Friday, October 26, 2012

Briefing sa mga naglulunoy sa espasyong ito

Una sa lahat, pasintabi sa huling post. Kung may naoffend sa paggamit ko ng salitang fuck or fucked up o fucked up life, pasensiya. Sa ganang bokabularyo ko kasi ayun ang pinakamahusay na salitang maglalarawan ng mga nakaraang araw.

Noong una, gusto ko sana sabihin sa ilan na wala akong pakialam. Pero alam ko sa puso ko na meron akong paki. At sa gawain ng pagtulong at sa usapin ng disiplina ng Pagpapaunlad ng Pamilya (Family Development) at ng Gawain Panlipunan (Social Work), hindi maaaring sabihin na wala tayong pakiaalam. Labag sa prinsipyo ko na sabihin (sa soshyeleng Ingles) ang I don't care. Kasi dapat mangialam talaga.

Sa ganitong punto, gusto ko lang sabihin na ako man ay nahihirapan hulmahin ang mga salitang gamit ko. O dili kaya ay ikahon sa mga mabubuting bagay lang ang mga subheto na tinatalakay ko sa personal na espasyong ito.. Gustuhin ko man na happy-happy o fully inspirational ang moda ko, hindi ako ang ganoong uri ng tao.

Bagamat may pananampalataya sa Diyos at personal na relasyon sa aking Panginoon, may malaking pagnanasa pa rin ako na magsulat ng patungkol sa beer o alkohol. Lalabas at lalabas pa rin ang pagtalakay sa reproductive health o kung ano mang isyu ng lipunan na maaring taliwas sa paniniwala ng ilan.Sa mga susunod na panahon, baka nga magbahagi ako ng mga akademikong pagtalakay ng klase ko tungkol sa pagsisiping. O mga paraan ng responsableng pagdyudyugdyugan.

Ngayon pa lang. Sasabihin ko na. Hindi ako ang construct nyo ng mabuting mamamayan. Hindi ko lubusang maisasabuhay ang construct nyo ng Christian. Hindi rin ako ang construct mo ng huwarang guro. Kung naimbento nyo (at ng lipunan) ang mga construct na ito, pasintabi. Below standard ako.

Sa paglalagi sa blog na ito, gagamit kayo ng ibang lente para suriin kung sino ang personal na ako sa publikong ako. At naway sa mga walang katuturan kong pagtipa ng mga katha at salita, piliin nyo lang ang yaong magagamit nyo at sa palagay nyo ay tama at makakabuti sa ninyo at sa iba. 

Hindi perpekto ang si Overthinker Palaboy. Pogi lang.

36 comments:

  1. Sorry Ser kung may naoffend kita minsan :)

    ReplyDelete
  2. hindi mo pa ako naooffend ser archieviner. hahahaha XD

    ReplyDelete
  3. Hindi ko pa nababasa ang last post mo pero ganyan talaga minsan kung may nabibitawan man tayong salita, tao lang. Kanya-kanya tayo ng pananaw sa buhay dahil kanya-kanyang experiences, family background o mga kaganapan sa buhay. Gayunpaman, ang panuntunan ko ay ang respeto sa isa't-isa. Pinipilit kong huwag husgahan ang kapwa sa konting kaalaman ko sa kanya / kanila.

    ReplyDelete
  4. Ser Ric, natutuwa ako na kung paanong ang stimulus na tagalog na pagsusulat at nagdudulot din ng tagalog na pagtugon. apir!

    ReplyDelete
  5. wala pa naman akong nakikitang chance. hehe! ayos tayong dalawa.

    ReplyDelete
  6. okay lang naman yung last post mo. bakit ka mag sosorry?

    ReplyDelete
  7. miss phioxee, para yan sa mga norms and social construct police na nagchecheck ng espasyong ito. :P

    ReplyDelete
  8. Ito ang nagustuhan ko sa blog na ito. Sa halip na sarili ang ibenta sa mga mambabasa (na kadalasang ginagawa ng mga blog, kasama na ako roon) ay ihinihiwalay pa rin ang konsepto ng karakter at pagkatao sa sariling pagbubuhat ng bangko. Makabuluhan pa rin ang mga aral at hindi nalalayo sa totoong buhay. Saludo.

    P.S. Sir, ang sarap lang sumabay sa kanta sa linyang maaaring nakaoffend sa ibang mambabasa. Angst!

    ReplyDelete
  9. ser keso (ayan, nabago na ang pangalan mo bigla), salamat sa pag-intindi.

    at totoo, swabe ang pag-awit ng mga kantang nakakaoffend sa iba. mga rebelde kasi tayo. haha

    ReplyDelete
  10. Na-offend ako! Sa sinabi mong pogi si Overthinker Palaboy e wala naman ebidensiya, hehe..

