Sunday, June 30, 2013

Patayin ang 'Pilipinas'

MAY tatlong pangalan ang ating bansa: “Filipinas,” “Philippines,” “Pilipinas”: lbinasbas sa atin ang una ng kolonyalismong Espanyol at siya nating opisyal na pangalan sa loob  ng tatlong  siglo.  ltinatawag naman sa atin ang ikalawa ng imperyalismong Amerikano at opisyal nating pangalan ngayon sa Ingles.  Bersiyong Tagalog ng una ang ikatlo at batay sa orihinal na titik ng lumang abakada.

Palagay ko, sintomas ng ating pambansang pagkalito ang pagkakaroon ng tatlong  pangalan ng ating bansa. Hindi  tayo magkaisa kahit sa pagtawag himang sa ating sarili.Ang  panukala ko, panahon na para magkaroon tayo ng opisyal na pangalan para  sa ating bansa’t republika, at tulad ng inumpisahan ng Diyaryong  Filipino, dapat tayong kilalanin sa buong mundo bllang “Filipinas.”

Unang dapat burahin ang “Philippines”. Tatak ito ng patuloy na pag­ iral sa ating utak ng pananakop ng Amerikano. Hindi nila ito nagawa sa Puerto  Rico, Cuba, Mexico, Chile, at ibang dating kolonya ng Espanya. Bukod pa, may mga bansang nakapagpipilit ng kanilang sariling pangalan sa UNO sa kabila ng lningles na tawag sa kanila.

Ngayon, bakit hindi “Pilipinas”?

Una, sapagkat mas una at orihinal ang “Filipinas.” Ito ang ibininyag sa atin ni Villalobos  noong  1543 at pinairal ni Legazpi noong  1565. Sa loob ng nakaraang tatlong siglo ay kilala tayo sa Europa bIlang”Filipinas” at sa ganitong pangalan ipinroklama  ang kalayaan ng ating bansa noong 12 Hunyo 1898. Higit nating maiintindihan ang ating kasaysayan mula sa watak-watak na pula  tungo  sa isang pinag-isang kapuluan sa pamamagitan ng pangalang “Filipinas.”

Hindi ginamit kailanman ang “Pilipinas” kahit ng ating mga bayani sa panahon ng Rebolusyong Filipino. “Filipinas” ang isinulat ni Plaridel maging sa kaniyang  mga tulang Tagalog.   Ang lagi namang ginagamit ni Bonifacio ay “Katagalugan”-na maaring bunga ng pangyayaring kilala rin  tayo  noon  sa ibang bansa bllang “Tagalog”  o “Tagalo.”

Read more.

28 comments:

  1. internationally Filipinas, pero sa mga local na katulad natin pwede nating sabihin Pilipinas. Sa salita kasi natin hindi madalas gamitin ang letrang f, pwera na nga lang sa pangalan ng tao o ng syudad.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa makabagong alpabeto natin ser cy, meron na tayong F. Nilagay ko yung pag-uutos ng Komisyon ng Wikang Filipino sa blog ngayon kung paanong gagawin pang kalahatan ang paggamit ng Filipinas.

      Isa itong topic na pinag-uusapan ngayon sa unibersidad kung saan ako nagtuturo kaya nabahagi ko.

      Delete
  2. ang nagbigay pa ng pangalan ng ating bansa ay mga kastila. shame

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parte ser Bino ng kasaysayan natin. Hindi naman natin matatanggi na ganoon ang nangyari. Ang mahusay ay bigyan ng saysay ang nakaraan at bumangon at magsikap :)

      Delete
  3. Ano kaya ang tawag sa bansa natin bago dumating mga Espanol? I'm wondering if it was called something different. Or we are just a cluster of islands, na walang pangalan as a whole? Just a thought...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magandang tanong yan. Noong gumagawa ako at ng aking mga kasamahan ng kasaysayan sa pangalan ng bayan namin sa Batangas, nakita namin sa mga datos na bago pa dumating ang mga Kastila ay may pangalan na kami bilang bayan. Dahil dito sa palagay ko, hindi pa tayo kilala noon bilang nasyon. Pero nabubuhay na ang mga ninuno natin at may mga komunidad na.

