Tuesday, October 9, 2012

Bilang instraktor, nalulungkot ako na

Pakiramdam ko ganyan ngayon. Walang mukha.*
mukhang wala akong mabibigyan ng uno na grado sa semestreng ito. Hindi pa naman tapos ang pagche-check ko ng mga requirements ng mga bagets. Meron pa akong binabasa na requirement na 35 porsyento ng kabuuan nilang grado.

Mahaba-haba ang papel na iyon kasi patungkol ito sa pag-analisa nila sa mahirap na taga-lungsod na pamilya. Bawat isa sa kanila ay malayang makapipili ng unit na gusto nilang interbyuhin, pakipamuhayan at alamin ang buhay pamilya.

Ito na yung paglalagum ng mga teorya at konsepto na pinag-aralan namin sa Family Science. Titingnan nila ang dyads sa pamilya, yung interaksyon, pagdaloy ng kapangyarihan, paggawa ng desisyon, paggamit ng mga resources, kahulugan ng espasyo sa tahanan, mga alitan at pagresolba nito. Ganun.

Syempre, dahil akademikong materyal ito, gagamit sila ng teorya sa pamilya sa pag-analisa. At kelangan nila na magbasa ng literatura patungkol sa uri ng pamilya na gagawan nila. Halimbawa, ang napili nilang pamilya ay yaong may apat na henerasyon na naninirahan sa iisa lamang na bahay. Kung istraktura ang pag-uusapan, extended family ang tawag dito. Hahanap sila ng mga scientific journal na may kinalaman sa ganung topic.
Matrabaho ang requirement na ito. Kaya naman inunahan ko na sila sa umpisa pa lang ng semestre na magkakaron ng ganun. Nung kalagitnaan na ng semestre, sinabihan ko na sila na simulan nila ang immersion sa napili nilang pamilya.

May ilan na relihiyosong sumunod, karamihan petiks lang.

Hindi lahat ng nababasa ko ay kinakatuwa ko. May mga ilan na nakaka-high blood. At gustuhin ko man na salbahin sila sa mababang marka, pasensiya na lamang.

Ang oras ngayon ay 9:21PM. At sinulat ko ito kasi wala akong mapagsabihan. Wala akong makwentuhan ng frustration ko bilang instraktor. Ayaw ko talaga magbigay ng mababang marka pero ayoko naman na pikit-mata na magpalampas bagets na petiks ang mga output. Tapos makikita ko sila na grumadweyt na may karangalan pero ethics at work standard mababa.

Ang lungkot lang kasi wala akong makwentuhan na kaibigan. Wala pa kasi akong sweldo para magyaya ng kaibigan lumabas o kaya naman ay maghanap ng mga repapips na kasalo kumain sa labas at na mapagbe-vent out-tan ko.

Anyamet ten! Sumpa yata ang unang kalahati ng taon ko sa trabaho bilang guro sa pampublikong pamantasan.

*Pasintabi sa litrato na kuha ko mula sa isang art exhibit. Hindi ko alam ang pangalan ng artist. 

28 comments:

  1. Sabi nila mga bagong instructor lang daw namumrublema ng ganyan, yung mga tumagal na daw wala na pakialam mambagsak ahaha. Go lang ibagsak mo sila kung hindi naman nila talaga deserving isipin mo na lang na kung nagpasa sila ng substandard ibig sabihin nun ineexpect nila na maiisahan ka nila.

    ReplyDelete
  2. wala ako masabi na nosebleed ako :( sa sobrang lalim ng tagalog ..


    - ako pede mo ko yayain ililibre kita di nmn lahat ng nagyaya siya may sagot .. hahaha

    - okay lang yan .. hirap tlga maging titser ... minsan nag-aaway ang puso vs. isipan ..

    ReplyDelete
  3. Ser Glenn, may isa yata na babagsak, pakiwari ko lang. Pero may mga masisipag naman. Pero hindi ganun kaganap para mabigyan ng uno. May mga feeling lang na makakauno pero hindi naman nag-aral ng husto.

    At oo, dilemma ito ng bagong faculti :P

    ReplyDelete
  4. ser kulapitot, nahihiya naman ako na ililibre mo ako.

