagay.
ReplyDeleteParte ng defense mechanism natin ang umatras ng bahagya para makabwelo.
Deletei tried traveling alone, pero di gaya ng ginawa mo sir. kung baga nag so soul search ka bago ang valentayms?
ReplyDeleteDi naman purong soul search. Naghanap lang ng ibang espasyo. At nag enjoy. :-)
DeleteSana sinama mo ko, pero di tayo mag uusap. Kaso Baka iyakan Lang Kita..
ReplyDeleteKiss jla, sasama kita sa susunod. Maghahanap ako ng bayan na may pyesta. Makikipagsayawan tayo sa probinsiya.
Deleteang dami kong narealize habang binabasa ko to pati na rin yung mga comment ang dami kong gustong itanong at iput up into ang argue pero wag na muna siguro ngayon. haaaay
ReplyDeleteMiss superjaid, sige lang. Okay ang espasyong ito para sa diskusyon. Walang tama at maling tanong. :-)
DeleteMagawa nga yang klaseng adventure -- yung magpunta sa isang lugar na wala akong alam. Hindi ko pa talaga nagagawa yung ganun. Very liberating siguro. Parang tinatapon mo kahit sandali yung mga trabahong dapat tapusin. :-)
ReplyDeleteSabagay, sawang sawa na rin ako sa mga malls dito sa Manila.
naku ser peter. magandang adventure yun. walang kasiguraduhan. pero nakakabuhay ng kaluluwa :)
Deletehabang naglalakbay sa kawalan, marami bang magagandang chiks at dilag sa Gapan at Cabanatuan?
ReplyDeleteMarami Ginoo. Iba ang mga dilag doon.
Deletewow! naisip mo yun habang nasa ibang lugar ka at walang kuryente... ako kasi kapag nasa ibang lugar at walang kuryente, naiisip ko ay mga multo at maligno.. pero ako lang naman yan..
ReplyDeleteat ang lalim ah! pag-aayos ng kwelyo.. ang galing!
ako kasi kung ganyan ako mag-isip, iispin ko na ang pag-ibig ay parang pagkain ng fishball, naghihintay ka ng tamang pagkakataon kung kailan mo ito dapat tusukin, at kapag natusok mo na, sinawsaw sa sarsa at sinimulang isubo.. mapapaso ka... at walang connect ang pinagsasabi ko.. pasensya na 'pre.. ehehehehe
ser pot, natawa naman ako sa fishball illustration mo. nung una, akala ko may sexual innuendo. pero wala naman palang connect :P
DeleteAng galing, pareho tayo ng paraan ng paguunwind, pag alis at paghahanap ng bago, ganyan! Ang pinagkaiba, dapat ang pupuntahan ko yung may kakilala ako, makikipagkwentuhan pero hindi about sa "nilayasan" ko.
ReplyDeleteRisks, chances, naalala ko lang, andami kong ganyan!
Break away!
Oo nga ser pao. Matagal ko nang hindi nadinig yang break away na kataga. :)
DeleteThat term reminds me so much of high school memories.