Sunday, January 20, 2013

Self-centered na post 2

Hindi ko matapos-tapos ang modelo ng programa na ginagawa ko para sa mga kabataan sa kulungan. Noong Abril ko pa sinimulan ito. Sa Martes ko na dapat ipakita sa adviser ko sa Masteral para mapulido para sa presentasyon sa Sabado. Mga clinical workers ang uupo na panel kaya hihimayin ang teorya at praktis sa modelo na kinakana ko.

Simple lang naman ang layunin ng programa na binubuo ko. Magkaroon ng rehabilitasyon ang mga bata at kabataang nangangailangan nito at hindi lamang bigyan ng parusa ang mga nagkasala. Ang paglabag sa batas, lalo na ng mga kabataan ay isang malalim na usapin ng kahirapan, karahasan, maling pagpapalaki ng magulang at kawalan ng panglipunang hustisya. Hindi ito basta-basta masusolusyunan ng pagkukulong o pagkundina sa kanila.

Ginagapang ko ang pagbuo ngayon ng konsepto ng counseling at psychotherapy. Buo na kasi ang konsepto ng service delivery ng case management. Kulang lang ang pagtugon sa pagbibigay ng therapeutic intervention.

At mukhang nangangailangang lumabas ako ng kwarto at magtrabaho sa ibang lugar para bumuhos ang ideya.

Sa kabilang banda...

Sa Biyernes na ang uang pagsusulit sa semestre ng mga bagets na tinuturuan ko ng kurso patungkol sa relasyon sa pamilya. Ang exam ay patungkol sa mga teorya sa pag-intindi sa pamilya, pati na rin ang mga teorya na may kinalaman sa pag-ibig,

Hindi ko pa buo ang pagsusulit. Nasa ikatlong rebisyon na ang ginawa ko. Yung unang draft, masyadong mahirap. Nung binago ko, masyadong madali. Ang hangad ko ay hindi sila mahirapan o madalian pero makita at masuma ko bilang guro kong nasa anong lebel na ang pagkakaintindi nila sa teorya ng tinalakay sa klase. Nasa ikatlong taon na sa kolehiyo ang karamihan sa mga estudyante ko kaya dapat mas malalim na ang kritikal na pagtingin nila sa mga bagay-bagay.

At bago ko malimutan...

Malapit ng mag-isang taon simula ng inubos ko sa pagdokumento ng buhay ko sa espasyong ito. Habang tinitingnan ko ang mga nakaraang mga sinulat, iniisip kong burahin na ang espasyong ito. Nakakahiya.




32 comments:

  1. naka-nose bleed ang post na ito kahit pa nakalapat sa wikag Filipino...

    Hinggil sa Juvenile Delinquency ang unang bahagi at ako ay sang-ayon sa mga naturan mong ugat nito... Gudlak sa panel... As usual, kaya mo yan....

    Sa exam, pinaiiral mo na naman ang iyong overthinking skills. Try mo na lang paghaluin ang na at ikalawa mong nagawa para swak sa sakto ang hirap ng pagsusulit.

    'Wag mong burahin ang espasyong ito o ang kahit ano pang mga posts mo in the past... Sila ang kumumpleto ng pagiging ganap mong blogger at ang dahilan kung bakit kami nandito reading your works... Again, chill ulit...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Senyor, ang bilis mo tumugon. Mas mainam na salita sa nose bleed ay Epistaxis. Ganyan. Haha.

      Yung huli kong exam, naka anim yata ako na rebisyon. Hindi na nga ako masyado nag-ooverthink.

      Salamat senyor sa mabait mong mga salita.

      Delete
  2. galing ni titser :-) idol na kita ... kung ako siguro ay nagpatuloy sa pagtuturo ganun na ganun din siguro ang maiisip ko pagdating sa paggawa ng exam para sa kanila..

    - nakakahiya talaga magbacktrack ng mga nasulat na jajajaajaja :-)

    - tagal mo na ding blogger ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. mag iisang taon pa lang ako dito ser sa blogspot. mas matagal ako sa multiply :P

      Delete
  3. nagcomment ako pero bakit nawala ...

    - galing mo titser idol na kita

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ser kulapitot sa patuloy na pag affirm sa akin. tumataba ang puso ko :)

      Delete
  4. Waah, parang sunod sunod yata ang mga nag-aalisan sa mundo ng blogosperyo. Mukhang nagbabadya na rin kayo sir, waaag!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser fiel, may pakiramdam kasi ako na lumiliit na ang mundo ko kaya naiisip ko na magdelete. wala pa naman pinal na desisyon. :)

      Delete
  5. Sir, matatapos mo din yang programang ginagawa mo. Kaya mo yan.

    Sa mga istudyante mong mageexam goodluck sa kanila.

    Ako rin naman sa twing binabalikan ko ang mga nakaraang post ko parang gusto ko ring burahin. Nanliliit kasi ako sa hiya. Wag mo nang burahin sir. Hindi talaga mawawala yun sa isang blogger. Kung ano man o kung sino man tayo ay napapaloob sa mga blog na'tin. Sabi nga ni senyor lahat ng post mo ay syang bumubuo ng pagiginip ganap mng bloger.. Sila ang kumukumpleto sa isang overthinker palaboy.

