Wednesday, January 9, 2013

Ang makainuman ka

kasama ang isang malamig na pale pilsen
ay mas maaliwalas sa pakiramdam kesa sa amoy ng hinog na palay sa bukirin
o kaya naman ng amoy ng mga bagong buka na bulaklak ng mangga sa umaga
Mas kapanapanabik kesa sa paghihintay na lumubog ang araw sa dalampasigan
o pagpili ng mga pinakamaniningning na mga bituin sa hatinggabi.

Ang kwentuhan kasama ka  at ng isang boteng serbesa
ay mas masarap kaysa sa pinakamalasang embutidong manok sa pyestahan sa aming bayan
o kaya mas nakakapatid uhaw kesa sa tubig mula sa pinakabatang niyog sa may kapatagan.

Mas nanaisin ko na kasama ka ngayon
Kesa manalo ako sa Palanca
O kaya mabigyan ng pagkakataon na humigop ng espresso ng Italya.
Hindi ko ipagpapalit ang pagkakataon na ito
Sa alin mang ganda ng pagkakataon na libutin ang mundo,
pati na ang pagsilip sa mga sinaunang gusali sa Gresya.

Mas pipiliin kong makinig sayo at tanging sayo
Ang mga kwento ng karanasan mo kaninang umaga sa pagsakay ng tren
At sa sinabi mong paghahalo ng amoy ng usok ng sigarilyo ng katabi mo sa dyip sayong buhok
Kesa hindi ka makasama ngayong gabi.

Ang makainuman ka
ang tanging magandang nangyari sa akin nitong nakaraang tatlong taon
na hindi tayo nagkita.
At kung pwedeng ulitin ito ay nanaiisin ko
higit sa kahit ano pa man
na pwedeng ipagkalooob ng  mundong ito
na walang saysay kung hindi kita makakasama.

42 comments:

  1. Relate!!! :)) Ang bibigat ng comparisons. (Pag dating sa pagkain mabigat pala HAHAH!)

    Ewan ko, bigla akong nauhaw literally: "o kaya mas nakakapatid uhaw kesa sa tubig mula sa pinakabatang niyog sa may kapatagan."

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha. ganyan talaga ser. fresh ako mula sa bakasyon sa bukid. kaya may sabaw ng buko talaga :) hihi.

      Delete
  2. astig ng tula. gusto kong iprint!

    ReplyDelete
  3. ang ganda...

    i wanna know your inspiration when your wrote this... galing...

    Feeling ko may nabitin lang kasi may hindi naisakatuparang bagay matapos ang inuman... hmmnnn...

    Alam kong hindi madali makagawa ng ganito kagandang tula Bro so hanga ako sa iyo...

    I hope to read more ha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. senyor, inspirasyon ko ay kayong lahat. lakas showbiz? haha.

      Delete
  4. Hmmmmm...curious ako hahaha sino ba yang gusto mong makainuman ulet? Malalim ang mga pinanghuhugutan ah....

    ReplyDelete
    Replies
    1. si aling bebang, 68 years old na taga kabilang kanto. haha :)

      Delete
    2. HAHAHAHA! Maluha luha nako, tapos malaman kong si Aleng Bebang. Hahahaha!

      Delete
    3. Sh*t ka! Full on drama queen ang peg ko ngayon! The poem captured my feelings towards special someone. Sigh! bad trip! nabasa ko pa.

      May special moment ka din pala. Sa akin iba. Hindi inuman. Yung eksena na nasa train station kami. Siguro dahil hormone-driven pa ako at bata pa. But i will never forget that moment at the train station.

      Isa aalis, isa maiiwan. Pero nung nagpaalamanan kami, ang intense nung moment at nung emotion na pagyakap mo sa kanya para magpaalam. Napakalapit namin sa isa't-isa na parang ayaw mo siyang bitiwan.

      Yon talaga ang mga moment na hindi mo maipagpapalit. At makalimutan mo na ang lahat wag lang yon.

      Napaisip lang ako sa mga first verses. Life is offering you peace and quiet. Lahat ganung ang hanap. Yung simplicity of life. But you would still want something that seems very banal pero makabuluhan sayo- ang makipag inuman kasama ang minamahal. Parang walang kwenta, walang romansa, walang beauty, but the very beauty of it is in the fact that such banality can procure you the happiness you've been searching, the peace in your heart, and that big and abounding love.

