![]() |
| Green na ballpen ang pangcheck ko ng sulatin. Nakakatrauma kasi ang pula. |
Syempre, dahil patungkol sa family science ang kursong tinuturo ko, mas pagtutuunan ko ng pansin ang pagtalakay nila sa mga teorya patungkol sa relasyon at pamilya, kesa sa opinyon nila sa acting at sinematograpiya at costume.
May mga bagets na mas magulo pa sa buhok sa kilikili ang mga ideya at opinyon. Meron din naman na ang mga ginagamit na salita, ang lalim, parang hinugot pa sa esophagus ni Thesaurus. Meron din kung maka-quote ng authors, kaliwa't kanan, harap at likod, itaas, at ilalim.
Kumpara sa mga naunang papel na pinasa ng mga bagets, mas madami na ngayon ang marunong mag-citation. Talagang kung makalagay ng reference, wagas. Mukhang sensitibo sila ngayon na hindi makapag-Sotto.
Nagkurba ako ng pamantayan ko sa pagkakataon na ito. Ibig sabihin, mas binabaan ko ang standard. Para makabawi ang mga bagets sa naunang papel. Mabababa kasi sila dun. Ito na yung paraan na nakikita ko para hindi sila matakot na gumamit ng mga framework na tinalakay namin sa klase para sa pagsipat ng mga sitwasyon at pangyayari. Sinipagan ko na lang sa paglalagay ng komento para alam nila kung ano yung tama at mali nilang ginawa. Ngingiti sila sa mga iskor nila sa papel na ito. May anim na naka-uno. Hindi bababa sa 1.75 ang grado ng buong klase dito. Tutal, nakita ko naman na may paglalim ng paggamit nila ng mga teorya. Pa-christmas ko na.
At dahil nabanggit na ang Christmas, naway hindi sa Pasko ko pa makuha ang sweldo ko. Aba naman, nagsisipag naman ako sa trabaho ko. Seryoso, hindi na nakakatawa ang walang sweldo.
.jpg)
Professor pala kayo Sir.
ReplyDeleteTaas ng grades na binigay nyo sa mga bagets ah! Tama kayo hindi talaga nakakatawa ang walang sweldo : (
Kartunnetbuk, instraktor lang.. At salamat sa simpatya.
ReplyDeletepati ako nai-stess na dahil hindi ka pa rin sumusweldo...
ReplyDeletemiss pinkline, nadadagdagan nga ng 10 years ang tanda ko dahil wala pang salapi. grabe no.
ReplyDeleteWow naman. Sana lahat ng naging prof ko, ganyan magbigay ng grade! hehe. Ano ba naman iyang mg boss mo! Irereklamo ko na sila sa mga kinauukulan!
ReplyDeleteser night, naku hindi mo ako gugustuhin na guru. mababa yung grades ng mga estudyante ko. nagpaulan lang ako ngayon ng "better grades" para makabawi sa mabababang grades nila. saka nakikita ko naman yung progress ng trabaho nila kaya okay na magcurve ng grades.
ReplyDeleteHanggang ngaun wala ka paring sweldo sir? Nabanggit na naman ang Pasko T.T
ReplyDeletelol. Sana ganyan din ang mga nakuha kong grades sa mga prof ko nung undergrad.
ser archieviner, masipag ka ba mag-aral nung undergrad? :)
ReplyDeleteMejo.. dahil kailangan e. Hirap lang kasi ng course ko nun :P
ReplyDeleteaccountant ka di ba? tama ba ser archieviner?
ReplyDeleteyep
ReplyDeleteser archieviner, kung sakaling magkaroon ako ng sariling negosyo at kelangan ko ng accountant, patulong ha :)
ReplyDeletesure :) Walang problema ser. Kahit walang sweldo. lol
ReplyDeleteser archie, I wont take that as a mockery of my financial situation. Basta nangako ka na libre. Maniningil ako in the future.
ReplyDeleteyep. walang problema sir. basta available ako. karangalan kong maging social worker sa mga social worker. lol. :)
ReplyDeleteAba. Maganda yan. bihira lang kami makakuha ng treat :) yey! Salamat ser archieviner. Although, lemme just point out that your promise is conditional --"basta available".
ReplyDeleteoo baka kasi mamaya nasa abroad ako e:P
ReplyDeletehaha. sige, lusot ka :P
ReplyDeleteSalamat kay Sotto at marunong na mag citation ang mga chikiting patrol. :D
ReplyDeleteay oo. salamat sa kanya meron ng model ng 'not to follow'.
ReplyDelete