Ayan ang dining table ko sa bahay. Malaki yan. Kompara sa study/ work table ko. Kung paanong nagsusunog ng kilay ang karamihan ng mga bagets sa mga oras nato sa pagtatapos ng semestre, ganun din naman kaming mga instraktor nila.
Yung sa kaso ko, talagang sinusuyod ko yung mga pinasa nilang mga papel. Gusto ko syempre na timbangin ang mga output nila sa ibibigay kong grado. Katulad nung nasabi ko noon, walang nakauno. Relatively, mataas naman sila. May dalawa lang na naka-dos at isang naka-2.25. Yung iba, okay naman ang standing. Kumpara sa impresyon ng karamihan, wala naman bagsak. Walang mag-uulit. Wala lang naka-uno. ganun. Ibuburo ko muna ang grado nila sa linggong ito bago ko ipasa sa susunod na linggo.
--------------------------
Masaya lang ako na walang facebook o twitter. Hindi ako naeexpose sa rant ng mga estudyante ngayong patapos na ang semestre. Kaya good vibes pa rin ako.
Natatakot din ako malaman kung ano sinasabi ng mga bagets sa akin. Gusto ko na sa pormal na Student's Evaluation on Teacher (SET) na lang. Para isang bagsakan.
--------------------------
May mga bagets kanina na nagpakonsulta pa bago ako umalis papunta ng airport. Natawa lang ako na kung kelan naipasa na nila lahat ng requirements, dun lang sila magpapakonsulta tungkol sa standing nila. Syempre, ano pa ba ang magagawa ko, nagawa ko na ang grades nila. Hindi naman ako pwede mag-magic.

Airport kana ser. Ingat ka :) Ang kalat ng table. Linisin ko ser. hehe
ReplyDeletenakakamiss maghabol ng grades! Haha sir baka may mga rituals lang silang ginagawa kaya nagpapahabol ng consultation :)
ReplyDeleteser archieviner, sa mga oras nato nasa Cebu nako :)
ReplyDeleteNaku ser chee, anong ritwal naman yan? :)
ReplyDeletebaka raw po magically ma-sway ang inyong desisyon at mahimalang mabigyan sila nang mas mataas na grado. wishful thinking haha
ReplyDeleteser chee, malabo yung ganun. haha XD di ako pwede sa ganun :)
ReplyDeletewow. this post made me laugh.
ReplyDeletelast year when i went back home, i visited my aunt at her school (she teaches nursing) and i saw this long line of students trying to see if my aunt can change their grades. one student who was suppose to be graduating failed miserably. worst part, her parents who are OFW went home just to see their daughter graduate. it was a big drama.
Sayang naman, walang naka-uno! Ang strict kasi ni Ser e, joke!
ReplyDeleteEnjoy sa Cebu.. pasalubong na dried mangoes ah! :)
Pasalubong ser palaboy. Hehe. Kahit isang magandang Cebuana lang. Enjoy lang ser.
ReplyDelete* Pareng Jay was here
sir mike, grabe ang dilemma pag ganyan na graduating. May academic standard na kelangan mameet.
ReplyDeletemiss joanne, naku kung sa totoong buhay hindi naman ako istrikto. kaya nga sinasabi ko sa kanila ang dapat mameet na standard. tapos tinatanong ko rin kung may tanong sila. may 10 hours ako weekly for student consultation.
ReplyDeletepareng jay, ang hirap mag-uwi ng cebuana. human trafficking.
ReplyDeleteCongrats at nagawa mo na ang mga grades ng mga bagets. Time for celebration! Teka, may sweldo na ba? :D
ReplyDeleteser visual v, wala pa rin sweldo. sabi ng college admin namin, within 2-3 weeks pa daw. ayoko na maniwala. paasa masyado.
ReplyDelete