      Sa third stanza (at assuming lang ako)...

      even if life offers a breakthrough in your passion for literature (Palanca...), a great honour in the Filipino literary scene, or the chance to see the world and share the glory of great men and great schools are nothing compared to the stories and thoughts the beloved share with the poet. it allows him to reach places, feel things, and understand life without moving away. All the poet needed is to be in the company of the beloved while drinking beer.

      At sa huli, talagang walang saysay ang mundo. Na imagine ko na minsan kung ano ang mangyayari sa akin kapag namatay ang iniirog. Mahirap mag move one. baka hindi ko nga rin kayanin ang mag move on. Sh*t naman!

      Ayoko ng ganito! Tagos sa puso!

      Delete
    4. syempre minura mo ako ser tripster.

      Delete
    5. at nahiya ulit ako magcomment sa sarili kong site dahil sa malablog mong pagbasa at pag-analisa sa aking ginawang tula.

      para tuloy akong nasa palihan. :)

      Delete
  5. gusto ko tuloy uminom. hahahaha. mababa EQ ko eh. charots. pero well written. hindi ako makagetover sa "buka" na word. ako na bastos. ikeclaim ko na yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku miss nyabachoi, walang bahid dungis ang paggamit ko ng salitang buka sa tulang yan :P

      Delete
  6. Isang bote lang? dapat isang case sir haha.

    ReplyDelete
  7. Aling Bebang aka also Bitoy ba yan ng Bubble Gang hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay ser jjay, di ko alam na may karakter pala na bebang sa bubble gang. haha.

      Delete
  8. Sino ang gusto mong makainuman? Lubha siguro niyang napakahalaga sa iyong buhay at napamahal na... Well writen.

    ReplyDelete
    Replies
    1. guni-guni ko lang ser ang gusto kong makainuman.

      Delete
  9. haha di ako nainum pero naeenjoy ko ang inuman ng dahil sa pulutan
    at walang katapusang tawanan at kwentuhan
    haha
    di ko alam na my bulaklak pala ang mangga ginugle ko pa haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. at pinaghalong amoy hinog na chico at kalawang ang amoy ng bulaklak ng mangga ser mecoy.

      Delete
  10. Marahil sa inuman na yun ay hindi natuloy ang iyong binabalak,
    Kaya ikaw ngayo'y lubhang nananabik sa pag-inom ng alak,
    Kapag kayo'y nagkasama ulit sa sunod na pagkakataon,
    Sulitin ang bawat oras, at namnamin ang tamis ng inyong kahapon.

    (Oh ha? Rhyming yang comment ko. Haha!)

    ReplyDelete
  11. alam kong hindi si aling bebang,
    ang babaeng iyong inaasam-asam.
    dahil sa bawat salitang iyong sinulat,
    mukang espesyal ang iyong nakadaupang-palad.
    pero sabi nga ni ser SOB, aw! kay saklap!
    sapagkat hindi nakaboompow ang iyong nakaharap!

    Nanggaya lang kay ser SOB. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser gord, mas kontemporaryo ang iyong estilo ng pagtula.
      hahaha!

      natutuwa ako na patula ang iniwan niyong komento dito :)))

      Delete
  12. At sino kaya ito...hahaha!gawin mo na kayang isang case na beer...hahaha! galing!

    ReplyDelete
  13. da hu? haha.

    "kapag may alak, may balak!"

    da best!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku ser wala akong balak, saka isang bote lang yan ng pale pilsen. :)

      Delete
  14. Replies
    1. may palagay akong naintindihan mo. papaunlakan ko yang yaya na yan sometime soon.

      Delete
  15. ako'y natuwa sa'yong tula..
    ramdam ko ang bigat sa bawat salita..
    nais ipahiwatig ay damang-dama..
    sa inuman, balak ay di nagawa..
    kaya ikaw ay nais pang umulit..
    kaya isang tagay pa sa taong sabik..

    sinubukan rin tumula ^_^ hahahahaha.. ang ganda lang hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser aj, maraming salamat sa tula mong kumento. Seryoso, natutuwa ako ngayon sa inyo na patula ang pagtugon sa ginawa.kong tula.

      Delete
  16. ang bigat naman ser..inuman lang yan ha.. sino ba ito..nakakaintriga naman..
    pede wag beer? tummy conscious na ako..lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si ana, lorna at fe yaj. Mga Alabang girls. Haha.

      Delete
  17. hmn... ang lalem... teka lang babalik ulet ako ha. sobra kasing ma-emosyon after mabasa gusto ko na naman tuloy maki-ride sa comment ni Mr. Tripster ha ha ha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat miss balut. ay teka, alin ang malalim, ang tula o ang komento ni ser tripster. haha XD

      Delete