    Mabuhay tong espasyo mo. Binabati na rin kita ng maligayang isang taon sa pagsusulat dito. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat ser archieviner sa pagbati!

      wala pa akong naaambag sa programa ngayong araw nato. mukhang mag CBTL nako kasi di na talaga ako nakakagawa dito sa kwarto ko.

      dun sa pagkahiya sa mga dating sinulat, ang maganda dito, i'm a little smarter than the day before :)

      Delete
  6. Sir isang kalapastangan ang iyong binabalak wahaha...kidding.

    Wag mong buburahin kasi sayang ang mga ideya na iyong naibahagi sa amin. Lahat ng iyong panulat ay humulma rin ng iyong pagiging writer. Marami kaming natutunan sa bawat post mo. Lahat tayo ay may nai si share na kaisipan sa bawat isa. We thrive, we survive, we will stay.

    Hanga ako sa iyo bilang isang professor. I know where ypu come from because I was once in the field of teaching and I enjoy it so much. It is just that I dreamed bigger kaya nag level up lang ako into other field. Pero sa hulit huli babalik pa din ako sa pagtuturo whatever way or form may it be.

    Kapit lang. Sabi nga the meaning of life is by giving it a meaning (borrowed qoute lang yan).

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku ser jjay, palagay ko ang mga sinulat ko ang hihila sa akin pababa sa hinaharap. pakiramdam lang naman :P

      pero maraming salamat sa encouragement sa mga verbal diarrhea ko.

      Delete
  7. Kaya po yan... Push :)... good luck po.

    ReplyDelete
  8. napakagandang proyekto nyan at napapanahon
    ay siyang dapat pagtuunang pansin

    tsk bakit naman buburahin!isanga malaking kamalian yan parekoy
    isa kang malaking kawalan sa bloggosphere

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser mecoy, medyo alam ko na kung paano kakanain yung papel. tinatamad lang akong simulan magsulat. uumpisahan ko na mamaya ng konti.

      Delete
  9. oh bakit mo naman buburahin ang espasyo mo? hindi ka na ba nag-eenjoy dito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. nag eenjoy naman. natatakot lang kung paano ko kina- cannibalize ang sarili kong buhay sa site nato. baka balikan ako ng sarili ko. ganun shiz.

      Delete
  10. May paparty ka ba palaboy for your one year on the blogospher? kahit noodles oh? lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. I was supposed to give out CBTL planners. Kaya lang may mga humingi, binigay ko na.Nakakatamad magbigay ng pakulo. Gusto ko lang mamigay.

      Tapos magpapaparty dapat ako sa ilang kaibigan na writer sa unibersidad kaya lang yung kulungan kung saan ako nagbibigay ng psychosocial intervention, humingi ng tulong para sa ilang materyal na bagay. Ayun. Ubos ang budget. Haha.

      Bottomline, walang panoodles. Hahaha.

      Delete
    2. ser june, nabigay ko na lahat... wala na... :(

      Delete
  11. kaya yan! magagawa mo'ng tapusin yan. challenge kumbaga :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko pa rin tapos. pagod nako. bukas na lang ulit ng madaling araw. salamat sa encouragement :)

      Delete
  12. wow! ang galing.. ikaw na! ituloy mo yan, maganda yan para magkaroon ng awareness... nakakabilib...

    ReplyDelete
    Replies
    1. awareness doesnt change anything kung walang action ginoong potpot :) yehes. ang seryoso ng tugon ko :P

      Delete
  13. Ang ganda ng adhikain niyo ser. Ituloy niyo lang yan!

    At please, wag mo burahin itong blog mo. Ikaw ang isa sa nagpapadugo ng ilong ko sa lengwaheng pilipino. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag-iisipan pa ser gord. pinagmumunimunihan pa lang naman :)

      Delete
  14. ay t@ng!n@?! ba't mo buburahin? sayang naman! tsaka da-dalawa na nga lang tayo palaboy!! ehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Syempre may mura talaga :-P

      Kinoconsider pa lang naman. Mas napapag isipan ko siya ngayon kesa noon n sumasagi lang sa utak ko. Wala pa naman pinal na desisyon ser denggoy.

      Delete
  15. At eto po ang dahilan kaya ko nalamang naka private ang blog nyo. Hahaha! Binisata ko na ito nung time na medyo antok na ako, pero hindi ko na nagawang basahin dahil sa kulay nalalong nagpaantok sakin! kaya naisip kong balikan nalang, pero bigalang nawala! Hahaha!

    Gusto ko yung paraan nyo kung pano kayo gumawa ng exam. Hindi mahirap, pero hindi madali. ;) Sapat lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku ginoo. Isa lang ang nakauno sa exam ko. Ang average nila yata sa ngayon ay nasa dos. May dalawang singko. Pero kumpara nung nakaraang semestre mas mataas ang resulta ng exam nila.

      Sa palagay ko, mas naipaliwanag ko rin ng mabuti yung mga lessons. Hahaha. Sukatan din kasi ng teaching effectiveness ng guro ang mga exams.

      Delete