    ReplyDelete
  5. Ambait mo naman ser at pinoproblema mo pa ang grado ng iyong mga studyante. Iniisip ko ser kung magkapamilya ka kaya siguro ang saya saya ng pamilya mo :) Isulat mo lang ser marami naman kami ditong mga kaibigan mo online na makikinig sau.. magbabasa pala. hehe

    ReplyDelete
  6. kung ako yung instructor, kahit bagsak yung grades e titignan ko pa din yung effort. yung araw-araw kung pumasok at nakikinig kapag may sinasabi ako. hindi ibig sabihin na bumabagsak siya ay hindi niya naiintindihan ang mga tinuturo mo. minsan talaga, may mga bagay na alam mo naman talaga kung ano iyon pero nahihirapan kang i-express o ilabas. ayun.

    ReplyDelete
  7. Paglalagom - Summary?

    Naku, elementary pa yata ako nung huli kong marinig ang word na yan hehe!

    naku sir, isang noble profession ang pagiging guro. diba learning is a continuous process :)

    ReplyDelete
  8. grabe po, pure tagalog. :D

    that's why we have blogger, its our online best buddy :D aryt? :D


    Myxilog

    ReplyDelete
  9. Oks lang yan ser Palaboy. Adjustment period niyo pa naman e. Tama lang yang ginawa mo (na hindi magpalampas ng estupidyanteng petiks ang output). Hehe buti nalang comsci ako. Hindi ako creative e. XD

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  10. anyametten! Sabagay sir, malalaman naman nila ang importansya ng unti-unting pagsisikap sa panahon ngayon. Lalo na pagdating nila sa trabaho at wala silang mailaban sa mga gawain nila kundi ang substandard na diploma at ang parangal na "nagtapos sa state U." Minsan kailangan din silang hayaang anurin ng gawain nila.

    Sir, ang layo mo kasi! From one gov't employee to another edi maghati nalang tayo sa bill! kahit tig isang bucket lang ng beer para solb! :)

    ReplyDelete
  11. ser archieviner, salamat sa pagsama at pakikinig virtually :)

    ReplyDelete
  12. ser denggoy, yung efforts naman kinoconsider yun. pero syempre may standards din na pinag-agree-han kami sa simula ng klase.

    ReplyDelete
  13. ser fiel, parang ang tagal na nung elementarya a.

    ReplyDelete
  14. pareng jay, naku kahit sa comsci kelangan maging malikhain. although sa papel na ito, kritikal na pag-analisa ang kelangan at hindi gaano sa pagiging malikhain :)

    ReplyDelete
  15. daddy chee, haha. grabe, hindi pako nakakaisang bucket mag-isa. at hindi pako nakakainom ng may kasama. :)


    although yang imbitasyon na yan, i'll keep that in mind. haha XD

    ReplyDelete
  16. give them what they deserve. fair naman na yung ginawa mo. they have all the time. siguro mas malaking kasalanan kapag hahayaan mo silang gumradweyt na walang makukuhang life-lessons.

    ReplyDelete
  17. ser night crawler, natapos ko na ang grado nila. karamihan naman ay 1.75. may mga nag-eexpect kasi na uno pero hindi naman pang uno ang performance. ayun.

    ReplyDelete
  18. You're an amazing instructor, you know

    -jlapis.wordpress.com

    ReplyDelete
  19. Sir, hati nalang sa isang bucket para safe! Sa may UPD tayo pag nagawi ka uli. Marami dun haha

    ReplyDelete
  20. miss jen, malalaman natin ang persepsyon ng mga estudyante pag natapos ang ebalwasyon nila. :) haha.

    at ehem, salamat dahil tunay kang kaibigan :)

    ReplyDelete
  21. Ibigay ang tamang marka... sabagay nakakalungkot nga yan... parang ang hirap magbagsak ng studyante... ^_^

    At masarap sa pakiramdam kapag lahat pumasa .... accomplishment din kasi un sa isang guro... masakit din kapag maraming bumagsak...

    ReplyDelete
  22. ser jondmur, mukhang wala naman babagsak sa klase ko. grade conscious lang ang mga bagets at gusto nila na uno sila :P hindi naman pwede yun lalo na kung mabababa ang components ng ibang paghuhugutan ng grado.

    ReplyDelete
  23. xx from Texas,
    NV


    www.theblogture.com

    ReplyDelete
  24. thanks for dropping by miss blogture!

    ReplyDelete
  25. Hindi ko yata kaya mag check ng ganyang karaming papers. Baka masiraan ako ng bait, hehe

    ReplyDelete
  26. ser visual v, nakakabaog magcheck ng ganitong mahaba at madaming papel. Pero may mga galak naman kapag nakita na naiintindihan nila ang mga tinuro. at saka, kapag may lalim yung mga nasulat nila sa repleksyon na sulatin nila :)

    ReplyDelete