Pero bago pa ako tuluyang magreklamo sa aking trabaho na palagiang kong nakikita sa FB, blogsites at twitter accounts, magpapakita na lamang ako ng ilang larawan ng mga gusto kong ikwento. At gusto kong maalala kapag babalikan ang nakaraan. Tutal, masaya at kontento naman ako sa trabaho ko sa kabuuan.
Ang departamento namin ang nakatalagang gumawa ng parol na itatampok ng kolehiyo para sa taunang labanan at pagdiriwang sa unibersidad. Ang napag-usapang tema ng aming parol ay "Ang tibay ng tahanan ay tibay ng bayan." Ayan ay dahil espesyalisasyon ng mga tao sa kolehiyo ang ekonomiyang pantahanan lalo na ang pagtugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
Gawa ang parol na yan sa mga patapon na gamit at mga basura na mismo. Nilinis, hinabi at nilagyan siya ng ilaw kaya mukhang bago at maganda.
Isang kakaibang regalo ang natanggap ko sa isang tsikiting sa preschool. Table napkin holder yan. Hanggang ngayon di ko alam kung bakit ayan yung bigay niya.
Katulad ng plano, ako ay naghanda ng batya na may mainit na tubig at nagbabad ng katawan doon sa probinsya kasama ng ilang librong babasahin ko.Hindi ko minadali ang pagbasa at ninamnam ang bawat pahina. Nakatapos ako ng dalawang libro at kasalukuyang nabitin dahil natapos na ang bakasyon ay hindi ko pa rin natatapos ang Timequake ni Vonnegut. Halos matagal bago ko naappreciate ang librong ito. Marahil dahil parang existential na angas lang ang mga nababasa ko sa unang sampong kapitulo ng nobela. At nung nababad na ang isipan at puso ko sa paraan ng pag-iisip ng may akda, doon ko na lamang nakita na may tawa, galit at inggit ang bawat katagang binibitawan ni Vonnegut sa mga karakter niya sa istorya. Salamat Ser Chee sa pagpapakilala sa akin sa kanya.
Hindi nawala ang mga postcard na pinadala ni Ser Archieviner, natagalan lang. Ito na yung larawan. Maraming salamat. Huling sulat na natanggap ko ngayong taon. Dapat talagang buhayin ang postal business sa bansa at sa mundo. Iba ang pakiramdam ng nahahawakang sulat na nakalagay sa sobre na may postal stamp pa.
Hindi masarap ang noodles. Lasang panlinis ng inidoro ang Chilsung Cider. Pero masaya ang kwentuhan. Sa pagsusuma, mas sulit ang pagkakaibigan kaysa sa pagkain.
Noong Sabado lang ako natapos magbalot ng regalo. Sa totoo lang ayoko ng pambalot na maraming drawing na ganyan. Pero yung co-faculti ko, nasabi niyang marami pa siyang sobrang pambalot sa bahay nila. Hiningi ko na lamang para hindi masayang. Masyado kasing naging abala noong Disyembre kaya ngayon lang ako nakapag abot ng mga regalo sa ilan na dapat bigyan.
.
.
.
Ayan. Tapos na sa mababaw na post. Mainstream person din ako.
------------
“I walk around the school hallways and look at the people. I look at the teachers and wonder why they're here. If they like their jobs. Or us. And I wonder how smart they were when they were fifteen. Not in a mean way. In a curious way. It's like looking at all the students and wondering who's had their heart broken that day, and how they are able to cope with having three quizzes and a book report due on top of that. Or wondering who did the heart breaking. And wondering why.”
― Stephen Chbosky, The Perks of Being a Wallflower






Maganda naman yung decor na nagawa nyo at ang importante ay eco friendly sya. Hashteg! ehehe
ReplyDeleteWord of the Day: Hashteg! lol~
Deletehasteg=astig? hmmmm....
napkin holder daw kasi lagi syang visible sa table at lagi nyo rin sya maaalala.
ser rix, lantern yung decor. malaking lantern. :)
Deleteser cyron, di ko na pinag iisipan yung sa napkin holder. hindi niya masosolusyunan ang kahirapan sa pinas. :P
DeleteCynon lasing kashi eh nyahahaha. Ganda nga eh, parang pwede syang gawing inspiration para maging telephone booth.
Deletehaha! telephone booth talaga :)
DeleteWow...galing naman at may pahabol pa na mga gifts..
ReplyDeleteNanalo ba 'yung Parol? Ganda ah...
Parang alam ko kung bakit ka binigyan ng ganung table napkin holder, it's the desing that symbolizes unity or I dunno... Nanghuhula lang...
senyor iskwater, hindi nanalo yung parol? pero maganda ang naratibo ng at pagsusumikap ng mga tao sa likod ng parol na yan kaya panalo na rin :)
Deleteyung sa napkin holder, ewan ko. minsan nga magregalo din ako ng ganyan sa mga kakilala para mapag isip sila. haha
totoo? kadiri lasa ng childung cider? bakit parang andaming nageenjoy diyan? gusto ko rin isipin kung bakit table napkin holder. oo nga noh. bakit nga kaya?
