Wednesday, January 30, 2013

Ubas.

Mahilig ako sa ubas. Yung pinakapaborito ko yung maitim na maitim, matamis at walang buto. Ganung pagkain, okay nako.

Pero dahil maliit lang naman ang budget ko para sa burgis na pamumuhay, iyang ganyang ubas ang binili ko. May matamis at may maasim. Pero lasang lasa ang mapakla na aftertaste.

Nagdadala ako sa faculty room hanggat maari. May refrigerator kasi doon na parang sira ang thermostat. Kaya lumalamig ng todo ang ubas matapos ang tatlong oras na pagkakalagay doon. Hindi nagyeyelo pero halos nasa ganon ang temperatura.

Nakakatawa kasi nagkwekwento ako ngayon na parang kausap ko ang mga kaibigan kong blogero. Kaya lang dahil nakatago ito pansamantala, alam kong wala din naman makakabasa nito.

Eto ang afterthoughts, monologue version. Hindi masaya.

10 comments:

  1. Nyahaha uu nga Sir parang online diary lang pero ok lang yun. sabi nga nila walang basagan ng trip. ito ang trip mo kaya walang pakialamanan ehehehe.

    ReplyDelete
  2. Online diary nga! Pero parang ang lungkot.

    Hindi ako mahilig sa grapes, pero nakain ako nyan ng madami pag meron dito sa bahay. Ibig ko sabihin, hindi ako natatakam bumili ng grapes pagnakikita ko sila sa daanan. Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku ser pao, ayan ang isa sa mga gusto kong prutas bukod sa durian, strawberry, caimito, melon, mansanas, saging, sampaloc, aratiles at pinya.

      Delete
  3. nakatago ba? hindi naman eh... fave ko rin ang ubas...

    ReplyDelete
  4. dame mong post naun ahh
    anyways nakakaadik ngumata ng ubas
    kahit ayaw mo na isusubo at isusubo mo pa din haha

    un ee base sa exp ko haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser mecoy, matagal na yan. hindi lang publicly published kaya ngayon lang nakita.

      Delete
  5. mas gusto ko ang prutas na malamig, nasanay ata ako... kahit anong prutas kailangan palamigin ko muna para sa refreshing kainin.. ewan ko ba.. weird ako... hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. weird ka talaga ser pot. ikaw lang ang kilala kong sasali ng paligsahan para may pang laser sa kilikili.

      Delete