Friday, January 25, 2013

Bookshelf ni Palaboy

Ayan ang mga librong gamit ko ngayon sa pagtuturo ko sa kolehiyo. Nangangamba nga ako kasi mukhang dumadami ang mga librong kinukuha ko sa pagtuturo. Nasa unang taon pa lang ako s unibersidad. Pag nagkataon, baka may sarili na akong aklatan sa ikalima kong taon. Tamad kasi akong lumabas ng cubicle ko kapag nag-aaral at naghahanda ng lektyur. Kaya kumukuha ako ng sarili kong kopya ng mga librong kailangan ko.

Hindi syempre kasama diyan ang mga binili kong libro na fiction. Nasa bahay lang. Baka maging bundok ng libro ang espasyo ko pag sinama ko pa.

May "kontobersyal" diyan na libro na siyang laging napapansin ng mga estudyante at kaibigan bumibisita sa akin. Zoom, zoom na lang. Hahaha.


----------
Alam kong wala pa rin makakabasa ng entry nato.

8 comments:

  1. Ahh, pwede pala mag post kahit ganun.

    Syempre nagtry ako hanapin ang kontrobersyal na book! Pero bigo ako. Mind in society lang ang kaya kong basahin! At hindi ko alam kung tama ang pagkaaninaw ko. hahahah!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo ser pao, pwede pa rin magpost. Hindi lang nababasa ng iba.

      Pakita ko na lang sayo yung kontrobersyal na libro minsan pag dumalaw ka sa unibersidad. In the future :P

      Delete
    2. Yie. hahah! Imbitasyon ba yan? hahaha!

      Delete
    3. Oo. Wag lang nitong linggo nato. Hanggang ngala-ngala ang skedyul ko. Ginawa ko na nga ang lesson plan at pag aayos ng mga exams at kung ano-anong mga shiz hanggang Marso. Mahirap nang baka may makalimutan na gawin.

      Delete
  2. sanlaksang libro ang iyong pag-aari... mga hindi mapapantayang yaman...ganyan...

    mukha naman mahal na mahal mo ang pagtuturo so magagamit mo talaga ang hilig sa pagbabasa...

    ReplyDelete
    Replies
    1. senyor, mahilig akong magbasa at gusto ko ang pagtuturo. sana gusto rin sa akin ng unibersidad. hahaha XD

      Delete
  3. wow ka dami naman nyan ako din madame libro
    tanbak ng tita ko haha mga preschool books haha
    sarap i donate kung aking lang sana

    ReplyDelete
    Replies
    1. anong preschool books meron ang tita mo? mga stories for children o textbooks?

      Delete