    Bakit ako maooffend sa salitang fuck or fucked up e lagi ko naririnig sa mga customers ko yan at dedma lang! Sa comment mo nga na may betlog hindi ako na-offend di ba?haha..

    Very honest kaya ang blog mo. All about reality sa mundong ito..

    ReplyDelete
  11. nice sana di ako din hindi makaoffend anyways trip ko ung last hirit mo

    ReplyDelete
  12. haha! mahirap maglagay ng pic. baka maagawan ko si ser zai ng kalove team :P

    yung mga salitang fuck kasi, hindi siya normal sa mundong ginagalawan ko. hehe. nabubulabog mundo nila pag gumagamit ako ng ganun.

    kaya nga sabi ko na lang na okay lang na wag magbasa ng entries ko. di ko din naman hiniling yun sa kanila. hoho.

    ReplyDelete
  13. ser mecoy, haha XD trip ko rin yung last sentence ko.

    ReplyDelete
  14. lahat tayo may kanya kanyang pananaw.... pero na gets kita... kasi minsan di natin maiwasan na may na ooffend tayo.. kahit di natin sinasadya....

    ako naman di ako madaling ma offend... lalo na sa mga salitang nabanggit mo... sanay na rin ako hehehe....

    Pero kung ako ang magsasalita... tapos ung pagsasabihan ko ung di sanay sa ganung salita malamang ma offend sila...

    minsan hirap talaga pag ganyan....

    ReplyDelete
  15. Excuse me lang, hindi ser si zai, ma'am yun, haha!

    ReplyDelete
  16. ser jondmur, salamat sa pagkuha ng sentimyento. mahirap nga. kaya humingi na ng pasensiya at nagbigay na ng babala sa mga magbabasa sa hinaharap.

    long time no hear ser!

    ReplyDelete
  17. miss joanne, may betlog kaya ser pa rin :)

    ReplyDelete
  18. Orayts! Naka-repeat sa music player ko yan!

    ReplyDelete
  19. teka ha, babasahin ko yung last post mo. pero base sa mga nabasa ko, i agree sa mga ideolohiya mo. oo nga naman kasi.

    at oo pogi ka. hahaha.

    ReplyDelete
  20. nakakaoffend ba ang "fuck" or anu pa man... parang normal nga sa pandinig eh, hehee. ramdam kita.

    pogi lang at magaganda tayo. apir tayo!

    ReplyDelete
  21. ang madadagdag ko pa sa mga nasabi nila ay "just be yourself". may karapatan ka na ilabas ang iyong hinanain o sama ng loob dito sa mundo ng blogosperyo. atsaka hindi ka nag-iisa na gumagamit ng ganitong mga salita dito. =)))

    *cheer up!!*

    ReplyDelete
  22. ser keso, magbabago ako ng playlist. hahaha XD gloomy ang panahon. parang kelangan ng mas konting sunshine :P

    ReplyDelete
  23. miss nyabachoi, haha XD salamat sa pagsang-ayon sa lahat :)

    ReplyDelete
  24. miss jessica, nasanay lang yung mga tenga natin pero sa iba hindi kasi siya normal.

    oo, apir sa mga awesome na nilalang!

    ReplyDelete
  25. no need to explain kaibigan...i believe nasa maturity nang tao kung paano i ta-take ung binabasa...and I think you are just expressing your feeling sa pagsusulat so choks lang...go for it sir!



    xx!

    ReplyDelete
  26. Okay lang yung mag express ka ng feelings mo using whatever word you think will express it the best way you want it to be expressed :)

    Mga caller nga namin ni Joanne na kano mas dalas pa mag fuck you o kung ano man kesa mag Hello e! Sanay na kami haha :)

    ReplyDelete
  27. naku sana di kayo madesensitize. hindi siya maganda pag patungkol na sa tao ang pagsasabi nun.

    ReplyDelete
  28. We all have all the freedom to choose on what word to use to express our feelings or emotions and everyone has also the freedom to read or not….diba kung di mo trip edi wag ng mag epal…lol

    ReplyDelete
  29. sunnytoast, haha. salamat sa pag intindi :)

    ReplyDelete
  30. Okay lang naman siguro gumamit ng mga salitang "fuck," "fucked up" o "fucked up life." Kung yung ang mga makakapag-larawan ng mga nararamdaman mo, huwhy not? Go lang. :-)

    ReplyDelete
  31. Oks lang yan ser di naman natin mapapasaya ang lahat. Madadapa din yang mga yan.

    Pero tama si ms joanne. Naoffend din ako sa last statement mo. Cybercrime!!

    * Pareng Jay was here

    ReplyDelete
  32. grabe naman ser jay, cybercrime kagad. hindi ba pwedeng libel muna. haha XD

    ReplyDelete