Pasintabi sa mga kaibigang blogero.
Biglaan ang pagkawala ko at hindi man lang nakapagpaalam. Hindi ko gusto na itago ang mga sinulat ko. Pero sa ngayon ay hinihingi ng pagkakataon. Hindi ko kasi gustong mabasa ng ilang taong katrabaho ko ang maliit na mundong ito na personal para sa akin.
Hindi ko kinakahiya ang mga kabalbalan ng mga ideya ko. Pati na rin ang pagkwekwento ng walang kwentang buhay ko (o buhay ng iba). O kung paanong naging mukhang mas interesting ang buhay ko bilang kwento kesa sa tunay na buhay. Pero masyadong banal ang espasyong ito para sa akin kaya masyado akong nangangamba kapag may mga kakilalang nakakapasok sa site na ito.
ah yun pala yun. Magba-back read sana ako kaso di available yung page nyo ehehe.
ReplyDeletepasintabi na ser rix sa abala.
Deleteok lang po :)
Deletesyempre ang galang at ang pormal :P
Deleteuu nga pansin ko Sir ahahahaha.
Deletehindi ako pormal ginoo. isipin mo na lang na pangkanto yung tono kahit parang pormal yung salitang gamit
DeleteAyos lang pakiramdam ko ay tila nasa lumang panahon ako ahaha.
Deletehahaha. para tuloy lumalabas na ang tanda ko :P
Deleteoh man. daming nawalang gold nuggets of fucking lessons dahil sa mga fucking non sensical na tao. raaaaaarr
ReplyDeleteser chee, ikaw yata ang medyo nagbakasyon sa pagsulat. mayat maya ko pa naman binibisita ang espasyo mo. busy ba?
Deletebusy sa pagiging tamad, ser. subukan ko uling magsulat. good to see na meron na uling older entries!
Deleteayan, sakto. mas okay ang blogosphere pag may entries ka.
DeleteAndami agad posts, dito ko mag uumpisa magbasa to latest. Hindi ko alam kung nasaan ako ng mga panahong ito. Hahaha!
ReplyDeleteser pao, alam mo naman ang konteksto ng pagkawala kaya ayos lang :)
Deleteala bigat naman sa pakiramdam na idelete or otago mo ung pinagpaguran mong post
ReplyDeletepero since maganda ang layunin mo suportanta ka
ayos lang naman. :)
Deletekwento ha. can't wait to hear about it...
ReplyDeleteyes mam. bring my cucumber shake. hahaha XD
Deletekaya pala biglang nawala.. :)
ReplyDeletesa totoo lang nararamdaman ko rin ang nararamdaman mo.. yung tipong masarap magkwento dito kasi sa espasyong ito pwede kang magsaad ng nangyayari sa totoong buhay na di ka nila ijujudge ng basta-basta.. natatakot rin ako minsan kapag may isang kakilala (sa realidad) ang nagbabasa ng mga gawa ko..
o pwede din naman na mas processed na ang pagkatao na pinoproject ko dito sa blog nato. minsan pakiramdam ko nakagawa na ako ng ibang karakter sa espasyong ito.
Deleteganun ata karamihan ng blogger.. nailalabas nila ang sarili nila na di nila maipakita sa labas ng blogosperyo.. di ko naman sinasabing masama ito, pero dito kasi sa lugar na ito minsan nahahanap mo yung salitang 'fulfillment' na mahirap makita sa labas... :)
Deleteoo nga. para ko tuloy naisip na ang espasyo sa blogosphere ay labasan ng mga tao ng kanilang ideal self :P
Delete