ReplyDeletemiss nyabachoi, ewan ko ang trip ng mga tao. basta ako hindi ko trip yung umiinom pero ang naiisip mong karanasan habang humihigop ng inuman ay ang paglilinis ng CR.
Deleteyung sa regalo, pagkatapos kong isulat ito, hindi ko na inisip. hahaha XD
ganda ng gawa nu parekoy at maganda din ung tema
ReplyDeleteung napkin holder wag mo na intindihin para san maganda namn ee hahaha
dame regalo ahh humahabol ka pa sa pagiging santa ah
ser mecoy, salamat sa pagpuri ng lantern. hindi nagawan ng hustisya ang pagkuha ko ng larawan. mas maganda siya sa aktwal na mukha niya.
Deleteyung sa mga regalo, naenjoy ko maghanap ng regalo. di ko naenjoy magbalot :P
Magaling nang idea nyo sa parol :)Lasang panglinis ng inodoro ang Chilsung Cider. haha. Gusto kong itry dahil curious ako sa lasa ng panlinis ng inodoro.
ReplyDeleteYung natanggap mo na sir :D welcome!
salamat ulit ser archieviner.
Deleteikaw, basta ako nawarningan na kita. may pine tree na lasa yung inumin na yan.
Natawa ako sa "required" bigyan. Hahaha.
ReplyDeleteCongrats sa natapos mo nan ibalot na regalo :)))) happy new year gift na yan :)
required naman pero in a positive tone. naenjoy ko naman maghanap ng regalo para sa kanila :)
DeleteGood to know you enjoyed looking for gifts :) masaya rin ang magbalot ng gifts :) di ko yan nagawa last year.. this christmas na lang ulit :)))
DeleteOh well, happy january.
hindi masaya magbalot.
DeleteNatuwa ako sa parol. Sa pag kakagawa nito. Kasi ako talaga ay hindi mahilig sa parol, dahil nung elemtary ako lagi akong failed sa pag gawa ng parol. So bili bili nalang. HAHAH!
ReplyDelete"Isang kakaibang regalo ang natanggap ko sa isang tsikiting sa preschool. Table napkin holder yan. Hanggang ngayon di ko alam kung bakit ayan yung bigay niya."
-tingin ko hindi kailangang pagisipan kung bakit table napkin holder ang binigay sayo sir. Kasi hindi talaga literal na "table napkin holder" ang ibinigay ng tsikiting... ;)
Look! :)
alam mo ser pao, tama ka. magandang perspektibo yung sinabi mo tungkol sa table napkin. you sound like a child development specialist :)
Deleteayun, back to normal na talaga ang lahat :) tapos na ang holiday fever!
ReplyDeleteang daya, di ko pa din nare-receive yung post card ni pareng Arvin /sigh
belated happy new year sa inyo sir!
maligayang bagong taon din ser fiel. medyo matagal talaga yung post card pero dumating naman. baka natrapik sa edsa yung sayo. :P
DeleteAsteeg ng parol! Sino nanalo ser?
ReplyDeleteAt dun sa gift ng tsikiting, baka daw kelangan mo na ng holder ng puso mo, parang holder ng table napkin. haha
basta hindi kami ang nanalo. ibang kolehiyo. hahaha. 8 feet yang lantern na yan ser gord :) pinaghirapan ng mga faculti at mga estudyante :)
Deletewala ka man lang pictures sa probinsya nyu? taga san ka pala ser?
ReplyDeleteyung table napkin holder..well its either may dumi ka sa labi need mo ng napkin holder talaga..hehehe
Batangas ako ser june :)
DeleteHindi ko alam kung may larawan ako sa probinsiya. hahaha. Sandali. Maghahanap muna :)
Hahaha XD talagang maduming labi ko ser ang naisip mong dahilan sa lagayang ng tisyu. Baka nga madungis ako :P
sabi ko na nga ba nung una ko pang nakita ang parol hindi ito mananalo dyuk hahahahah :-) imshew!
ReplyDeleteang imshew ba ay maarteng i miss you or maarteng im sure?
Deleteeither way, maarte siya :P hahahaha XD
Gusto ko din ng mga ganyang parol... simpleng may dating, kahit sa picture, mukhang kakaiba...
ReplyDeleteAyos, may pahabol na gifts, dami ah...
Bakit nga kaya table napkin holder? Di bale mas ok yan kaysa wala : )
naku ser ric, salamat at nagustuhan mo yung parol. nasa 8 feet yan. mukhang hindi ko lang nabigyan ng hustisya ang pagkuha ng litrato gamit ang cellphone.
Deleteyung sa table napkin, ang inisip ko na lang ay postmodern ang batang nagbigay. it can mean anything. hihi :P
haha
ReplyDeletei enjoy rants about one's job
masaya, eh
para alam kong hindi lang ako ang stressed out
nyahaha
btw for the very last time, bisita ka sa The Deadbeat Club
my final post is up
thanks!
hindi ko naintindihan ang konteksto ng biglang pagsasara ng The deadbeat club. Basta alam mo, ako ay aasa pa rin. :)
Delete