Heto yung na-share kong thought for the week:
Hindi lahat ng kwento ay totoo. Hindi lahat ng totoo ay dapat ikwento.
Napapagod lang talaga ako sa mga tsismis at pulitika sa unibersidad kaya nabahagi ko yang salawikain na yan galing sa isang nanay sa komunidad kung saan ako nadestino noon patungkol sa community development.
Pagkasabi ko niyan, natatawa ako na maraming natawa at nag-react. Bagito lang ako sa unibersidad pero alam ko na madaming sapul. Haha. Syempre, reminder din yan sa akin na hindi makisawsaw sa mga ganyang kwentuhan galore.
Naging running joke ang thought for the week. Yung mga kawani namin, dahil sadyang mapagbiro, gumawa ng bulletin board para sa mga kasabihan sa linggong ito. Bigla-bigla na lang sila nagko-quote. Hanggang sa napalitan ang thought for the week ng thought for the weak.
Bukod sa sinabi ko na nakabuyangyang ngayon doon, eto yung mga kasama na kawikaan nila:
- Ang taong tamad ay pala-utos.
- Di bale ng tamad, hindi naman pagod.
Mga konting saya habang isinusulong pinakaabalang buwan nato sa departamento namin sa Kolehiyo.
Heavy...
ReplyDelete-jlapis.wordpress.com
Ingats lang papi. Mahirap pag may politiko-system sa isang komunidad. Baka pinapatamaan ka na ng mga yan, hindi mo lang napapansin. Pag na-agrabyado ka sumbong mo lang samin (samahan ka naming magsumbong sa iba). Hehe. Pero walang mali sa thought of the week mo. Astig. Simple lang, pero rock.
ReplyDelete* Pareng Jay was here
may punto. pero exciting kasing pakinggan yung mga tunay na kwento
ReplyDeleteclassic talaga ang "Di bale ng tamad, hindi naman pagod." At magandang paalala nga ang "thought for the weak"
ReplyDeletemiss jen, haberdey in advance! :)
ReplyDeletepareng jay, maganda ang relasyon ko sa mga kawani. ako pa, ilang taon din nagtrabaho sa mga komunidad. alam na makisama at makibagay :) salamat sa paalala :)
ReplyDeletedaddy chee, exciting ang buhay ngayon. wala lang sweldo pero exciting.
ReplyDeletemiss ester, totoo. masaya basahin ang mga tunay na naratibo ng buhay.
ReplyDeleteAno ba yung mga hindi dapat ikwento at ano ba yung mga totoo. Napaisip ako at nagreflect sa sarili... :)
ReplyDelete"Hindi lahat ng kwento ay totoo. Hindi lahat ng totoo ay dapat ikwento."
ReplyDeleteVERY TRUEEEEE!
ser archieviner, anong resulta ng reflection mo? :)
ReplyDeletemiss nyabachoi, haha. mukhang may pinaghuhugutan a. :)))
ReplyDeleteanong kwento mo tungkol diyan?
gusto yung quote mo.. napastatus ko tuloy yan bigla sa FB.. hahaha wala na akong ibang masabi tungkol jan, ang galing lang :)
ReplyDeleteNgayon yung dalawang pahabol na kawikaan.. may bigla akong naisip. Actually, narinig ko lang ito sa Goin' Bulilits... and it goes like this:
"Sino ba ang mas tamad, yung taong nag-uutos o yung taong hindi sumusunod sa utos?" tingin mo.. ^_^
ser aj, syempre napaisip ako sa tanong mo. pero naalala ko na tamad ako kaya tinigil ko na pag-iisip.
ReplyDeleteButi pa kayo may thought of the week. Sana may ganyan din sa opisina namin para mahimasmasan naman kami ng proper decorum. Paminsan kasi yung ibang tao nakakalimot. Kasama na ako dun. Haha
ReplyDeletemasaya nga yung flag ceremony. pati yung university anthem. hahaha. nagpanunumpa sa watawat din kami :P
ReplyDeleteat highlight nga yung thought for the week. inaabangan namin yung sasabihin na thought for the weak, este week bukas. Lunes na naman kasi ulit.