      Delete
  4. 1992 yung article pero ngayon ko lang ito narinig. Marami sa mga mahahalagang artikulo ay hindi nailalathala sapagkat hindi siya tungkol sa artista o politika. Salamat sa dagdag kaalaman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser Jonathan, buti naikomento mo. Ayan ngayon ay nilagay ko na ang dahilan ng pag-repost ko ng artikulo nato. Ayan, kasama na ang larawan na nag-uutos sa atin na gamitin ang Filipinas bilang tawag sa ating bansa.

      Delete
  5. So yung passport pala natin magiging Filipinas na. So I have to make corrections na rin when I refer to our country as Philippines. Big thing but we can all do it. Siyempre maraming magtatanong niyan. However, if this one issue will make us connect to each other, it is a start.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ser Jonathan, sabi sa sentro ng wikang filipino, uunti-untiin ang pagbabago. At oo, kasama diyan ang pasaporte :)

      Delete
  6. Massosyal nga pag filipinas kesa sa pilipinas pero khet ano p un basta philippines pa rin hahaha! Ano daw?

    ReplyDelete
  7. Did I just see "Tanggapan ng Fangulo"?

    Sang ayon ako na burahin na ang "Philippines".

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi fo. Ang alam ko fo ay hindi fa fo dafat madalas ang faggamit ng titik F.

      Delete
    2. Ahh hindi ba. haha.

      What I mean is, dahil Filipinas na tayo which is may touch ng English Alphabet, we can consider it as English word. Although hindi talaga english, gulo. haha! So dapat, kung Filipinas, Filipinas nalang.

      Delete
    3. Makes a lot of sense. I agree with making our name consistent all throughout. Filipinas na nga lang kahit sa english kung babaguhin din lang.

      Delete
  8. well ang problema ee mahirap nang baguhin yan, kasi we were known for such name,
    kahit sa mga pinoy, nakasanay na ang pilipinas,
    pero either way, wa naman magbabago haha,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo Mecoy, ang hirap na mag-introduce ng pagbabago lalo na kung matagal na itong nakasanayan.

      Delete
  9. May mas mahalaga namang mga bagay na dapat munang baguhin, bakit pa kaya inuuna nila ang mga bagay na maayos naman na. Oh flease! :0

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi ser zai! Isang sangay ng gobyerno ang nagbigay ng polisiya nato. Ive seen the works of commissioner almario at alam ko na mahusay siya sa larangan niya. Di ko rin fully naiintindihan sa ngayon ang kahalagahan ng pagbabago ng Pilipinas papuntang Filipinas pero may tiwala ako kina Almario.

      Delete
  10. I do not agree with this idea kahit ano pang explanation... basta dun ako sa nakasanayan na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Convenience and comfort senyor! Alas!

      I feel you ginoo. I feel you.

      Delete
  11. This is a great fact.. I would probably use Filipinas instead.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko pa rin fully makita kung paano ang implementation nito ser June. Haha. Kaya so far ang ginagawa ko lang ay ganito, ipost sa blog at pag usapan sa mga klase na hawak ko sa kolehiyo.

      Delete
  12. Nahihirapan akong magdecide kung tatanggapin ko ang pagbabago...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayan Yccos ang una kong reaction nung nabasa ko to :)

      Delete
  13. mas gusto ko parin ang Pilipinas. pag Filipinas kasi, parang mga pinay ang naalala ko. at subukan nyong i-search sa google image yung filipinas, hindi bansa ang makikita nyo, kundi mga...

    ReplyDelete
    Replies
    1. I tried googling the word Filipinas. Medyo hindi nga okay ang kinalabasan... Hmmm...

      Naisip ko madali lang yan solusyonan. Tag more photos ng sarili nating kultura, both the good and bad. I'm not pro-tampering bad images with good ones. Balancing lang to show the other side of the coin :)

      Delete