Napadaan ako sa Beta way ng UP Diliman. Naalala ko ang Elbi sa senaryong ito. Pati na ang curry sa IRRI. At fresh milk. At Bundok Makiling. At murang mga pagkain. At mataas na sense ng community sa mga student organization ng mga estudyante doon.
Bihira lang makapaglakad-lakad para mag-isip at magproseso ng mga pangyayari sa buhay at relasyon. Nakikipag-agawan kasi ngayon ang trabaho sa personal na espasyo. Buti na lang may magandang sikat ng araw kahapon. Kaya hindi na ako nag-atubili na maging palaboy.
Sa Beta way na yan ay may maikling tulay. At madidinig ang mahinang lagaslas ng tubig.Kelangan lang maglagay ng citronella sa katawan dahil malamok. Pero bukod sa pag-aalala tungkol sa dengue, good treat sa puso at isipan ang paglalakad dito.

Isa lang ang masasabi ko. Happy Teacher's Day ser :) Di ko lam kung san kita babatiin e. :P
ReplyDeleteAng ganda naman dyan.. Tas naimagine ko pa yung tunog ng lagaslas ng tubig, parang nakaka-alis ng stress, hehe..
ReplyDeleteser archieviner, nagulat nga ako. teacher's day pala. haha XD may isa akong tsikiting na nagbigay ng cake.
ReplyDeletesalamat sa pagbati ser!
miss joanne, pwera sa lamok, maganda naman. steady lang. hindi siya nakakawow na wow. haha XD
ReplyDeletehappy teacher's day sa iyo ser :D
ReplyDeletemaraming salamat ser bino :)
ReplyDeletehaha. na-miss ko din ang curry sa IRRI.
ReplyDeletePumunta rin ako sa UP nung isang linggo! Nanood ako sa Film Center.
ReplyDeleteNaalala ko yang Beta Way. Dumadaan ako jan dati ng studyante pa ko sa kolehiyo. Okay pag maliwanag, pero pag madilim na nakakatakot, hehe
Ano nga pala ginawa mo sa UP? Jan ka ba nagtuturo?
ser olivr, alam kong magrereact ka nung nabanggit ko ang elbi :)
ReplyDeleteser visual v, anong pelikula pinanood mo? diliman ako nagtapos. :)
ReplyDeletemukang masaya ngang maglakad lakad at magmuni muni jan sa beta way.. happy teacher's day sana'y makuha mo na ang sweldo mo at i-treat mo ako :)
ReplyDeleteI've never been to UP Diliman, pero madalas ako sa Elbi. Dun ako nag-aral. Not actually sa UP, pero yung school ko nasa loob ng UPLB grounds. Kaya nga kapag may nagtatanong "saan ang school mo?", sinasabi ko "Sa UPLB", di ba? Parang matinik na scholar ang dating! hahaha!
ReplyDeleteI always think that the UPLB at yung area niya is like a piece of Paradise. Yung gardens, the wildlife (yung mga hayop at mga estudyanteng naghahayup-hayupan), and the peace there.
Nakakamiss na rin ang Laguna. That's where my hometown is.
Nakalimutan ko nga pala na guro ka din. Happy Teacher's Day ser! I wish you all the best, more success, and may love and faithfulness never leave you. The Scriptures say that there are three great things- faith, hope, and love. But the greatest if these is love.
Hindi lang love life siyempre. you learn to love unconditionally, you learn to see the world and circumstances differently. At kapag sinuklian ka ng pag-ibig, hindi ka magugutom o magkukulang. And that's my prayer for you ser, that may the Heavens pour out its love upon you.
Happy Teacher's Day!
Mga early films ni Mes de Guzman. Mejo uminit ulo ko. Ang screening time 5pm dapat. Nagsimula 5:30pm na. Kamusta naman. Hay.
ReplyDeletemiss pink line, pambayad ng utang ang unang sweldo na sa mga oras na ito ay patuloy na lumulobo.
ReplyDeleteser tripster, gusto ko yuyng part na "you learn to see the world and circumstances differently". :) I say Amen to that.
ReplyDeleteYung love life, wag na natin pag-usapan yan. Kinandado ko na ang ouso ko sa baul. Hindi na yan bubuksan :)
ser visual v, yung kay mes de guzman, hindi ko pa nakikita ang mga gawa niya. yung mga short stories niya na "Barriotic Punk" yung isa sa una kong binasa noong freshie ako sa unibersidad. hindi ko masyadong panlasa ang paraan niya ng pagsulat.
ReplyDelete