![]() |
| Galing sa link sa taas ang larawan. |
Sa gabing ito, magluluto ako ng Kung Pao Pasta. Paghahaluin ko ang dugong singkit na nananalaytay sa dugo ko pati na rin ang karanasan kong umibig sayo na manloloko at mahilig kumain ng pasta.
Sa gabing ito, lalagyan ko ng maraming maraming dinikdik na mani ang sauce na ito. Dinikdik at pinino, katulad na lamang ng ginawa mo sa puso ko noong bigla mo akong iniwan ng walang paalam at sumama sa iba.
Aanghangan ko ito ng makalawang beses katulad ng mga pagkain sa Sichuan, bilang pag-alaala sa pag-iwan sa akin at pagsama sa pinakamatalik kong kaibigan. Sa lahat ng aakitin mo, ang pinakamatalik ko pang kaibigan.
At habang hinihintay kong kumulo ang sauce, ihahanda ko na ang pasta. Ang binili ko ay yung penne. Kasi iyon ang paborito mong pasta sa lahat ng uri.
Ilalagay ko siya sa malaking metal na kalderong binili ko. Yung kasing laki ng maliit na batya na kayang pagbabaran ng pitong damit, apat na brief, dalawang pares na medyas at isang panyo na ginamit ko nung isang araw na naglasing ako dahil naalala kita. At iniyakan kita ng sobra-sobra.
Lalagyan ko ito ng tubig, hahayaang kumulo bago ibuhos ang penne. Hihintayin kong maluto ang pasta at hindi aalisin ang mata ko dito. Masyado kasing sensitibo ang pagluluto nito. Walang taong gustong kumain ng lamog na pasta. Wala rin taong gustong kumain ng hilaw na penne. At walang taong gustong iwanan ng biglaan ng taong mahal niya.
At kapag naluto na ang pasta, ihahalo ko na ang Kung Pao sauce na ginawa ko. At kakainin mag-isa. Hindi ka kasalo. Kasi iniwan mo ako. Kasi inakit mo ang pinakamatalik kong kaibigan. At umalis na kasama siya.

Fiction ba talaga to?? Mukhang hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng isang palaboy, hehe.. Mukhang masarap ang pasta pero ayoko kainin kasi parang... bitter! lol.
ReplyDeletesna nga fiction lang to. kasi ang lungkot
ReplyDeletemiss joanne, para maiba naman. kasi horror ang moda ng mga sinusulat ngayon e :P bitterness halip na horror
ReplyDeletemasarap ako magluto ng kung pao pasta. pero mas masarap yung authentic kung pao jie ding ng mga singkit. purong mani siya na ulam :)
Inuman na \m/
ReplyDeleteKasarap naman nire. Kasaklap rin.
ReplyDeleteser bino :)
ReplyDeleteser olivr, masarap ang kung pao pasta with heineken beer :)
ReplyDeleteser keso, subukan mo minsan yung recipe. masarap siya :)
ReplyDeleteat malaking OO! Masaklap talaga.
isang case lng ng beer ang katapat nyan hehe XD
ReplyDeletemukhang may pinagdadaanan ha .. masarap pero may something ..kung bitter o better? hahahaha
ReplyDelete- gusto ko tikman pede ba padeliver? hahaha
Totoo ba yan ser? Tirahin na yan.
ReplyDelete* Pareng Jay was here
ser fiel, di ako tumutungga ng isang case :P umiinom lang ako. hindi ako naglalasing :P
ReplyDeleteser kulapitot, pareho na lang. both bitter and better :)
ReplyDeletepareng jay, tawagin ang barkada at sunggaban natin yan sa eskinita :)
ReplyDeleteparang may pinghuhugatan ang kwentong eto. sino kaya yung mga character
ReplyDelete:)
ReplyDeleteawtz naku totoo ba to B.H. ka? naku okay ka siguro kasama pag B.H. ngaluluto hahah piz anyways kung totoo man to ganun tlga buhay madaming basurang tatalisod sayo
ReplyDeleteUpakan na natin, gusto mo? O di kaya shots tayo.
ReplyDelete- jlapis.wordpress.com
ser mecoy, napahalughog ako sa google kung ano ang ibig sabihin ng BH. hahaha XD tapos ang common sense lang :)
ReplyDeletetalagang basura ang tingin sa mga ganun? basura ba? akala ko hayop. lol
miss jen, dun ako sa pangalawa :)
ReplyDeletearekupo! haha subukan nga natin. wag lang yung part na masaklap. haha sana ay gradweyt na tayo sa ganun
ReplyDeletemasarap ang kung pao :)
ReplyDeleteNaalala ko yung bestfriend ko naman ang nangagaw sakin. Anong problema ser? :)
ReplyDeleteang kewl! may kwento habang isinasalaysay mo kung pano iluto.
ReplyDeletepinalow na rin kita brader!
ser archieviner, ang problema gusto ko ng postcard pero masyado akong tamad magjoin :P
ReplyDeletesalamat ser gord!
ReplyDeletecool!! I really like your wit and how you write.. napakainteresante.. haha.. sobrang lalim magtalog and it is just so entertaining!! you've got a new reader er, mambabasa!! haha.. :D
ReplyDeleteCheers~!
- Justin -
The World According To Me
ser justin, salamat sa iyong mababait na pangungusap. :)
ReplyDeletenakajoined kana kaya ser. Basahin mo ulit yung post ko. No.1 letter e. hehe
ReplyDeleteahhhh. yey! nagka- dilemma ako kanina dun sa pakulo mo e. :) salamat :)
ReplyDeletenalungkot naman ako.. tara palaboy, samahan kita sa pagkain ng nilito mo...
ReplyDeleteser pot, naubos na. hehe XD
ReplyDeleteAng sarap ng pasta. Ang lungkot ng kwento sa likod nito. Barik tau?
ReplyDeletelibre mo daddy kuri? :)
ReplyDelete